Matthew's POV
Hi! ako nga pala si Matthew dela Cruz ang Campus King at Campus Crush dito sa East High Academy.. Hindi ko din alam kung bakit patay na patay sa kin ang mga babae sa school nato.. daig ko pa nga ang artista, wala akong privacy.. kahit saan ako magpunta eh may nakasunod sa kin.. kaya ingat na ingat ako sa behavior ko dahil ako din kasi ang Student Council President sa school nato.. hindi naman ako masyadong matalino, lagi lang akong 2nd runner up. si Marian ang girlfriend ko este ex girlfriend ang laging first honor sa buong 4th year level.
Recently, nagbreak kami ni Marian dahil sa selos nya sa mga followers ko.. kahit na anong paliwanag ko ay ayaw nyang maniwala sa akin.. minsan nga tuloy ay iniisip ko kung ako ba talaga ang may kasalanan o talagang gusto na nya talaga akong hiwalayan dahil wala pa kaming 1 linggong break ay sinagot na nya si Dingdong ang bestfriend ko.
Inuudyok kasi ako ng barkada ko sa Campus Queen ng school nato na si Ghee-Kaye.. feeling ko duon sya nagselos ng husto.. pero si Marian talaga ang mahal ko..
napakasakit talaga ng kalooban ko ngayon.. hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito..
Ano kaya kung patulan ko tong Campus Queen na to para pagselosin ko ng husto si Marian?..
hmm.. pwede.. masubukan nga.
infairness naman kasi sa kagwapuhan ko, hindi pako nanliligaw sinasagot nako.. hay nako hirap maging gwapo, talaga naman.. whoo!..
BINABASA MO ANG
She's loving a Panget - S.L.A.P.
Storie breviGK: Ang kuba kong syota parang Camel ang sarap pumasan.. >> Namely, Ghee-Kaye Billy Rhada Andrew Alliyah Terrence Ch...