Short update. Babawi ako, promise! Haha. Tatapusin ko lang yung isa kong story, na sana basahin niyo rin. 'Yon lang. Salamat. Ge. Basa!
TEN
---
Nasa ICU ang daddy ko ngayon at kritikal ang lagay.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko na hindi ko na alam kung ano ang mas nangingibabaw.
Halos hindi ko matingnan ang daddy ko kanina ng pumasok ako sa kwarto niya. Maraming sugat ang natamo nya at nasunog din ang ilang parte ng katawan niya dahil sa pagsabog ng kotse.
Nakausap ko na ang mga pulis na nagiimbestiga sa kaso ng daddy ko. Ayon sa kanila isang bomba ang dahilan ng pagsabog.
Posibleng ang mga nakakaalitan ni Daddy sa business ang maaaring may gawa nito. Siya talaga ang puntiryang patayin pero nagkataon lang na hindi siya ang nagmaneho ng kotse na madalas na minamaneho niya.
Habang kinakausap ako ng mga pulis ay hindi ako gaanong kumikibo. Sumasagot lang ako sa mga tanong nila pag kailangan at pini-filter ko pa ang kung ano mang lalabas sa bibig ko.
Maaari rin kasing hindi ang daddy ko ang may kaaway ng kung sino mang nasa likod nito, maaaring sa akin sya may galit.
Pero kung sino pa man siya, humanda siya dahil hindi ko palalampasin 'to. Kahit sa ilalim ng dagat pa sya magtago hahanapin ko sya.
Nasa labas lang kami ng kwarto ni Daddy. Kasama ko pa rin si Bryan at si Mr. Jung.
"Bryan, D Street tayo." Sabi ko kay Bryan na tila nagulat dahil ngayon lang ako nagsalita.
"Mr. Jung, stay here. May mga pulis naman na nagbabantay. Just call me whatever happens." Tumango lang naman siya.
Tumayo na ako at sumunod naman sa akin si Bryan. Hindi kami nagkikibuan hanggang sa makalabas kami ng ospital.
Sa D Street na kami dumiretso. Nadatnan na rin namin dito sina Blake at Troy na pawang nakalongsleeve pa dahil galing sa opisina.
Alas nuebe na ng gabi at kaming apat lang ang nandito. Ayoko muna kasing makalabas ang ano mang impormasyon na paguusapan namin.
"Bro/Ethan" Bati sa akin ng dalawa. Tinanguan ko lang sila pareho at naupo na sa sofa.
Nagbukas muna ako ng isang can ng beer at uminom bago nagsalita.
"Check the CCTVs." Agad naman na binuksan ni Bryan ang laptop niya dito sa D Street.
"May hinala ka na ba kung sino ang may gawa nito, Ethan?" Tanong sa akin ni Troy habang kinakalikot ni Bryan ang computer niya.
"Wala pa. Hindi ko pa din masigurado kung mga kaaway ba natin o kaalitan ni Dad sa negosyo ang may gawa nito."
"Kumusta na siya?" Si Blake.
"Nasa ICU sya ngayon."
Parehong napailing at napayuko ang dalawa.
Natahimik lang kami hanggang sa tumunog ang cellphone ko.
Unregistered number.
Sinagot ko na ang tawag.
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko agad dahil baka ito ang nasa likod ng pagsabog ng kotse ni dad at magbabanta lang.
"Ethan."
"Ashley?" Napatingin naman sa akin ang mga kasama ko maging si Bryan na abala sa computer.
TROY
Tumayo at lumabas muna si Ethan. Maaaring makatulong si Ashley sa hinahanap naming taong may gawa nito sa daddy ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Ashley Montez
ActionI am strong. She is powerful. I make the rules. She is the rule. I am a gang leader. She is the queen.