Agad na tinawagan ni JC ang kaibigang si Cedrick at nakumpirma niyang nag log-in ang isang red Porsche na ipinangalan sa isang Brixton Cervantez. The great Brixton Cervantez— kilalang playboy at mayabang niyang kababata. Bakit sila magkasama? Tanong niya sa sarili.
Sinubukan niyang tawagan ang kapatid ngunit hindi naman ito sumasagot.
Ilang sandali pa ay nagtext na ito sa kanya.
Caitlyn:
At the rooftop.
Bago pa man siya makasakay ng elevator ay may tumawag na sa kanya.
“Juliaaaaaan!” biglang nagsalubong ang kanyang kilay nang makitang tumatakbo ito patungo sa kanya.
She was one of the most admired girls in the whole Freud. Maganda siya, the most angelic face he ever saw, she’s almost perfect and she’s inlove with him. Hindi niya maitatanggi iyon. But he never cared for anyone but his family— ayaw ni JC ng isang relasyon. It’ll complicate things more kaya isinasantabi niya muna ang buhay pag-ibig. He must say he likes her but he always makes sure na hindi nito mahahalata.
Ayaw niyang masaktan ito sa huli, like what his mom always tell him, “Love is pain. Pag nagmahal ka, masasaktan ka. Kaya you should always take the risk if you love someone.” Isa iyong katangahan. Bakit ka magmamahal kung masasaktan ka rin lang? Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang ina. She gave her whole life loving his father at noong nawala ito, it broke her into bits. At hanggang ngayon ay hindi parin ito nakakapag move on. She said he’s her first and one true love, and she swore she’ll love him ‘til death.
“Odeth.” Bati niya dito.
“Hi!” masiglang bati nito sa kanya. “Nakita ko kasi ‘yong kotse mo sa labas kaya hinanap kita kay Cedrick. What are you doing here?” Tanong nito.
“Caitlyn is here. I’m gonna fetch her.” Sagot niya sabay pasom sa elevator. Sumunod naman ito sa kanya.
Tahimik lang silang dalawa sa elevator. Nilalaro-laro nito ang mga daliri at pasulyap-sulyap sa kanya. Napangiti siya sa ginagawa ng dalaga. She always looks cute whatever she does, that’s why he likes her.
Agad bumukas ang elevator, pinauna nya itong lumabas. Walang bakas ng kahit sinong tao sa lugar. Naglakad siya palapit sa pintuan. Kumunot ang noo niya nang may makitang dugo sa sahig pagbukas niya nito. “What is it, JC?” tanong ni Reign sa kanya. “Shit!” iyon lang ang nasabi niya at dali-daling lumabas sa rooftop. Nakita niya ang mga bakas ng dugo sa sahig nito at sinundan ang bakas na iyon.
“Caitlyn!” tawag niya dito ngunit walang sumasagot. Nakita niya ang isang dagger sa di kalayuan. The way it looked alam niya kung saan nanggaling iyon.
“Long time, no see.” Narinig niya ang boses ng isang lalaki sa kanilang likuran.
“Mendoza.” Ikinuyom nya ang kanyang palad. Ngumiti ito ng nakakaloko.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at agad tinawagan ang kapatid.
Narinig niyang nagring ito. “Oh, sorry. Nasa akin pala ang phone niya.” Iwinagay-way pa nito ang cellphone na hawak. “Fuck you, Mendoza! Nasaan ang kapatid ko?!” Sigaw nya.

BINABASA MO ANG
My Heart's Vengeance
Non-FictionAll her life, she wanted to be normal, to live like a normal girl, to have a normal family and to be happy. Pero paano niya magagawa iyon kung pilit siyang hinahabol ng kanyang nakaraan? Nakaraang hindi niya maalala. At sa tuwing sinusubukan niyang...