Chapter 7

3.3K 111 1
                                    

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Capt.Callias na siyang dahilan na panunukso ng mga kasamahan niya.

"Umamin ka nga,Cap..nakascore ka ba dun sa chicks na kausap mo kanina?" untag sa kanya ni Henry na siyang pasimuno ng panunukso sa kanya.

Nabura ang ngiti niya ng balingan ang kaibigan. Agad na napakamot ito sa ulo. Alam nitong hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

"Sorry,Captain..kanina ka pa kasi panay ang ngiti dyan eh..kakaiba kasi ang aura mo ng bumalik ka galing sa banyo,"depensa nito.

Nagpakawala siya ng hangin at inakbayan ito.

"It's okay...pero hindi ako nakascore,kilala mo ako,I respect a woman at ayokong multuhin ako ng nanay ko,okay?" saad niya rito habang tinapik-tapik ang balikat nito.

"Yes,Captain! Maginoong kapitan ka ata noh!"anito.

Tumango siya rito. Gustuhin man niya sabihin rito kung ano ang nginingiti-ngiti niya na parang isang timang ay hindi naman pwede dahil gusto niyang respetuhin si Eskovar. Ang pagiging pribadong tao nito. Hindi lang niya lubos akalain na ang isang tulad nitong pribadong tao ay hahayaan siya na makaharap ito.

Napakaswerte nga naman niya oh!

Frenelyn Fetzeir.

Muli siyang napangiti ng maalala ang magandang mukha ng misteryosang si Eskovar. Sana talaga...sana hindi lang iyun ang una't-huling pagkikita nila ng dalaga. Paulit-ulit niya iyun sinasabi sa isip niya.

Muling kumabog ang kanyang dibdib. He need to know everything about her. Ngayon alam na niya ang tunay nitong pangalan siguro naman kahit papaano may record ito. Kailangan niyang makilala itong ng lubusan. Siguro nga mahihirapan siya alamin ang personal nitong buhay pero susubukan niya dahil gusto niya malaman ang pinagmulan nito.

Ilang beses na kumurap-kurap si Aldrin habang paulit-ulit na binabasa ang hawak na papel. Kasulukuyan,nasa loob siya ng opisina nila sa HQ.

"Fuck..anak siya ni Ms.Jeniper Eskovar ang dating team commander ng Black Aces troops?" maang niyang anas.

"Capt.Blaz Fetzeir ng SAF ang tatay naman niya," awang ang bibig na patuloy niya sa pagsasalita.

P*TSA!

Hindi lang pala misteryoso ang dalaga! Anak ito ng mga legendary warrior na sina Jeniper Eskovar at Capt. Blaz Fetzeir!

"W-wow..hindi ako makapaniwala.." anas niyang muli. Maang na maang sa nalaman niyang iyun.

Mabuti na lamang may nakuha siya sa personal data ng dalaga sa pinagtatrabuhan nito. Well,hindi nga lang sa legal na paraan.

Napukaw siya ng may kumatok at bumukas iyun. Agad na pasimple niyang nilapag ang hawak na papel ng bumungad si Henry.

"Boss!" saludo nito sa kanya na agad naman niya tinugon ng saludo din.

"Anong atin?" untag niya pagkaraan.

"Boss..may problema," anito bakas sa mukha nito ang ligalig.

Pagkunot ng noo niyang turan."Problema? Wala akong natatanggap na tawag mula sa commander natin na may problema tayo?" aniya.

"Boss,nakatakas si Santos kanina habang nasa biyahe sila para dalhin sa korte,"inporma nito.

Naikuyom niya ang mga palad.

"G*go talaga ang Santos na yun! Dinagdagan lang niya ang magiging kaso niya!"galit at dismayado niyang saad. Marahas na napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Pinaghahanap na siya ngayon ng awtoridad,boss..pero nag-aalala ako baka balikan ka ni Santos," may pagkabahala ng saad ni Henry.

Lalo niya naikuyom ang mga palad.

"So be it...Maganda ng magkaharap ulit kami ng siraulong yun," mariin niyang saad.

Tanggap na nga niya na tinaraydor siya nito pero bullshit lang.

"Nababaliw na talaga siya.."dismayadong turan ni Henry na sinabayan ng pag-iling.

"Alerto kayo at kahit walang utos mula sa commander natin kailangan natin kumilos..naging kasamahan pa rin natin siya kaya mas mainam ng tayo ang makahuli sa kanya..alam natin na hindi na nabubuhay ang suspek sa oras na habulin sila ng hindi niya kaahensya,"habilin niya. Mahihimigan ang kaseryosohan sa boses niya.

Agad na tumango ang kaibigan. "Sige,boss!" anito at muling sumaludo sa kanya.

Napahilot siya sa kanyang sentido.

"Damn you,Santos.."bulalas niya ng makaalis si Henry sa opisina niya.

"Hindi ka nag-iisip,"frustrated na niyang bulalas muli.

Isinandal niya ang ulo sa headrest ng inuupuan niya at mariin na ipinikit niya ang mga mata.

Sa oras na mahuli niya ito siya na mismo ang mananakit rito ng matauhan sa katarantaduhan nito.

Hindi na nito ang pamilya nito.

Damn you,Santos.

Lalo mo lang nilagay sa alanganin ang lahat na ito.

Bakit ba napakakomplikado minsan ng mga tao?

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon