Philippines..
It’s been eight years, it’s good to be back again.
She whispered to herself.
Hindi nya alam kung matutuwa ba sya sa kanyang pasya na umuwi na lang ng Pilipinas.
Ngunit kailangan niyang malaman ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.
Ang mga alaalang nawala na hindi nya pwedeng talikuran.
“My phone.” Utos nya sa assistant nyang si Penelope. “Here, Young Lady.” Iniabot nito ang cellphone nya. Agad nya namang di-nial ang numer ng kanyang nakakatandang kapatid.
“Yo.” Sagot nito. “Kuya, it’s me.” Narinig nya namang maingay ang nasa kabilang linya.
“Where are you?” tanong nya. “ I have a unfinished business here. Laters.” Sagot nito at agad na pinutol ang linya.
“Ugh!” Ang pinaka ayaw nya ay ang pinagbababaan sya ng telepono.
Isa lang naman ang kayang gumawa nito sa kanya, ang Kuya nya..
“Young Lady, nandito na po tayo.”
Ito na ba ‘yon? I almost forgot everything about this house.
This place where I was born and grew up..
Pinagbuksan sya ng pinto ng kanyang driver.
Sabay na naghilera ang mga kasambahay ng mansion sa harap ng pintuan.
“Welcome back, Young Lady.” Pagbati ng mga ito sa kanya.
Hindi na iyon pinansin. Sanay na sya sa ganito. Kakambal ng karangyaan ang buhay nya simula pa noong bata pa siya and she hated this kind of life. Isa isang ipinakilala sa kanya ang mga kasambahay ng Butler at pinaka mataas na katiwala ng kanilang angkan, si Marcus.
“Whoever they are, I don’t care. I need some f*ckin’ rest so get out of my way!”
Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagkabigla sa inasta ng heridera ng mga Montemayor.
Ngayon lang nila nakilala ito sapagkat nanirahan ito sa ibang bansa sa loob ng walong taon, at iilan lang sa mga kasambahay rito ang nakakailala sa dalaga.
“Nasaan ba ang kwarto ni Miss Farisse? Kailangan nya ng magpahinga ngayon.” Sabi naman ng kanyang assistant na si Penelope. Agad na tinawag ni Marcus ang katulong upang ihatid ang kanyang amo sa silid nito. “Rona, ihatid mo na si Miss Farisse sa kanyang silid ng makapagpahinga na.” utos nya rito.
“Uhm.. Halina po kayo ma’am.” Iminuwestra siya nito sa may hagdan. “MA’AM?! Do I look old enough for you to call me ma’am?!” singhal nya sa pobreng muchacha. “S-sorry po.” Nakayukong saad nito.
Ngunit hindi nya palalampasin ang ginawang kalapastanganan ng pobreng muchacha, agad nyang tinawag si Marcus. “ Yes, Young Lady?”
“Palayasin mo ‘tong bobang muchacha na ito! I don’t want to see her face in this Mansion or else, LAHAT KAYO MAWAWALAN NG TRABAHO!” walang nagawa ang mga ito kundi palayasin ang kawawang muchacha. Nais man nilang tulungan ito ngunit natatakot silang baka lahat sila ay palayasin ng amo.
BINABASA MO ANG
My Heart's Vengeance
غير روائيAll her life, she wanted to be normal, to live like a normal girl, to have a normal family and to be happy. Pero paano niya magagawa iyon kung pilit siyang hinahabol ng kanyang nakaraan? Nakaraang hindi niya maalala. At sa tuwing sinusubukan niyang...