MATTHEW 7 - Ang Paghatol sa Kapwa
v1"Huwag humatol upang hindi kayo mahatulan.
v2Sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo; at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.
v3Bakit mo nakikita ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang troso na nasa iyong sariling mata?
v4O paano mong nasasabi sa iyong kapatid, 'Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,' samantalang mayroong troso sa iyong sariling mata?
v5Ikaw na mapagkunwari, alisin mo muna ang troso sa iyong sariling mata at nang magkagayon, makakakita ka nang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid.
v6"Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga banal na bagay; at huwag kayong magtapon ng inyong mga perlas sa harap ng mga baboy; baka yurakan nila ang mga ito ng kanilang mga paa, at pagbalingan kayo at lapain.
BINABASA MO ANG
She's loving a Panget - S.L.A.P.
Short StoryGK: Ang kuba kong syota parang Camel ang sarap pumasan.. >> Namely, Ghee-Kaye Billy Rhada Andrew Alliyah Terrence Ch...