May isang high school girl na campus queen at crush ng bayan ang pangalan nya ay Ghee-Kaye, halos lahat ng boys ay may crush sa kanya pwera lang kay Matthew na campus king ng school nila. May apat na masugid na manliligaw si Ghee-Kaye, si Billy the Bully, si Chester the Rich Boy, si Andrew the Brainy Model at si Terrence the Idol. Pero ni isa dun ay walang napupusuan ang campus queen dahil ang crush nya talaga ay si campus king na may iba namang crush.
Isang araw may lumipat na bagong studyante sa school nila kaya lang saksakan ng pangit itong binatilyong ito, sya ay kuba at puro tigyawat ang mukha tapos may brace at may hiwa ng "X" ang mukha. Ganunpaman mabait itong tao kahit na binubully lagi ni Billy the Bully at sinasabihang "walang kalatoy latoy" ay ok pa din ang kuba ang pangalan nya ay Drake. Naging classmate ni Ghee-Kaye si Drake, at sa twing nakikita nyang inaapi ito ng mga ka-klase nya dahil sa kapangitan nito ay pinagtatanggol parin nya ito. Ganun kabuti ang puso ng dalaga kaya lalong maraming nahuhumaling sa kanya. Si Matthew nga lang ang hindi pumapansin sa kanya dahil may mahal na itong iba. Ganonpaman crush parin sya ni Ghee Kaye dahil walang kasing gwapo talaga itong si Matthew sa kanilang school.
Samantala.. hindi nagtagal at nakaclose din ni Ghee-Kaye itong si Mr.Kuba, I mean si Drake. Ayun naging magBFF kaya kahit papano ay hindi na nabubully masyado si Drake dahil lagi syang nakasunod kay Ghee-Kaye na nirerespeto nmn ng mga studyante ng eskwelahang iyon.
Nang mapansin ng apat na kumag ang closeness ni Ghee-Kaye at ng Kuba, nagreklamo sila.
Billy: oi GK bakit ka ba sumama sa kuba na yan ha?.. wala namang kalatoy latoy yan, sa akin ka nalang sumama, pangako ko sa matutulis na mga buto ko walang makapananakit sayo.
Chester: NAKO! tumigil ka nga Billy, tigil tigilan mo nga yung GK ko, sa kin lang si GK.. GK kahit anong gusto mo, bibilin ko para sayo. gusto mo haharahin pa kita eh.. kaya tara na, iwan mo na yang kuba na yan..
"Oo nga GK" ang sabay-sabay na sambit nina Billiy, Andrew at Terrence.
GK: ano ba naman kayo guys kaibigan ko lang sya, saka isa pa pwede ba matuto kayong gumalang ng kapwa nyo, wala nman syang ginagawang masama sa inyo ah. at may pangalan sya Drake.
to be continue...
BINABASA MO ANG
She's loving a Panget - S.L.A.P.
KurzgeschichtenGK: Ang kuba kong syota parang Camel ang sarap pumasan.. >> Namely, Ghee-Kaye Billy Rhada Andrew Alliyah Terrence Ch...