Chapter 7

26 1 0
                                    

“Anong plano mo ngayon?” Nagtatakang binalingan niya ang kaibigan. “What?”

“Kay Farisse, anong plano mo?” tanong nito habang nagkukumpuni sila ng jeep. Namasukan siyang mekaniko sa bayan kasama nito. “I don’t know.” Tugon niya.

“Ulol! Kilala kita, bro. Hindi ka magiging ganyan kabait sa kanya kung wala kang binabalak.” Umiling na lang siya. Totoo namang wala siyang binabalak. Sa loob ng mahigit tatlong linggo nilang magkasama, he figured out that she grew up without her family. Maaga itong naulila sa ama, she was just like him. Malungkot din ito. “Di nga, huwag mo ‘kong inuuto Brix. Knowing you..” Hindi nito itinuloy ang dapat nitong sabihin. “Unless, you’ve fallen for her?” Kumunot ang noo niya. Am I? tanong niya sa sarili.

“Gago. You know me, Kimp. I don’t do the ‘love’ thingy.” Wika niya. Humalakhak ito. “Malay ko bang nagbago ka na ng prinsipyo sa buhay.” Hinarap niya ito. “Hindi naman sa ganoon. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Nakakasawa makipag sex sa kung kani-kaninong babae. And I think maybe it’s time to focus on her.” Wika niya. “Oh edi inamin mo rin na gusto mo siya.” Ngumisi ito sa kanya.

“Gago. I mean, focus on my sister.” “Sus! Lelang mo.” Saka ibinato niya ito ng tornilyo.

***

Tinitigan niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin.

Simple lang ang suot niyang dress na kulay dilaw , pinagsuot naman siya ng cardigan ni Dana upang matakpan ang peklat sa kanyang braso. Nag aayos sila dahil pupunta sila sa plaza. Inanyayahan siya ni Dana kanina dahil may sayawan daw sa lugar. “Haynako, masaya ‘yon. Promise! Atsaka ngayon ka lang makaka-experience ng ganoong klaseng pagdiriwang. Walang ganon sa Freud. Kaya sige na, kasama naman natin sina Kimper at Brix eh.” Pagpupumilt ni Dana sa kanya kanina. Wala naman siyang magawa kundi sumama. Ayaw niya namang maging kill joy. And besides, this will be the first and the last.

She was contented on how she looked. It wasn’t her normal look, simple lamang ito. Mukha pa siyang bumata dahil sa itsura niyang iyon. Ni hindi manlang siya nag make up, ngunit sadyang makulit si Dana nilagyan siya ng kaunting lip gloss. Tumabi ito sa kanya upang tumingin din sa salamin. Ngumiti siya rito.

“How do I look?” tanong nito. Bahagya siyang lumayo at pinagmasdan ito. “Cute,” simpleng sagot niya.

Tumalikod ito at may kinuha sa taas ng aparador. Iniabot nito ang isang kahon. “What’s this?” tanong niya. “My old flats. Bagay iyan dyan sa suot mo.” Umiling siya dito at ibinalik ang kahon. “Huwag na lang.” sabi niya. “No, I insist. Bagay ‘yan dyan. Sige na. para lalong mabaliw si Brix sayo.” Tinaasan niya lang ito ng kilay at tumawa ito. “Alam mo, hindi kami masyadong close niyang si Brix, but I know he’s a good person.. Masyado lang siyang depressed, kaya you know.” Wika nito habang naglalagay ng kaunting make up. “I know.” Sagot niya. Nararamdaman niya namang mabait ito. If he wasn’t, baka patay na siya weeks ago. She can even consider him as her friend pero hindi naman nila napag uusapan ang ganoon. Kumbaga’y civil lang silang dalawa ng binata. Dahil iyon sa deal nilang dalawa tungkol sa kapatid nito.

“Babe, matagal pa ba kayo?” sigaw ni Kimper mula sa labas ng kwarto. “Adyan na!” sagot naman ni Dana. Pinauna niya itong lumabas at sumunod siya. She can see the look on Brix’s eyes. He was admiring her simplicity. Ngumiti ito sa kanya ng makalapit siya dito. “Beautiful.” Hindi mapigilang komento nito.

My Heart's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon