Lorraine's POV
Bata palang ako alam kong gusto ko na siya. GUSTO pero hindi ko naman alam na lalalim pa pala ang nararamdam ko hanggang sa tuluyan na akong mahulog sa kanya at hindi ko alam kung sasaluhin ba niya ako. I tried to forget these damn feelings pero hindi ko pala kaya. Paano ko ba naman siya kakalimutan kung araw-araw magkasama kami?
Araw-araw pinaparamdam niya sakin na mahalaga ako sa kanya. Ayaw niya akong umiyak at nasasaktan. Minsan nga naisip ko kung mahal din kaya niya ako? Pero naisip ko din Bestfriend nga pala niya ako. BESTFRIEND LANG AKO!
Hayy. Enough for this drama of mine. Napabuntong hininga ako
"A penny of your thoughts?" Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko ng biglang may nagsalita. Nakalimutan kong nandito pala kami sa Sports Club Room. President kase siya while I'm the Vice President. He's the captain ball of our school's basketball team. Ako naman ang Captain ng school's Volleyball team and I'm proud of it.
"Huh?" Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"May problema ba?" Halata ang pagaalala sa boses at itsura niya. Ohh, please. Tama na Louie baka mahulog na lalo ako sayo niyan.
"Wala akong problema baka ikaw?" Dinaan ko nalang sa biro ang sitwasyon ngayon. Soguro naman ay hlata nito na ayaw kong pagusapan kung anuman ang iniisip ko kanina.
"Okay sabi mo eh. Tara kain na tayo nagugutom na ako." Tumango naman ako saka tumayo. Pumunta narin kaming canteen.
-----------
Pagkarating namin nakita na agad namin sina Dave, Nathan and Jerome. Mga kaibigan namin yang mga yan.
Si Dave Sobreno ang pinakamakulit sa lahat. Chess ang sport niyan at ni isa ay wala pang nakatalo sa kanya. Magaling kase yan dumiskarte kahit ganyan yan.
Jerome Suarez ang tipo na gwapo pero medyo bad boy. He's a taekwondo player kaya ingat ka sa kanya. Walang sinasanto yan eh.
Nathan Vasquez is the most mysterious. Ang tanging alam ko lang sa kanya ay pangalan, address, birthday, age, sport,family business. Pero wala na akong alam about sa nangyayari sa buhay niya. He's a soccer player captain din siya. He really so mysterious.
And the last but not the least?
Louie Jay Alvarez my bestfriend. The man I've been love for how many years.
"Alam ko gwapo ako pero huwag mo naman akong titigan ng ganyan. Aba! Baka malusaw na ako niyan. Madaming iiyak na babae maawa ka naman sa kanila." Nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Louie. Daldal neto!
"Ano? Sinong gwapo?" Pangasar ko. Hahah
"Ako! Hahah" Sabi niya saka siya tumawa. Ano ba naman to? Bakit ba ang gwapo mo?
"Yabang neto. Eh mas gwapo naman ako sayo! Hahah." Nagsalita na rin itong si Dave.
"Manahimik ka nga. Sipain kita diyan ehh! Kita mong may asukal na dito ohh." Sabi naman ni Jerome. Seriously? Paano napasok sa usapan ang asukal?
"Oh ano connect?" Takang tanong ni Nathan.
"Oo nga noh? Ano nga bang connect?" Dugtong naman nitong si Louie.
"Ang i-slow niyo!" Pagak na sigaw naman ni Jerome sa kanila
"Diko na gets" Kamot ulong tugon ni Dave. Ako rin naman eh! Di ko rin na gets.
Pati tuloy si Jerome napakamot na din sa ulo.
"Ano ba kase 'yon?" Takang tanong ko kase nadadala na talaga ako sa curiosity ko.
"Pati ikaw, hindi mo din alam? Asukal, matamis. In english sweet. Hayy~ buhay nga naman." What the? Dun ko lang nakuha kung anong gusto niyang iparating.
Sana nga isang araw paggising ko lahat ng kaASUKALan na makikita sa aming dalawa ay may meaning na. I really do love him. LOUIE JAY ALVAREZ I hope one day you'll love me too. Bexause for me,
It will be FOREVER YOU
~~~~
A/n
Chapter one is done. Sana po may sumuporta ng story ko :)
BINABASA MO ANG
Forever You
Teen FictionSi Lorraine ay may lihin na pagtingin kay Louie. Sa paglipas ba ng panahon ay matutunan din ba ni Louie na mahalin si Lorraine? Ngunit paano kung may hindi magandang nangyari? Mararamdaman ba ng puso and hindi maalala ng isip kahit itoy panlilinlan...
