Please comment all your thoughts.. suggestions.. violent reactions.. or kahit ano pa. Ha? 'Wag ka ng magbabasa kung hindi ka magco-comment! Hahaha. Dejoke lang. Lovelots! :)
ELEVEN
---
Papunta na ako ngayon ng D Street galing ng opisina. Alas quatro pa lang ng hapon pero umalis na ako roon. Hindi dahil sa hindi ko siniseryoso ang trabaho pero may importante lang talagang dahilan.
Tinawagan ako ni Bryan kanina tungkol sa kaso ng Daddy ko.
Siya ang naghahanap ng mga bagay na pwedeng ikonekta sa nangyari para mahanap ang nagtangka sa buhay ng daddy ko.
May lead na daw siya. At isang tao daw ang tinuturo ng mga ebidensyang nakuha niya. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tono. Tinanong ko sya kung sino pero ang sabi niya ay personal niya daw 'yon sasabihin sa amin nila Troy.
Inalis ko ang necktie ng damit ko pati ang coat bago bumaba ng kotse ko. nakalongsleeves na lang ako ngayon na bukas pa ang unang dalawang butones tapos ay nakatupi ang sleeves hanggang siko.
Pagpasok ko ng kwarto namin, naabutan ko ng nakaupo sina Blake at Troy kasama si Bryan na nakaharap sa laptop niya.
Umupo ako sa tabi ni Troy na nakaupo sa sofa.
"Spill it."
Katahimikan ang bumaling sa aming apat. Pare-pareho kaming nakatingin lang kay Bryan.
"Bryan, magsasalita ka ba o sasapakin na kita? Kinakabahan ako sa ganyan, eh." Si Blake.
Iniripan lang siya ni Bryan pagkatapos ay sumandal ito at umupo ng maayos sa upuan.
"Pwedeng hindi kayo maniwala sa sasabihin ko, dahil maging ako hanggang ngayon.. hindi ako makapaniwala." Panimula niya.
"Just go direct to the fucking point." Si Blake.
"Okay.. Its Ashley."
Parang tumigil ang paghinga ko. Tumigil ang pagproseso ng mga bagay sa utak ko, pati ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko. Tanging puso ko na lang ang naririnig kong mabilis ang pagtibok.
No, fucking way.
"What?" Si Troy.
Nakakunot ang noo naming tatlo.
"You're crazy. Paanong mangyayari 'yon?" Tanong ni Blake.
"Of course, she can. We all know that. That's a pretty stupid question, Blake."
"Fuck you. I know. What i mean is. She's in New York. How?" Halos putol-putol na tanong ni Blake.
"Paano mong nasabing siya?" Si Troy.
"'Yung pampasabog na ginamit. It was not a typical bomb. Nagresearch ako kung anong klaseng pampasabog 'yon. And, I found out that the same kind of bomb was already used before by a gang in the US... New York to be exact."
Hindi ko na napigilan ang sumabat sa usapan nila. Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong maramdaman ngayon.
"That's it? Dahil lang do'n, nagawa mo na siyang pagbintangan? I really can't believe this. This is bullshit!"
"Hindi ko sya pinagbibintangan! kaya nga wala kayong narinig sa akin na kahit anong update sa kaso ng daddy mo dahil ayokong ibigay sa inyo ang impormasyon na 'ito na hindi kayang depensahan!" Balik na sigaw niya sa akin. "Wala akong sinabing maniwala kayo sa akin. Sinasabi ko lang kung ano ang mga nakalap kong impormasyon na siyang pinagawa niyo sa akin. Kaibigan ko din si Ashley at ako mismo hindi makapaniwala sa mga nalalaman ko."
BINABASA MO ANG
Ashley Montez
AksiI am strong. She is powerful. I make the rules. She is the rule. I am a gang leader. She is the queen.