Chapter Seven

34 4 0
                                        

Lorraine's POV

Nandito ako ngayon sa school. Matapos ng nangyari kagabi ay hinatid na rin ako agad ni Lance sa bahay. Walang umiimik saming dalawa. Ayoko rin naman kasi munang pagusapan 'yong nangyari.

Bahala ka sa buhay mo!

Bahala ka sa buhay mo!

Parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig. Ngayon lang niya nasabi sakin ang mga salitang 'yon.

Dahil ba kasama namin si Alodia?

Kasi ba may Alodia na siya, kaya di na niya ako kailangan?

Kasi ganun niya KAMAHAL si Alodia,

Na kaya niya akong talikuran para sa babaeng 'yon?

Ako na mula bata palang ay bestfriend na niya.

Ako na kasama niya sa lahat ng bagay.

Ako na nandiyan kapag may problema siya.

At ako na hanggang BESTFRIEND lang!

Nakatulala lang akong nakaupo. Parang wala akong gana gumawa ng isang bagay. Pati nga ang pagscan ng notes ay hindi ko magawa! Hay~

"Kung sakin ka nalang sana matulala tiyak sasaya nam ako, kikiligin kapa. Tingin ka nga sakin!"

Sa tono ng pagbibiro nasabi 'yon ni Lance. Kanina pa kasi ito sa tabi ko at hindi nagsasalita! Nilingon ko saiya tsaka tinitigan.

"Iyan, ganyan dapat. Buo na tuloy araw ko! Haha." Sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Wala talaga akong gana! Parang kahit anong gawin kong paglimot ay nasasaktan parin ako.

Mukang nakahalata si Lance.

Inakbatan niya ako saka ngumiti ng totoo.

"Wag mo na muna siyang isipin Lorraine. Patuloy ka lang masasaktan sa ginagawa mo! Tama na, please? Kasi pag nakikita kitang ganyan, mas nasasaktan ako. Wala man lang kasi akong magawa para alisin ang sakit na yan. Give yourself a break! Sarili mo muna ang isipin mo. Huwag mong ipakita na nasasaktan ka dahil pag nakita iyan ni Alodia, pagtatawanan ka nun!"

Sabi niya saka may pinahid saking mga mata. Im not aware that Im already crying.

"Dont cry, okay? Dont cry!" Sabi ni Lance saka ako niyakap.

"Mahal kita, kaya ayokong nakikitang nasasaktan ka." Malambing na sabi niya.

"Thank you Lance. For being here, by my side." Sabi ko saka gumanti ng yakap.

Tama si Lance. I have to give myself a break! Sarili ko muna ang iisipin ko. Wala munang LOUIE sa isipan ko.

----

Maghapon kong iniiwasan si Louie. Kasama ko naman si Lance. Kung nauna ko lang nakilala si Lance, siya siguro sana ang minahal ko! Mabait si Lance, mapagmahal, malambing, matalino at maalaga. Bonus pa na GWAPO siya! San ka pa diba? Pero, wala ee. May nauna na.

Nandito kami ngayon ni Lance sa Playgroung kung saan lagi kaming tumatambay ni Louie.

Kung saan kami laging naghahabulan!

Kung saan kami inaabutan ng ulan.

Kung saan kam---

Ahh! Diba sabi ko aalisin muna kita sa sistema ko? :3

Napasabunot nalang ako ng buhok ko.

"Oh, nangyari sayo?" Natatawang sabi ni Lance na nakaupo sa tabi ko. Nakaupo kasi kami sa may damuhan. Kumakain ng streetfoods! SARAP .!

Forever YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon