Chapter Two

104 8 0
                                        

Nandito parin kami sa canteen at kumakain ng tahimik. Thank God at tumahimik na rin sila. Para silang mga bata na naglalaro at ang hirap nilang sawayin. Nai-stress ako sa kanila!  Ako ang pinakabata saming lima pero parang ako yung pinakamatanda kung umasta sila.

Nabigla kami ng may biglang lumapit sa kinauupuan namin.

Napairap na lang ako ng makilala kung sino ang babaeng 'yon.

Alodia, Louie's crush. And I hate that idea! Ano naman kayang ginagawa nito dito? May kailangan ba siya?

"Can I join you guys?" Tanong niya sa malambing na tono. Akala mo naman cute! Saka, ano daw? Madami pa namang upuan diyan bakit kailangan pa niya makihalo sa amin? I look at Louie and he is smiling widely.

"Sure!" He said. Kaasar huh? Supalpalin ko to eh!

Ngumiti naman si Alodia at umupo sa tabi ni Louie.  Teka nga. Bakit wala si Dave? Inikot ko ang paningin ko at nakita ko nga itong katabi ni Andi. Hihi. Dave is secretly inlove with Andi. Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong may ginagawang pakulo si Dave para kay Andi? Hahah.

"Hihih" Napatingin ako sa dereksyon ng taong bumungisngis, si Alodia lang pala. Ang landi talaga!

"Bolero ka talaga. San mo ba napupulot iyang mga pick up lines na yan?" Nakangiting sabi nito kay Louie.

"Akin lang." Masiglang sagot naman ni Louie dito.

" Maniwala ako sayo!"

"Believe me. Because that lines is only made just for you." Louie said and then wink at her.

Geez. So corny! Nakakasuka! Ito namang Alodia na to kanina pa bungisngis ng bungisngis. Hindi ba niya alam na para siyang mangkukulam sa lagay na yon?

Sabagay magtataka pa ba ako? Ehh, mukha naman talaga siyang mangkukulam.

"Louie." Tawag ko sa kanya

"Hmmm?" Tanong nito na hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Kung tatanungin niyo kung anong nararamdaman ko ngayon? NASASAKTAN AKO! Pero hindi ko dapat ipakita na mahina ako. Pasasaan pa at ako si LORRAINE ANGELA NICOLE RIVERA, diba?

"Una na ako sa classroom. May tatapusin pa kase ako eh."

Hindi pa man siya nagsasalita ay agad na akong umalis. Bastos na kung bastos! Pero bago pa man ako makalayo nakita ko pang ngumisi sakin si Alodia. May tinatago talaga iyang babaeng 'yan ehh.

Unang araw palang ng pasukan, panay na ang lapit ni Alodia sa barkada namin lalong lalo na kay Louie. Nakakabanas lang kasi, itong si Louie binibigyan pa niya ito ng pansin! Hindi ba niya halata na parang may binabalak siya? Ayy, hindi. Hindi PARANG! Kasi meron talaga. Sa kilos pa lamang nito ay alam mo na. At kung  ngisian ako? Aba! Napaka maldita niya!

————-—-—

Dumeretso ako sa classroom.  Nakita ko si Claudia na nakauupo sa may harap. Nilapitan ko ito.

"Cly"

Tawag ko sa kanya. I use to call her Cly because thats our endearment. Lorry naman ang tawag niya sakin. Kaibigan ko din ito at maswerte ako dahil nakakasama ko siya. Masyado kasi itong aloof sa ibang tao. Ewan ko kung bakit!

"What do you need?"

Tanong agad nito. Ganito kasi ito, kapag may lumalapit sa kanya akala niya ay may hihilingin agad sa kanya.

Sumimangot ako kaya napatingin siya sa akin.

Maya-maya'y napabuntong hininga na siya!

"Problem?" Tanong niya sakin.

Forever YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon