Nasa bulwagan pa lamang siya ng dining hall ay dinig niya na ang tawanan ni Zymhin at SK.
“Good morning ate.” Bati ng kapatid niya. “Morning.”
“Oh, Knight what happened to your face?” tanong naman ni JC na kadarating lang. Nauna pa itong umupo sa kanya. Agad naman niyang binalingan ng tingin ang pinsan. “Ah wala kuya, nahulog lang ako sa hagdan kagabi.” Pagsisinungaling nito. “Punching stairs, huh?” JC looked at her. Agad naman siyang umiwas ng tingin dito. Narining niya pa ang mahinang pagtawa ng bunsong kapatid.
“What?” tanong niya. “Nothing. Umupo ka na.” utos ni JC.
“No, I’m not eating. Papasok na ‘ko.” Paalam niya.
***
She drove her way to Helle’s pad. Alam niyang naroon iyon dahil doon nito dinala ang kapatid nitong si Brixton Cervantez— na siyang nais pumatay sa kapatid nito. If only he knew that Oenone Helle and his long lost sister; Trixie ay iisa. And what made her more curious, ay kung bakit gusto nitong patayin si Helle? She knew there is someone behind this. At iyon ang aalamin niya.
Pagdating niya sa condo unit ng kaibigan ay nadatnan niyang nag uusap si Eiah at Lovely.
“Hey.” Bati niya sa mga ito.
“Oh, kakaalis lang ni Mayie. Papasok daw.” Sabi naman ni Eiah.
Tumango siya. “Where’s Helle?”
“Nasa kwarto. Umaga na nakatulog ‘yon eh.” Sagot ni Eiah.
“Eh kasi ba naman girl, the guy has been cursing her all throughout the night. “Murderer” daw si Helle. Kaloka. Iyak ng iyak tuloy si Helle. Ayun.” Pagsusumbong ni Lovely.
Agad siyang pumasok sa silid na katabi ng silid ng kaibigan. Tumambad sa kanya ang lalaking kausap niya kagabi— Brixton Cervantez..
Nakaupo ito sa couch, naka-gapos ang magkabilang kamay sa dingding. Nakagapos din ang mga paa nito. Naka blind fold at natatakpan ng duct tape ang bibig nito. Base sa ayos nito, halatang tulog pa ito.
Lumapit siya dito at marahas na tinanggalang duct tape sa bibig nito. Napadaing naman ito sa kirot na naidulot ng tape. “Aww—fuck. Bitch!” sigaw nito.
Tinanggal niya ang piring nito. “Hurts like a bitch eh?” nangingising tanong niya sa lalaki.
“You— who are you?!” galit na tanong nito. “As I said, I am your future girlfriend.” Pang aasar niya dito.
“Hindi ako papatol sa katulad mo! Sa katulad nyo!” He spat.
“Ditto, Cervantez.” She chuckled. She could see how irritated was his looks towards her but it doesn’t matter to her.
“Ano ba’ng kailangan mo sa akin?” Lumapit siya dito at umupo sa kandungan nito. He looked at her with disgust in his face. Hinaplos naman ni Farisse ang mukha nito.
“How about a deal, Cervantez?” inilapit niya pa ang mukha sa binata. “What made you think na makikipag deal ako sa’yo?” sagot nito. “Cause I can bring you your sister back.” Simpleng sagot niya.
Kumunot naman ang noo nito. “Don’t mess with me.” Banta nito. “I am not.” Saad niya sabay haplos sa labi ng binata. “Tell me, is it a deal or no deal?” saka siya tumayo at tinalikuran ito.

BINABASA MO ANG
My Heart's Vengeance
Non-FictionAll her life, she wanted to be normal, to live like a normal girl, to have a normal family and to be happy. Pero paano niya magagawa iyon kung pilit siyang hinahabol ng kanyang nakaraan? Nakaraang hindi niya maalala. At sa tuwing sinusubukan niyang...