Chapter 6
---
Magkakatabi kaming nanonood ng Knights kasama ang pinsan ni Ashley.
Nasa may malapit lang rin sa amin ang kuya nya at ang mga miyembro ng DP.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid namin. Maraming mga tao ngayon na nanonood. Malamang ay mga kasali sa gang ang mga ito at ang iba naman ay maaaring mga miyembro ng Royals. May mga kasamahan rin ang kalaban ni Ashley. Nasa may kabilang side sila. Nasa gitna nila ang isang babaeng mukhang kanang kamay nung filipino-canadian. Naka-pusod ang buhok nito. Nakapants siya sa baba at nakalitaw naman ang pusod sa soot niyang blouse. Nakangisi siya habang nanonood rin sa screen. Ang mga nakapalibot naman sa kanya ay nag-aasaran lang at nagpapayabangan.
Maayos naman ang lahat at pawang mga nakatingin lang sa malaking screen na nasa harap namin.
Ganon pa man. Iba talaga ang nararamdaman ko. 'Yung parang pakiramdam ko anytime may mangyayari na kung ano sa kung saan man.
Tss. I'm being paranoid.
Pero the way Ashley said it? It's not just a race.. I know. I know that its not really just a race.
Ibinalik ko ang tingin ko sa may screen.
Papasok na sila ngayon sa pangalawang lap.
Pagkalampas na pagkalampas ng dalawang kotse sa line kung saan sila nag-umpisa kanina doon ko napansin sa may tabi namin ang pagkilos ng dalawa sa DP, si Tj at ang isang pinsan ni Ashley na si Raydon.
Pasimple silang naglakad papunta sa may likuran namin.
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makaliko sila.
Nakatingin ako sa screen, sa oras na nakalagay sa may ibaba nito..
Ashley
2 minutes ang 30 seconds. Kaya ko...
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse.
It's not about the race anymore..
Tiningnan ko ang timer na nasa tabi ko.
00:02:12
Inapakan ko ng matagal ang gas..
Eksaktong 2 minutes and 30 seconds, nakarating kami sa bahaging ito ng GP. Sa ikalawang puno sa tabi ng building number 3 na kinulayan ng pink ni Alex.
That's it.
Kinabig ko ang sasakyan ko pakaliwa, dahilan para mawala ako sa kontrol.
Hindi inasahan 'yon ng nasa may likuran ko kaya biglaan siyang nagbreak. Nagpaikot-ikot ang kotse nya..
Inapakan ko rin ang preno ng kotse ko at ng nakasteady na ito ay pinatay ko na ang makina.
Itinali ko ang maliit kong buhok dahil maaaring makasagabal ito sa mangyayari.
Lumabas ako ng kotse ng nakataas ang noo.
Pagkasara ko ng pinto, doon ko narinig ang pagkasa ng mga baril at ang prisensya ng mga hindi kanais nais na tao sa paligid ko.
Nagkamali kayo ng pinasukang lugar.
Lumabas ang lalaki mula sa kotse nya ng pumapalakpak at tumatawa habang papalapit sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko at nagkunwaring sobrang naaalarma dahil sa paglitaw ng mga univited guests dito sa palasyo namin.
"Surprised?" Parang narinig ko na dati ang tanong na 'yan. At may kinahinatnan yung nagtanong nyan sa akin.
BINABASA MO ANG
Ashley Montez
БоевикI am strong. She is powerful. I make the rules. She is the rule. I am a gang leader. She is the queen.