ONE

5.5K 86 0
                                    

ONE

---

Boring.

Ang gandang bati, hindi ba?

Tss.

Nandito lang ako sa bahay.

Walang ginagawa.

Kakagraduate lang namin. At ako, heto at tambay.

Tinatamad pa kasi talaga akong magtrabaho. Kaya pa naman ng daddy ko, eh.

Si Blake, tini-train na ng mga magulang nya sa paghandle ng business nila. Siya na rin ngayon ang may hawak ng Wilson's University. Si Bryan, magbubukas na ng branch ng Sparks. Umaasenso ang mokong dahil sa bisyo nya. Si Troy, siya na ang nagma-manage ng kumpanya nila.

Ako na lang talaga ang walang silbi, eh.

Halos mapabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko dito sa kama ko ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko na itinapon ko kanina kung saan.

Bwisit! Saan ko nga ba banda hinagis?!

Mabilis akong yumuko sa may ilalim ng couch ng makita ko ang pag-ilaw mula doon.

Bryan Calling...

Anak ng pusa naman, oh!

Sinagot ko ang tawag ng walangyang paasa!

"Leche! Anong kailangan mo?! " Sigaw ko sa kanya.

"Hello din sa'yo! Hindi ka na natutong bumati ng maayos."

"Alam mo ba kung anong oras na?!" Maga-alas onse na kasi ng gabi at nangiistorbo pa.

"Anong akala mo sa akin? Nakagraduate ng kolehiyo ng hindi marunong bumasa ng oras? Syempre alam ko. Mag-aalas-onse na ng umaga ngayon sa New York at break na ng Girlfriend mo." Mayabang na sabi nya at pinaalala nya pa talaga, ha?!

"Gago! Alam mo naman pala, bakit ka pa tumatawag?!"

Narinig ko naman ang tawanan sa kabilang linya. Malamang naka-loudspeaker 'to.

"Lahat ng tumawa, humanda kayo sa akin." Banta ko sa kanila.

"Iimbitahan ka lang sana namin dito. Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam, eh."

Kung nasa harapan ko lang ang isang 'to, kanina ko pa nabugbog.

"Ano na, Ethan? Pumunta ka na! Maraming chicks dito!" Dinig kong sigaw ni Blake sa kabilang linya.

"Matawagan nga si Cath.."

Nasa Italy kasi ngayon si Cath kasama ang mga magulang nya at nagbabakasyon. At oo, sa kasamaang palad. Sila pa rin. Napagtyagaan ni Cath, eh.

"Tol, wala naman ganyanan. Ikaw lang naman ang bibigyan ko ng chicks, eh."

"Edi kay Ashley na lang ako tatawag.."

"Ethan, gusto mo bang mabawasan ang mga kaibigan mo? Alam mo namang may pagka-amazona 'yung si Ashley, eh." Napangisi ako.

"Tumigil ka nga muna, Blake!" Si Troy 'yon. "Ethan?"

"Hmm?"

"Pumunta ka na dito. Para dalawa tayong mag-uuwi ng lasing mamaya." Tapos ay tumawa sya.

Alam ko na 'yon.

"Sige. Punta ako maya-maya kapag tumawag na si Ashley."

"Eh, paano kapag hindi tumawag?" Si Bryan.

Walangya 'to!

"Papasabugin ko ang Sparks pati na ang Skraps na magbubukas pa lang."

Nagtawanan ulit sila. Dinig ko rin ang hagikgik ng mga babae. Tss.

Ashley MontezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon