Chapter Three

72 7 0
                                        

Lorraine's POV

Kanina pa ako nakauwi sa bahay. Pagulong-gulong ako dito sa kama ko. Hindi ko parin kasi makalimutan ang mga nangyari kanina sa playground.

For pete's sake muntik na akong magconfess sa kanya! Buti na lang talaga biglang umulan kung hindi? Aba. Baka kanina pa ako nagmumukmok dito sa kaiiyak kasi hindi niya ako mahal.

Pero okay lang atleast I will remain as his bestfriend.

Masaya na ako doon.

*knock* *knock*

Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"OPEN!" Sigaw ko. Nakakatamad kasing tumayo at pagbuksan kung sino man ang taong iyon!

Bumukas ang pinto at nakita ko si Yaya Minda.

"What do you need Yaya?"

Magalang na sabi ko sa kanya. Aba naman! Siya kaya ang Yaya ko since kindergarten. She is the best Yaya.

"Lorraine, nandiyan na sa baba ang Daddy mo. Pinapatawag ka." Sabi ni Yaya Minda

"Sige po, susunod po ko."

Tumango lang si Yaya Minda at saka tuluyan ng lumabas. Sumunod narin ako kasi wala naman akong gagawin. Isa pa, I miss my Daddy so much! Yay~ madami na naman akong pasalubong nito.

Galing kasi si Daddy sa England for business trip. 3 weeks siya doon. Ganoon naman talaga pag business man hindi ba? Naiintindihan ko naman kung bakit nagsisikap si Daddy eh. He just want to give us what we need and he didn't fail for it. Atleast he made us feel how he loved and love us.

We are one of the prestigious family in the world. And that is because of my Dad's patience and being hard working.

"Daddy!" Sigaw ko ng makababa na ako ng hagdan. Kayakap niya si Mommy kaya nakiyakap na din ako. HIndi naman halatang namiss nila ang isa't isa noh?

Haha.

"I miss you." Sabi ni Mommy kay Daddy na halatang masayang masaya na nandito na si Daddy.

Ngumiti naman ang Tatay ko

"I miss you more!" Sabi nito na may kasama pang kindat. Hay~ hindi na ako magtataka kung isang araw magising ako na buntis na ang nanay ko. They are only 34 years old.

Paano ba naman kasi, binuntis agad ni Daddy si Mommy pagkagraduate na pagkagraduate nila. Excited na angkinin ang Mommy ko kaya ayun heto na ako nabubuhay sa mundo.

"Daddy. Namiss din po kita."

Naglalambing na sabi ko kay Daddy.

"Namiss din naman kita Baby Girl eh." Niyakap ako ni Daddy ng mahigpit.

"Im not already a Baby Dad. I'm 14 and 1 month from now I'm going 15." I pouted.

"You're still my Baby, our Baby. Kahit pa mag60 kana, baby ka parin namin."

Nakangiting sabi ni Daddy kaya napangiti na rin ako. Ang sweet ng Daddy ko.

"Kayo talagang magama, kinakalimutan niyong nandito ako. Payakap nga sa mga mahal ko!" Kunwaring nagtatampong sabi ni Mommy.

"Mommy talaga." Sabi ko saka yumakap na kami ni Daddy sa kanya.

I'm glad I have this kind of Family. The family that every children dream to have.

~~~~~

Naglalakad ako sa may hallway nang mahagip ng mata ko si Alodia talking with her friends. Ewan ko ba diyan, pag magkakasama sila lagi silang nagaapiran saka tumatawa na parang may binabalak. Wala naman sana.

Forever YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon