Chapter Eight

32 5 0
                                        

Lorraine's POV

Two weeks na simula ng iwasan ko si Louie. Aaminin ko, namimiss ko ng yung bruhong 'yon! Hahah :D Kahit ano naman kasing mangyari, Bestfriend ko parin siya. Kaso nakakapagtampo, kinalimutan na talaga niya ako. Lagi kasi silang magkasama ni Alodia eh! Pero, okay lang. Nandito naman si Lance para samahan ako.

Nandito kami ngayon sa Sports Club Room. Hindi man lang kami nagpapansinan, ewan ko ba parang hindi kami nageexist sa mundo.

Kung titignan niyo, parang nakamove-on na ako. Pero, hindi! Im in the process of moving on palang. Naisip ko kasi, bat hindi nalang ako maging masaya para sa kanila? Ganoon naman ang role ng bestfriend, diba? Dapat suportado ako sa kanya. Masaya siya kay Alodia then wala na akong magagawa. Kung sila talaga edi, sila talaga.

Kasi ako, sa pagmuMove-on ko, may unti-unting pumapasok dito sa puso ko. Siguro nga hindi pa nawawala si Louie dito pero alam ko malapit na sigang mawala dahil may pumapalit na sa kanya.

Gusto ko munang klaruhin kung ano ang naearamdaman ko. Hindi naman ako pwedeng magpadalos dalos! Basta masaya na ako ngayon. Period.

"Louie." Tawag ko sa kanya. Unti-unti siyang lumingon sakin na para bang nagulat pa siya na tinawag ko siya.

"Y-yes?" Natawa ako bigla. Nautal kasi siya na hindi ko inaasahan! HAha.

"Kumusta kana? Long time  no talk, huh?" Sabi ko saka ngumiti. Napangiti narin tuloy siya!

"Okay lang ako. Ikaw?" Sabi niya habang lumalapit sakin. Tumayo narin ako! Yumakap ako sa kanya kasi miss na miss ko na talaga ang bestfriend ko.

"Okay lang din ako." Magkayakap lang kami ng mahigpit.

"Namiss kitang loko ka!" Sabi ko saka siya hinampas sa likod.

"Namiss din naman kita. Wag kang mag-alala!"

Ganti niya saka hinihimas ang buhok ko.

----

Sabay kaming naglunch na dalawa.

"Magkwento ka naman. Ang daya mo! Hindi na ako UPDATED sayo. HAha." Sabi ko sa kanya.

"Ano namang ikukwento ko? Wala namang nangyari sa buhay ko bukod sa may girlfriend na ako."

Sabi niya. Natahimik akong bigla. Parang ayaw pa sanang tanggapin ng sistema ko yung sinabi niya.

"Gi-girlfriend?" Nauutal na sabi ko. Pati siya ay natigilan din! Bakit may konting kirot na naman? Ahh. Hindi pwede to! Hindi dapat. Hindi ko pinahalata ang sakit na gumuhig sa aking mga mata.

"May Girlfriend kana? Sino namang malas na babae yan? Wala ata siyang taste. Haha!"

Kunwari ay nangaasar na sabi ko. Kung sino mang babae 'yon? Ang swerte swerte niya dahil siya ang nagustuhan ng mah-- bestfriend ko.

"Grabe ka naman makapagsabi ng wala taste. Ang pogi ko kaya. Haha!"

"Edi ikaw na pogi. So, sino?" 

"Si Alodia." Nakangiting sabi niya pero hindi abot hanggang sa kanyang mga mata. Anong ibig sabihin non? Tumingin siya sakin saka ngumuti ng totoo. Ayan na pala ang ngiti niya na nagsasabing MAHAL mo nga talaga si ALODIA.

"2 weeks na." Sabi niya. So, nung iniwasan ko siya. Sila na?

Hayy~ Lorraine, just be happy for them. Smile.

"Ahh. Congrats! Stay strong!" Masayang sabi ko.

"Salamat!"

--------

Nasa mall kami ngayon ni Lance. Wala lang, gala mode lang kami ngayon! Haha

"Sila na." Simula ko. Para naman siyang nagulihan sa sinabi ko.

Napakamot siya ng ulo.

"Sino?"

"Louie and Alodia." Maikling sagot ko pero nakangiti.

"Nasasaktan ka na naman ba?" Nagaalalang tanong niya. Umuling ako saka ngumiti

" Ano ka ba naman Lance. Hindi noh! Masaya ako para sa kanila." Nakangiti paring sabi ko pero halata sa muka ni Lance na hindi siya naniniwala. Hinawakan niya ang kamay ko

" Wag kang ngumiti kung hindi naman totoo. Mas lalo ka lang masasaktan! Im here Lorraine, dont worry." Sabi ni Lance  sa malambing na tono.

"Hindi nga sabi ako nasasaktan. Ang kulit mo!"

Sabi ko na nakangiti.

"Oo. Hindi ka nga nasasaktan!" Lance said. Sarkastiko sabi niya saka may pinahidan sa muka ko. May luha na palang tumulo ng hindi ko alam.

Niyakap ako ni Lance saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Last na lang talaga 'to! PROMISE.

Sa ginagawang to ni Lance mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. May kung anong mga paru-paro ang nararamdaman ko sa tyan ko. Para silang nagsisiyahan na hindi ko maintindihan!

Mahal na nga ata kita LANCE pero alam ko na MAS MAHAL ko parin SIYA.

Pero, konting konti nalang. Ikaw na ang magigjng laman nito. Ikaw lang! SANA.

-------

Votes and Comments :)
AloneCath
AteAC

Forever YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon