Special Chapter

4K 144 14
                                    

Tagaktak na ang pawis ni Prinsipe Aldrin pero hindi pa rin hinihinto ni Prinsesa Frenelyn ang pakikipagtunggali rito.

They sparring hand to hand combat. Bawat dapo ng kamao niya sa prinsipe napapamura na lang ito.

"Fuvk!"bulalas nito ng tumama ang kamao niya sa sikmura nito. Sa magaan na pagtama roon.

Natawa siya at kasingbilis ng hangin na siniil niya ito ng halik bago pa man ito makatugon mabilis din na lumayo siya rito.

"Hey! Come back here!" habol nito sa kanya.

Natatawang nakipaghabulan ito sa kanya hanggang sa mag-anyong lobo siya. Binagalan niya ang pagtakbo hanggang sa makasabay sa kanya ang mahal niyang Prinsipe.

Tumatawa ito na nakikisabay sa pagtakbo niya paakyat sa isang burol.

Humihingal ang kabiyak niya ng makarating sila sa tuktok ng burol. Sumalampak ito ng upo sa pinong damuhan. Paupo din pumuwesto sa tabi ng Prinsipe ang anyong-lobo niya. Sumandal sa kanya patagilid ang Prinsipe.

"Kasingtingkad ng kulay ng mundo ito ang pag-ibig ko para sayo,mahal kong asawa," anas nito habang nakapikit ang mga mata nito.

Mabining umiihip ang hangin.

Humilig pa lalo ang Prinsipe sa mainit at makapal na balahibo ng lobo.

"Ikaw ang pinakapambihirang babae na nakilala ko ..na itinakda sakin," anas muli nito.

Tinanaw ng lobo ang malawak na kapaligiran ng kanilang distrito.

"Ikaw ang pinakamagiting na lalaki na itinakda sakin,mahal kong prinsipe," anang ng prinsesa.

"Sa mundong ito sabay natin haharapin ang laban..laban ng pagmamahalan natin..."

Sabay na napailing si Reyna Jeniper at Prinsesa Frenelyn habang pinapanuod ang si Haring Blaz at si Prinsipe Aldrin.

Parang bata ang mga ito na nagbubuno sa may damuhan.

"Ganyan ba na nakilala mo si ama?" anas ni Prinsesa Frenelyn.

Napabuga ng hangin ang Reyna. "Antipatiko at mayabang..iyun ang pagkakakilala ko sa iyong ama," tugon ng Reyna sabay tawa nito sa dulo.

"Pero mukhang nag-isip-bata ngayon dahiL sa prinsipe," napapailing na dagdag ng Reyna.

Ang prinsesa naman ang natawa. "Ayaw niya magpatalo sa Prinsipe,"aniya.

Sabay sila natawa mag-ina. Nakangisi sila na napatingin sa isa't-isa.

"Nagseselos lang ang Hari sa Prinsipe,mahal kong prinsesa," anang ng Reyna at yumakap sa prinsesa.

"Kaya lagi niya inaaya na makipagsuntukan," naiiling na usal niya.

"Kaya ipagpatuloy mo lang ang pagtitraining mo sa prinsipe para makapuntos sa iyong ama," pagkindat sa kanya ng Reyna.

"Nag-improve na ang Prinsipe ko,ina..mabilis na siya," proud niyang sabi sa Reyna.

Nginisihan siya ng ina. "Mabuti na lang pareho silang gwapo at matikas kaya nakakatuwa din sila panourin," nakangisi saad ng Reyna.

"Pareho din hindi na normal ang isip," pagnguso niya sa kinaroroonan ng dalawang lalaki.

Nagbabatuhan na ang mga ito ng damo.

Natatawang nagkatinginan na lamang ang mag-ina.

Agad na kinawayan ng Prinsipe ang Prinsesa na gumanti agad na pagkaway rito. Ginaya din ito ng Hari na kinatawa ng Reyna.

Matamis na nginitian niya ang kanyang prinsipe. Ang lalaking itinakda sa kanya. Ang lalaking kabiyak ng buhay niya.

Ang kanyang captain ng buhay niya.

💜💜💜💜💜💜💜

Next Series :

The Princess of Gray wolves District Series 7

💓💓💓💓

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon