Chapter 22

3.2K 126 11
                                    

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Prinsesa Frenelyn habang nakatitig sa lalaki. Nakaposas ito sa likuran habang nakasandal sa may pader kung saan nila ito dinala. Sa isang abandonadong bahay na malayo sa kabayanan. May ilog sa di kalayuan at may maikling tulay na dinadaanan ng iilan sasakyan.

Nakatulog lang siya,mahal na prinsesa..

Hindi ko napigilan ang sarili ko..sasaktan niya ang mate natin!

Tss,buti nga yan lang inabot niya baka natulad na siya sa Santos na yun!

Agad na nilukob ng guilt ang dalaga ng maalala ang ginawa niyang pagpaslang kay Santos.

Mahal na prinsesa..tama na yan guilt-guilt na yan ha!

"Fren.."pagtawag sa kanya ng binata.

Agad na nilingon niya ang binata.

May bitbit itong paper bag. "Kain muna tayo," anito sabay angat ng hawak nito.

Napangiti ang dalaga.

Natigilan siya ng hubarin nito ang suot nitong itim na jacket at ilatag sa sahig.

"Dito ka,wala akong mahanap na mauupuan eh,come here," alok nito sa kanya.

Aww so sweet!

Napapangiti na agad na tumalima ang prinsesa at umupo sa inilatag nitong jacket.

Balewala naman umupo sa maruming sahig ang binata paharap sa kanya.

Tabi kaya kayo!

"Dito ka na sa tabi ko,Aldrin..may space pa naman," tapik niya sa gilid.

Hindi kaagad nakareak ang binata. "Uh,ayos lang baka hindi ka maging komportable na may katabi," naalangan nitong saad.

Tama siya baka sa in heat natin dambahin na lang natin siya ng walang kurap!

"Ayos lang,sige na..Dito ka na sa tabi ko," alok pa rin niya rito.

Suicide ba 'to!

Huwag ka nga..control na lang tayo.

Do I have a choice!

Agad na pinigilan ni Frenelyn na mapangisi ng tumabi na sa gilid niya ang binata. Mabilis na nagreak ang hormones niya sa katawan.

This is not cool! We burning now!

Binalewala niya ang pagrereklamo ng wolf niya at pinagmamasdan ang binata na ngayon ay nilalabas ang dalawang styrofoam na may laman na pagkain.

"Sana okay lang sayo itong binili ko..Fried chicken and rice," anito ng iabot sa kanya ang isang Styrofoam.

Kibit ang balikat na inabot niya iyun rito.

"No problem,basta galing sayo," aniya na kinatigil nito saglit at napalitan ng pagngisi na sinabayan ng pag-iling.

"Orange juice," nakangiti nitong abot sa kanya ng inumin na nasa lata.

"Thanks,Mate.."sambit niya.

Natigilan ito sa sinabi niya.

"Mate...?"anas nito. Natitigilan.

Hala ka,lusutan mo yan,mahal na prinsesa!

" Like a partner.. Di ba ganun din yun,"nakangiting paliwanag niya sa binata.

"Yeah,tama ka," pagtango na lang nito sa huli pero bakas pa rin sa gwapo nitong mukha ang pagkamangha.

Did you hear that? His heart beat? Pareho ng satin,mahal na prinsesa!

"May..gusto sana akong itanong sayo,Fren.." pukaw nito sa kanya.

"Sure,what is it?"agad na sagot niya habang inaabala ang atensyon sa pagkain.

Naramdaman niya ang pagiging seryoso ng aura ng binata kaya nilingon niya ito. Nakatitig ito sa pagkain nito.

"Posible bang talaga na may nabubuhay..na lobo?"usal nito sabay angat ng mukha sa kanya.

" Gusto mo bang makakita ng totoong lobo?"matiim niyang tanong rin dito.

"Kung...posible..bakit hindi," tugon nito na may pag-aalangan pa rin sa boses nito.

"Baka katakutan mo lang siya,"mahinang saad niya.

"Depende sa sitwasyon," anito na kinatitig niya rito.

"Depende sa sitwasyon.." pag-ulit niya sa sinabi nito.

Tumango ito. "Kung harmless siya bakit ko siya..katatakutan," anito sabay baling ng mga mata nito sa kanya.

Nag-iwas siya ng mga mata rito at itinutok iyun sa pagkain na hawak niya.

"Hindi lang naman siya harmless..may kaya pa siyang gawin na baka mas lalo mong katakutan,"saad niya habang mariin na nakatitig sa pagkain niya.

"Bukod sa lobo siya..may kaya pa siyang gawin?"mahihimigan ang kuryusidad sa boses nito.

Tumango siya na hindi ito nililingon. Ramdam niya ang mariin nitong pagtitig sa kanya.

"Na baka...kaya niyang magpalit ng anyo bilang..isang tao?"maingat at marahan nitong sabi.

Marahas siyang napalingon sa binata sa huling sinabi nito.

Wait? What did he say?!

Napakaseryoso ng mga mata ng binata.

Bago pa man bumuka ang mga labi ng prinsesa nagising na ang bihag nila.

"Pakawalan niyo ko rito,mga Gago kayo!" nagwawalang saad ng lalaki.

Napabuga ng marahas na hininga ang prinsesa.

"Tumahimik ka dyan baka habambuhay ka ng makatulog," pagbabanta rito ng binata.

Napahugot ng hininga ang prinsesa ng lapitan ni Aldrin ang lalaki.

Sigurado ako! May nalalaman siya!

May alam na ba ito tungkol sa tunay niya pagkatao?

Matalas ang pakiramdam niya. Pareho sila may kaisipang lohikal kaya...sigurado siya.

Alam na nito o pinagdududahan na nito ang tunay niyang pagkatao.

Dapat na ba siyang umiwas rito o umaktong na wala lang gayun alam nilang pareho na may kailangan magsabi sa kanila ng totoo.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon