Vier.

721 30 15
                                    

Two days before ay engagement party na ni Bri. Magsasabay na sana nila ni Ramses, kaso may tatapusin pa ito sa opisina. He was so sorry that time.

"Babe, I'm sorry. May tatapusin pa rito. Hindi ako papaalisin ni Kuya Rama at Ate Raja kung hindi ko 'to matatapos."

Napatawa na lang siya. Akala mo kasi ang laki ng kasalanan sa kanya ni Ramses, e hindi lang naman sila magsasabay ng punta sa hacienda ng mga Gracia. Nagkasundo na lang din sila ni Ramses na 'babe' ang tawag nito sa kanya.

He accidentally called her babe. Akala nito ay magagalit siya. But then she smiled at him. Ang generic naman kasi kung wala silang tawagan. Alangan namang Hoy lang ang tawagan nila? Edi lalo silang mahalata.

The meet and greet with his parents went smooth. Sobrang tuwang tuwa ang mama ni Ramses nang malaman nitong siya ang naghahawak ng Danke, and true to what Ramses said, favorite nito ang ensaymada na gawa ng pastry shop nila. Especially the Ube Ensaymada.

Earl Ramses calling..

"Hello?" Isiningit niya ang phone niya sa pagitan ng balikat at tenga niya. Kasalukuyan kasi siyang nagbe-bake.

"Hi, babe."

She blushed. Ramses, masyadong pakilig.

"Hi rin. Asan ka na?" She asked.

"Miss mo na ako? Malapit na." Then he chuckles.

"Anla, si Ramses." Saad na lang niya. "I'll meet you in the front yard ha?"

"Okay, see you in a while, babe."

End call.

"Oh, si Ramses? Asan na?" Abi asked. Saka kumuhit sa frosting na ginawa niya.

"Malapit na raw siya." Sagot niya. "Si Bri?"

"Ayon, nangunguha ang lukaret ng mangga. Nauto ka nanaman ano?"

Napatawa na lang siya. Bri requested her to make mango cheesecake. Favorite kasi nito yon. Dessert daw para mamaya. Umuo na lang siya.

"Yaan mo na't engagement na naman niya."

Ten minutes have passed nang tawagin siya ng isa sa mga katiwala doon. "Mam Rae, si Sir Ramses daw po."

"Sige, papunta na ko." Hindi na siya nakapagtanggal ng apron. Busy kasi siya sa pagbe-bake. Di na nga niya alam kung anong itsura niya. Bahala na si Wonderwoman.

Lumabas siya. Nasa may front yard nga ito. Nakasandal ito sa Jeep nito. Naka-Aviator shades pa ito at malayang hinahangin ang buhok nitong kulay violet.

He was wearing a white long sleeves polo na nakatupi hanggang siko nito na tinernuhan naman nito ng itim na slacks na bitin. Terno nang kulay ng pantaas nito ang suot nitong sneakers.

Umikot ito sa sasakyan, at mukhang kinukuha ang bag sa kabilang pintuan.

"Hi." She said standing on tip toe. Ang tangkad kasi masyado ng isang 'to. She once asked kung anong height nito. Sumagot ito ng 188cm, at nang i-convert niya, 6'2 ang height nito. She leaned closer to him. Sakto namang lumingon ito.

They accidentally kissed. Nanlaki ang mata niya. Napahawak siya sa braso nito. Dahil muka siyang tutumba anytime. He pulled her closer.

This guy has the softest lips!

"Your cousins are currently watching us." Saad nito nang lumayo ito sa kanya. Alam niyang namumula siya. "Hey, babe."

Napalunok siya. This is the first time that they've kissed. Most likely, sa noo lang siya nito hinahalikan. Napa-paypay siya sa sarili niya. Like its O to the M to the G.

"Did you ate something that has strawberry on it?" Tanong nito. Hawak nito sa isang kamay ang travelling bag nito, at ang isa ay sa kamay niya.

