Zwölf.

631 28 60
                                    

Naiinis niya.

Naiinis siya na ewan kay Olivia. Grabe kasi makakakapit kay Ramses. Akala mo siya yung girlfriend.

Oo nga't, pretend girlfriend lang siya, pero may word pa rin naman na girlfriend don.

Gusto niyang imasa ng paulit ulit si Olivia. Tulad ngayon, grabe maka lingkis kay Ramses. Nakasuot nanaman ito ng body hugging dress na spaghetti strap at pa-v shape ang style. Kumakaway ang cleavage nito.

Wala siyang laban kung cleavage at cleavage lang din naman ang pagbabasehan. She's flat and proud. Dahil pare-parehas lang naman silang magpipinsan, kung tutuusin.

Nasa isang branch sila ngayon ng Saffron's. At kasalukuyan siyang hiniram ni Justine. Justine is one of her classmate in culinary class they both took. And Justine has a habit of having fantasy colored hair. Ngayon nga, kulay gray ang buhok nito.

"Psst, di ba jowa mo yon?" Nginuso nito si Ramses na nakaupo sa isa mga tables ng Saffron's.

"Oo nga."

"In fairness, papable talaga si Ramses kahit sabihin mong bakla. Pero kahit pa siya bakla, it doesn't matter anyway."

"Bakit naman?"

"Gurl, makakabuo pa rin yan." Sagot ni Justine.

Nasamid siya. "Justine Saffron!" She said.

Tumawa lang ang lukaret. "Duh! Lalake pa rin kaya yan."

Binatukan niya ito. "Ewan ko sayo."

"E sino yon kakwentuhan niya?"

"Her name's Olivia." Bagot na siya.

"Ay, may pa ganyan?"

"Alin?"

"Bagot na bagot ka, teh?"

"Super!" She groaned.

"Kelagan talaga pino-flaunt ang cleavage?"

"Wala akong laban dyan."

Tumingin sa kanya si Justine, saka tumingin sa may dibdib niya. "Ay, gurl. Same." Saad nito saka tumawa. "Pero wit ang cleavage ng iba, ako pa rin naman ang gusto ni Xav."

"I agree." She said.

"Ay, I have an idea." Saad ni Justine. Hinila siya nito sa may stall nitong malaki. "Sexy ka naman e. Di hamak na mas maganda ka kay Olivia."

Since she's wearing a loose white long sleeves polo na may tali sa harap, hinila ito ni Justine. Aapela pa sana siya. "Hep." Nakikita na ngayon ang mole niya sa may right breast niya. Medyo awkward lang. Hindi kasi siya nagsusuot masyado nang makikita ang mole niya. "Sinong may sabi na si Olivia lang ang may karapatan na magpakita ng cleavage?" Saad ni Justine sa kanya.

"H-Hoy!" Pilit niyang tinatago ang dibdib.

"Ano? Gusto mo cleavage lang ni Olivia ang nakikita ni Ramses?"

"Hindi no!" Saad niya.

"Oh edi good." Saad ni Justine. Konting baba pa, makikita na ang bra niya. Isinuot nito ang isang side sa may shorts niya. Pinabayaan na lang niya ito, naiinis kasi siya kay Olivia. Eto namang si Ramses, parang wala lang.

"Yan! Parehas na tayong sexy!" Says Justine. She was wearing a muscle shirt na malalim ang uka sa magkabila. Nakikita ang bra nitong kulay itim.

Hinatid kasi siya sa Saffron's ni Ramses, nagsakto namang nagpunta doon si Olivia.

"Now, go serve this to them." Saad ni Justine sa kanya. Binigay nito ang serving tray na may lamang blueberry cheesecake at mango cheesecake. Yun kasi ang inorder ni Olivia kanina.

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon