EIGHT

2.3K 52 4
                                    

EIGHT

---

"So, how's your Dad, Ethan? I heard na maganda ang takbo ng kumpanya nyo ngayon sa Pilipinas." Tanomg ng daddy ni Ashley sa kalagitnaan ng paghahapunan namin.

Nagulat naman ako sa pagtatanong nya pero agad naman akong nakasagot.

"Good. Actually, magbubukas po ang branch ng company sa Cebu." Itong topic na 'to ang ayaw kong pag-usapan namin.

Binalingan ko si Ashley na nasa tabi ko matapos kong sumagot. Pero tila hindi siya nakikinig sa usapan namin ng mga magulang nya at patuloy lang sa pagkain.

"Hello everybody!" Napalingon kaming lahat sa lalaking dumating. Si Anthony. "Hi, Mom. Hi Dad." Humalik sya sa mommy nya at tinapik lang nya sa balikat ang daddy nya.

"One more plate here, please." Sabi ng mommy ni Ashley sa isa sa mga nakatayong kasambay sa paligid namin.

Umupo naman si Anthony sa tabi ng mommy nya na katapat ko.

Tiningnan nya lang ako pagkatapos ay ngumisi. Tss.

"Kailan mo ite-take over ang pamamahala ng negosyo nyo?" Nabalik ang tingin ko kay Mr. Montez ng ibalik nya ang topic namin kanina bago dumating ang isa nya pang anak.

Nakahinga nga ako kanina dahil akala ko ay nalihis na ang usapan tungkol sa business ng dumating si Anthony kaya lang ay ibinalik nya ulit. I guess he really wants to know.

"Well, ahm.." Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin.

Napunta naman sa akin lahat ng tingin nila kasama na si Ashley.

Ayoko. Ayoko lang hawakan 'yon. Sa ngayon. Maybe soon? I don't know.

Bigla naman tumikhim si Ashley kaya nalipat sa kanya ang titig nila.

"Miss, can i have a juice? please." Mabilis naman na kumilos ang isang babae sa tabi nya at nilagyan ng juice ang baso nya.

"By the way, Dad, i just found out who's the person behind those 'missing cars' of yours." Si Anthony.

"Really? You found all my cars?" Tuwang-tuwa na sabi ng daddy nila.

"Dad, i said, i found the person and not your car."

Napahagikgik naman si Mrs. Montez sa sinabi ng anak niyang lalaki.

"Oh, come on, kuya. Give me some credits, too." Sabi ni Ashley.

"Yeah, right, Sofia." Halos batuhin naman siya ng kapatid nya dahil sa itinawag nya rito.

"Stop it, you two. Kumain na nga kayo.." Saway sa kanila ng kanilang ina.

"Are you talking about your gangster's things? Naka-away nyo ba 'yong nagnakaw ng kotse ko?" Tanong ni Mr. Montez.

Nagulat ako at nagtaka dahil sa tanong daddy nila. Una, alam nya na mga gangster ang dalawang anak nya. Pangalawa, nanakawan siya ng kotse? Sa dami malamang ng body guards niya, nakuha pang manakaw ang kotse nya?

"Inaway nila kami, dad. Hindi kami ang nagumpisa. Siya kasama ang grupo nya ang naghamon GP." Dipensa ni Ashley.

"Sofia, parang ganyan din ang sinabi mo noong umuwi kayong puro putik sa katawan ng kuya mo." Ang mommy nila.

"First of all, ma, stop calling me that name. Second, its true. That guy that we're talking about went to GP with his group. Nalaman namin na wanted siya sa Canada. At siya rin ang nasa likod ng pagkawala ng mga kotse nyo."

"Where's this guy now?"

"Nakakulong na sya, ma. Dinala na sya ng mga pulis kanina." Si Anthony.

Ashley MontezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon