NINE
---
Alas dos y medya ng madaling araw ng makalapag ang eroplanong sinasakyan namin sa NAIA.
"Fucking jetlag." Mura ni Bryan ng makasakay kami sa van na sumundo sa amin. Naupo agad siya sa may likuran. Sumunod rin sa kanya si Blake.
Sumakay na rin kami ni Troy sa van.
"Sa bahay na tayo, mr. jung." Sabi ko kay mr. jung na syang nagmamaneho na sumundo sa amin.
"Bakit ba kasi ang layo ng amerika?" Reklamo naman ni Blake.
Hindi ko na lang sila pinansin at sumandal na lang ako sa upuan.
Nakakaidlip na ako ng tumigil ang sasakyan. Ang akala ko ay nasa bahay na kami pero ng tumingin ako sa labas ay malayo pa kami. Kitang-kita ko mula rito sa loob ng kotse ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw na nanggaling sa mga nakahilerang bar.
Ngayon ko lang napagisip-isip kung bakit talaga kumikita ang Sparks ni Bryan. Masyadong maganda ang Sparks kumpara sa mga bar na ito. Pati na ang mga babae. Oh, sana lang hindi makaabot kay Ashley ang mga iniisip ko.
Naistorbo ang pagkukumpara ko ng mga bar nang mapadpad ang tingin ko sa isang bar na sa tingin ko ay syang pinakamalaki sa lugar na ito. Walang gaanong ilaw sa harapan nito at tanging signage lang ang nagbibigay liwanag sa bandang harapan.
"Mr. Jung, sandali lang." Pigil ko kay Mr. Jung. Napapreno naman sya ng wala sa oras dahil sa biglaang pagsigaw ko.
May palabas lang kasi na kotse mula sa isang parking space kaya kami nakahinto kanina.
Nagising rin mula sa pagkakatulog nila ang mga kasama ko dahil sa biglaang pagpreno at sa naging sigaw ko.
"Ano 'yon?" Sabay na tanong ni Blake at ni Bryan sa inaantok na boses. Samantalang si Troy naman ay ramdam ko ang pagtitig mula sa tabi ko.
Hindi ko sila pinansin at binalikan ko lang ng tingin ang bar. Lumabas pa ako ng kotse ng hindi ko masyadong makita dahil sa mga taong nakaharang.
Imposible.
Umiiling pa akong sumakay ulit pabalik sa kotse.
"What is it?" Tanong ni Troy.
"Wala." Tinanguan ko na si Mr. Jung para paandarin na uli nya ang sasakyan.
"Ethan, 'wag mong sabihing parang nakita mo si Ashley na nagtatrabaho sa bar?!" Si Blake.
"Gago. Kung magtatrabaho 'yon sa bar, siguradong sa Sparks mo sya mahahanap!" Si Bryan.
Binato ko siya ng bote ng mineral water ko. Si Blake naman ay binato ko nung kay Troy.
"Mga siraulo! Isang babaeng tagapagmana ng isang makapangyarihang pamilya pagtatrabahuin nyo sa bar? Eh kung ako kaya ang magpasabog ng Sparks?" Banta ko.
"Ang sinasabi ko lang, hindi cheap si Ashley para pumasok sa mga ganoong klase ng bar--"
"So, ibig mong sabihin magandang klase ang bar mo? Ulol!"
"Kumpara naman sa mga bar kanina, syempre!"
Pinabayaan ko na lang sya at hindi na pinansin
"Nakahanda na po ang guest room, sir." Sabi ng isa sa mga katulong namin ng makarating kami ng bahay. Pare-pareho kaming nakahilata sa sofa dito sa sala.
Pagkarinig non ni Bryan ay agad syang tumayo.
"Dude, pagod talaga ako. Mauna na ako sa taas." Tapos ay diretsong naglakad na paakyat.
BINABASA MO ANG
Ashley Montez
AksiI am strong. She is powerful. I make the rules. She is the rule. I am a gang leader. She is the queen.