Lorraine's POV
Umupo sa harap ko ang lalaking nagmamahal sakin. Alam ko yun kasi matagal na niya itong pinaparamdam at sinasabi. Ako lang naman 'tong si TANGA na hindi man lang siya magawang kilalanin at mahalin nitong puso ko! Si LOUIE siya lang ata ang kilala nito.
"Nasasaktan kana naman! Ano bang sabi ko sayo?"
Saglit ko siyang tinignan tsaka yumuko. Alam ko na kasi ang sasabihin niya! At ayoko 'yong marinig ulit dahil sa bawat kataga niyang iyon ay ramdam ko ang sakit na nadarama niya. Hindi man niya ipakita ay mahahalata naman sa kanyang mga mata!
"Ako nalang kasi. Hindi naman kita sasaktan gaya ng ginagawa niya! Alam mo namang mahal na mahal kita, diba?"
PackingTape sinasabi ko na nga ba eh! Hindi ko namalayang napaluha na pala ako. Pinunasan ko agad 'yon dahil ayokong may makakakita ng sakit na nararamdaman ko.
" Im sorry, Lance. Im sorry!" Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam pareho lang naman kaming nasasaktan dahil sa ONE-SIDED-LOVE ee. Pero hindi parin kami tumitigil sa pagmamahal.
Siya si Lance Savedra.
Lance, ang lalaking tunay na nagmamahal sa akin. Pareho kaming nagpapakatanga sa tinatawag nilang LOVE!
"It's okay. You dont need to say sorry! It's not your fault that I fall inlove with you." Nakangiting sabi niya. Gosh! Lance. Magalit ka naman sakin! Bakit ba okay lang sayo na masaktan ng dahil sakin? Bakit hindi mo kayang balewalain ang isang katulad ko?
Lance, bakit kahit anong gawin ko. Hindi kita kayang papasukin sa puso ko?
"Lance, madami diyang iba! Ibang babae na kayang magmahal sayo higit pa sa pagmamahal mo sakin. Just look to your sides baka nandiyan lang yun sa tabi-tabi! Huwag mong paikutin ang mundo mo sakin." Totoo naman madami pang iba diyan!
Hinawakan ni Lance ang kamay kong nakapatong lang sa table.
"Madami ngang iba diyan. Pero, ikaw lang talaga yung nandito eh!" He said bago ituro ang kanyang dibdib kung nasaan ang puso ng tao.
"Ikaw lang talaga!"
Sasagot palang sana ako ng marinig ko ang boses na yon!
"Anong ginagawa mo dito, Savedra?"
Sabay kaming lumingon ni Lance sa pinagmulan ng boses na yon.
"Masama bang gumala sa Mall ngayon huh, Alvarez?" Asar na balik tanong ni Lance kay Louie.
Timingin so Louie ng mata sa mata kay Lance tsaka ito tumingin pababa sa kamay namin na magkahawak parin. Bigla akong kinabahan! Pilit kong hinihila ang kamay ko pero mahigpit ang hawak ni Lance dito. Wala na akong nagawa, nagpaubaya na lamang ako!
Masama ang tingin ang binibigay ni Louie kay Lance. Hindi niya rin inaalis ang tingin sa kamay naming dalawa! Tumingin siya sakin na parang sinsabing alisin ko ang kamay ko sa pagkakahawak nito. Pinisil ni Lance ang kamay ko.
Wahhh! Lance mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon eh.
"Halika na Lorraine!" Si Louie na mismo ang nagalis ng kamay ko sa hawak ni Lance. Hinila na ako ni Louie pero bago pa man kami makalayo ay may humawak na ng isa pang kamay ko.
Napahinto ako kaya napahinto din si Louie.
"Huwag kang bastos Alvarez. Naguusap pa kami!"
Giit ni Lance. Lumingon si Louie dito saka ako tinignan! Yumuko na lang ako.
"Anong pake ko kung naguusap pa kayo? Ako ang kasama niyang pumunta dito kaya uuwi rin kami ng magkasama. Bitawan mo na siya!" Kalmado parin ang boses ni Louie kahit galit na siya. Mas lalo tuloy akong kinabahan!
"Pano kung ayoko? Anong gagawin mo?"
Nangaasar pa si Lance. Grabe! I hate this kind of situation! Tumingin si Louie kay Lance na parang handa ng manuntok.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"I can handle this." Sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo!" Yun lang tsaka siya umalis.
So ganun nalang 'yon? Nasasaktan na naman ako? Pabagsak na ang luha ko ng biglang may humila sakin at niyakap ako.
"Its okay. Im here!" May pagaalala sa boses ni Lance. Napayakap nalang din ako sa kanya ng wala sa oras!
LAnce, sana ikaw nalang.
--------
A/n
sorry, may sakit po kase ako ee. Bawi ako next time

BINABASA MO ANG
Forever You
Fiksi RemajaSi Lorraine ay may lihin na pagtingin kay Louie. Sa paglipas ba ng panahon ay matutunan din ba ni Louie na mahalin si Lorraine? Ngunit paano kung may hindi magandang nangyari? Mararamdaman ba ng puso and hindi maalala ng isip kahit itoy panlilinlan...