FIVE
---
Hindi pa man kami nakakalayo sa eskwelahan nila ay nagalis ng seatbelt si Ashley.
Bumaling sya sa akin at dahan-dahang lumapit.
Inaakit ba ako nito?
Ibinalik ko ang tingin ko sa daan. Baka mabunggo pa kami.
Inilapit nya ang kamay nya sa labi ko.
Mali.
Sa gilid ng labi ko pala.
"Sorry sa pagsuntok ko sa'yo kanina. Ikaw kasi, eh."
Ito yung side nya na pinaka gusto ko. Don't get me wrong. I love every little thing about her. Even her imperfections. Pero itong pagiging sweet nya ang pinaka gusto ko sa lahat.
Bahagya akong napangiti.
"Nananapak ka kasi kaagad, eh. Ang sakit kaya. Akala mo ba kagaya lang ng sa isang normal na babae ang suntok mo?"
Kumunot ang noo nya habang nakaharap pa rin sa akin.
"Mag-seatbelt ka nga." Dagdag ko. Pero hindi sya gumalaw.
"Anong ibig mong sabihin d'on? Na hindi ako normal, gano'n?!"
"Wala akong sinabing hindi ka normal." Natatawang sabi ko.
"Tss. Magsi-seatbelt na nga ako, baka bigla na lang kasing mabangga ng driver ang kotse ko." Sabi nya habang magsusoot ng seatbelt.
"I'm a professional car racer. 'Wag mo 'kong minamaliit."
"Whatever.."
"Hindi porket natalo mo 'ko noon sa motorsiklo mauulit pa 'yon. Nagugulo lang ang isip ko noon."
"Reasons. Ano? Nanghihingi ka ba ng rematch?"
"Tss. 'Wag masyadong mayabang. Sa kotse naman, oh?"
Inirapan nya ako bago itinuro ang daan paliko.
"Ano na? Iba ang kotse sa motorsiklo."
"D'yan sa itim na gate." Utos nya. At binalewala lang ang sinabi ko.
"Ang tagal naman.." Sabi nya ng nasa tapat na kami ng gate.
Nainip na yata siya kaya tinapik nya ng matagal ng ilang beses ang busina ng sasakyan nya.
Saang lugar na ba 'to? Hindi 'to ang bahay nila at hindi rin ito kabilang sa mga property nila.
May isang lalaking dumungaw sa may gilid ng gate. Nakasimangot ito at ng makita ang kotse ay agad siyang tumakbo at sumigaw para magtawag ng kasama nya para magpatulong magbukas ng malaking itim na gate na may letrang G at P sa harap. Ano naman kaya 'yon?
Pagkabukas nila ng gate ay yumuko sila pagkatapos ay naiilang na tumitingin sa akin. Sa akin? Or sa may driver's seat lang?
Akala siguro nila ay si Ashley ang nagmamaneho. Sobrang tinted kasi ng kotse kaya malamang ay wala silang maaninagan.
"Ano na naman kayang pinagkakaabalahan ng mga tao at ang tagal nilang magbukas ng gate?" Sabi nitong kasama ko habang nagtatanggal ng seatbelt.
"Race? Sa kotse naman.." Paghahamon ko sa kanya.
Ngumisi lang sya at bumaba na ng kotse.
"Queen, what's up?" Tanong sa kanya ng isang lalaki pagkababa namin ng kotse.
Matangkad sya. Nakataas ang kulay blue nyang buhok at may tattoo mula sa braso hanggang sa kamay.
Colorful, ah?
BINABASA MO ANG
Ashley Montez
ActionI am strong. She is powerful. I make the rules. She is the rule. I am a gang leader. She is the queen.