He’s what?
“B-Brix..” Iyon lang ang nasabi niya. Hinawakan niya ito sa braso at hinarap naman siya nito.
He was just staring at her. Hindi niya alam kung bakit kumakalabog ang dibdib niya sa klase ng tingin nito, at hindi niya rin mai-alis ang tingin sa binata. Kinuha nito ang kanyang kamay at itinapat iyon sa dibdib ng binata. “Feel that?” tumango siya. “That’s what I feel when you’re with me. Hindi ko ginusto ito, Farisse. Ayaw ko, because I hate you so much from keeping my sister to me. I hate your guts. I hate your bitchiness. I hate how you’ve changed this past few weeks. From the bitchy Farisse, to this..” tinignan nito ang kabuuan niya. “How could I possibly fight this feeling kung nararamdaman kong ganito rin ang nararamdaman mo. Yes, I can feel you feel the same way. And this makes me crazy! Ayoko sa’yo. Ayokong maramdaman ‘to. But damn! You’re something, you’re different.” Nakita niya ang frustration sa mukha nito. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para dito. She never felt like this before, maging kay Zach. She find it hard to trust other people but Brixton was the exception. Bago pa man siya makapag-react ay naramdaman niya na ang labi nito na dumampi sa labi niya. Mabilis lang iyon. Hanggang mai-alis na nito ang labi nito sa kanya ay tulala padin siya. “Ano?” tanong nito. Hindi siya kumibo. “Oh fuck, it’s your first time.” Gulat na wika nito at ngumiti ng nakakaloko. She glared at him. “I am her fucking firt kiss! Great!” nasusu-suntok pa ito sa hangin na animo’y nanalo ng jackpot. “You’re crazy.” She rolled her eyes at iniwan niya ito. “Hey.. hey wait!” habol nito sa kanya. “Really? I am your first kiss? Totoo? Totoo?” He was amused. Yes, it’s true. No one has ever kissed her lips. Kahit iyong mga dini-date nya noon sa Japan, ‘just for fun’ eh hindi siya nahalikan. Hindi niya lang ito pinansin at naglakad na lang paalis sa lugar iyon. “Hinawakan siya nito sa braso upang pigilan. “You mad at me?” tanong nito. Agad naman niya itong sinagot ng, “Nope.”
“But why are you walking away from me? Nabigla ba kita?” nag aalalang tanong uli nito. “No Brix, I am not walking away from you. At oo, medyo nagulat ako sa’yo. Honestly, I don’t know what to say. I don’t even know what I feel right now. This is so wrong, yet it feels so right, lalo na when you kissed me.” Napaawang ang bibig nito sa sinabi niya. “But.. If you’re just doing this to fish out information about Trixie from me, sinasabi ko sayo.. wala kang mapapala.” At iniwan niya ito sa gitna ng daan.
***
Matapos ng pangyayaring iyon ay hindi na sila nag usap. He became cold. Halos hindi niya nga ito nakikita. Madalas maaga itong umaalis papunta sa trabaho at kung umuwi naman ito ay dis-oras na ng gabi. Maging si Kimper at Dana ay nagtataka sa inasal ng binata. She was cool with it. At least, no harm done to the both of them. Iniisip niyang kaya nito sinabing gusto siya nito para makakuha ng impormasyon tungkol sa kapatid nito, and she was not insane to give him what he wanted. At nakumpirma niya ngang tama iyon nang kinabukasan ay umiwas na ang binata sa kanya.
Isang araw pa noong naisipan ni Dana na isama siya sa pamamalengke ay dumaan muna sila sa talyer na pinapasukan ng dalawa upang maghatid ng pagkain. Malayo pa lang ay natatanaw niya na si Brixton na nagkukumpuni ng isang sasakyan. May babae sa harap nito, halos luwa ang dibdib nitong inihaharap sa binata. Agad nagsalubong ang kilay niya sa nakita. “Ikaw na lang kaya maghatid? Hihintayin na lang kita dito sa kanto.” Wika niya. “Ih! Ano ka ba? Samahan mo na ‘ko. Mamaya mapano ka pa pag iniwan kita dito.” Tumingin naman siya sa kinaroroonan ni Brixton. Hindi niya mapigilan ang sariling mainis dito. Pagdating nila sa talyer ay padabog na dinaanan niya ang dalawa ngunit tila hindi siya nakita ng mga ito. Ang harot harot ng lalaking ito! Inis na sabi niya sa sarili. Nakikipagtwanan pa ito sa babaeng costumer.
BINABASA MO ANG
My Heart's Vengeance
Non-FictionAll her life, she wanted to be normal, to live like a normal girl, to have a normal family and to be happy. Pero paano niya magagawa iyon kung pilit siyang hinahabol ng kanyang nakaraan? Nakaraang hindi niya maalala. At sa tuwing sinusubukan niyang...