"Ah, gumawa kasi ako ng frosting na may strawberry." Sagot niya.

"Your lips tastes like strawberry." Saad nito.

"Earl Ramses." She whined saka dumokdok sa braso nito. She heard him laughs.

"I'm not sorry, babe. We really should gave them a show." Sagot nito.

Parehas kasi nilang nakita na nag-apir si Abi at Bri, halata mong nanunuod ang dalawa.

"Hi, Ramses!" Abi and Bri said.

"Thank you sa pagpunta." Bri said.

"At thank you sa live show." Segunda pa ni Abi.

Napa-facepalm siya. "Sa kwarto mo na lang daw patulugin si Ramses." Saad ni Bri.

"Ha? Akala ko sa--"

"Sorry, guestrooms are occupied na, cousin. Kaya dun na lang si Ramses. Boyfriend mo naman si Ramses, di ba?" Pinagdiinan pa talaga ni Bri ang salitang boyfriend. Ngali ngali niyang batuhin ito ng Almanac talaga.

She sighed. Pinagkakaisahan talaga siya ng dalawang 'to. Tumingin siya kay Ramses. "Okay lang?" She asked.

Ramses smiled at her gently. "Its fine."

"Let's go." She made face sa dalawa niyang pinsan. Nginisihan lang naman siya ng dalawa. Hinila niya paakyat si Ramses. Ang kwarto kasi nilang magpipinsan, may kanya kanyang pangalan sa pintuan. Medyo nasa may dulo ang kanya, nagandahan kasi siya sa view nito pag umaga at gabi. Tanaw na tanaw ang plantasyon ng hacienda. Naalala niyang kulay violet nga pala ang kulay ng kwarto niya. Amoy lavender din ang kwarto niya. Iba iba kasi ang kulay ng kwarto nila. Yung kay Bri, yellow. Tapos amoy cinnamon. Yung kay Abi, kulay creme tapos amoy vanilla. Sa iba niyang pinsan ganun din.

"Sorry, di pa ako nakakapaglinis." Nakakalat kasi ang ilang libro ng Encyclopedia at Almanac sa study table niya. Well, hindi naman talaga totally madumi ang kwarto niya. Hindi pa lang nakakapag-imis.

Nilibot nito ang tingin sa kwarto niya. Nakaupo ito sa dulo ng kama niya.

"Galing ka pa bang meeting?" She asked him.

Tumingin ito sa kanya saka tumango. "Pahabol na meeting. Since I asked for a leave."

Tumango naman siya. "Bababa na ko, gusto mo ba magpahinga?"

"Later. I'll go with you."

"Okay." She said. Naghubad ito ng sneakers nito saka nagpalit ng tsinelas. He didn't bother to change his clothes. Well, gwapo naman kasi nito tingnan. Sumunod ito sa kanya. Hanggang kitchen, actually.

"Mam Rae, eto na raw po yung mga mangga. Sabi po ni Mam Bri." Isang lalakeng katiwala ang naga-abot sa kanya ng basket ng mangga. In which, kinuha naman ito ni Ramses. "Salamat po, Sir." Nagpaalam ito pagkatapos.

"Anong gagawin mo dito?" Ramses asked after.

"Mango cheesecake. Request ni Bri. Mga dinner time siguro dadating ang grandparents ko. Pati ang iba kong mga pinsan. Nauna lang talaga kaming tatlo."

"Who drove?" He asked.

"Ako." She immediately answered. "Pero yung pick up ni Bri ang gamit namin."

Tumango tango ito. Saka umupo sa may malapit sa kanya. Kumuhit siya ng kaunti sa frosting na ginawa niya. Tinatantya niya kung tama lang ba ang tamis nito.

She absentmindedly took frosting to her finger then asked Ramses to taste it. Hinawakan ni Ramses ang kamay niya saka dinala ang daliri niya sa bibig nito. She felt his tongue on her finger.

"Sakto lang." Sagot nito.

Namula siya. Did Ramses just licked her finger?

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon