SEVEN

2.3K 52 2
                                    

Chapter 7

---

"Ganon na ba talaga 'yung mga type mong babae ngayon?! Ha?!" Salubong sa akin ni Ashley pagkapasok ko ng kotse nya.

Hindi pa man ako nakakaupo ng maayos ay pinaandar na nya ang kotse. Ewan ko lang kung hindi kami maaksidente nito.

"Ano?!"

"Anong 'ano'?! Kitang-kita ko 'yung pagtitig mo doon sa pusod nung babae kanina!"

"Ako?!"

Pagkatanong ko ay bigla nyang inapakan ang preno. Nasa tapat na kami ng malaking gate ng gangster's palace ngayon.

"Walangya ka! Pagkatapos mong makipaglampungan doon sa linta sa Pilipinas ito na naman?!"

"Akala ko bang tapos na tayo do'n?!"

"Sinong may sabi?!" Balik nya sa akin.

Kapag ang babaeng ito ang kausap ko, nakakalimutan kong ako ang may hawak ng D Street.

"Come on, Ash! I was just drunk!"

"Naka-inom ka rin ba ngayon?!"

Ilang segundo akong hindi nakapagsalita.

"See!"

"Ashley--"

"Hep! Tumigil ka na!" Pagkatapos ay pinaandar nya na ulit ang sasakyan ng napakabilis. Wala bang speed limit dito?!

"Ashley, its not--"

"Don't talk!"

Aish!

Inirapan ko sya at tumingin na lang sa labas.

Maraming mga matataas na building ang nadadaanan namin at mabilis lang namin silang nalalampasan dahil sa bilis ng pagmamaneho ng kasama ko.

Ilang minuto pa ay nasa tapat na kami ng isang malaking bahay.

Bahay nila ito. Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko lahat ng bahay nila dito sa New York at alam ko ring ito ang bahay kung saan sila ngayon tumutuloy.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko ngayon. God! I'm going to meet her parents!

Pinagpapawisan na ako ng malamig dahil sa kaba na may halong saya at excitement.

Nang makapasok na kami sa gate ay mabilis siyang nagpark pagkatapos ay mabilis rin na pinatay ang makina at bumaba ng kotse.

Nagmadali akong mag-alis ng seatbelt at bumaba na para masundan siya. Kung hindi ko sya susundan ay malamang maligaw ako sa laki ng bahay na 'to.

"Ash!" Tawag ko sa kanya pero hindi siya natinag at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ashley! Stop! Pwede ba?" Tumakbo na ako para mahabol ko na siya. Nang makalapit ako sa kanya ay hinigit ko ang braso niya at iniharap siya sa akin. "Listen, okay? I don't know her and I don't give a damn about that girl. Or any other girl."

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Alam kong hindi na 'to gaanong kagalit hindi katulad kanina na konti na lang ay magbubuga na ng apoy.

Hindi siya sumagot. Umirap siya matapos ang ilang segundong pagtititigan namin.

Ang babaeng 'to talaga..

Hinila ko sya palapit sa akin para mayakap. Hindi naman na sya pumalag pero hindri rin nya ako ni-yakap pabalik.

"Ash, come on. I'm here for you, not because of anyone else. Okay?"

Naramdaman ko ang pabagsak na hinga nya at ang paggalaw ng mga braso nya para yakapin ako pabalik.

Ashley MontezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon