Lorraine's POV
Nakabalik na ako sa table namin at nakita ko si Alodia na nakangiting nakikipagkwentuhan kay Louie. Pero bakit ganun? Bakit parang sa kabila ng mga ngiti niya ay ang lungkot sa mga mata niya? Ano ba talagang meron sa kanya? Sino ba talaga si Alodia Torres? Hindi ko alam! Siguro katulad rin ng wala siyang alam sakin ay ganun din ako sa kanya.
Gusto kong malaman ang tunay na pagkatao niya. Gusto kong malaman ang tunay na ugali niya. Masama ba talaga siyang tao katulad ng iniisip ko? O ginagawa niya lang iyon para mapawi ang takot sa kanya at hindi maramdaman ang pag-iisa.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Nasasaktan ako, oo! Pero bakit pakiramdam ko, kailangan kong magparaya? Kailangan kong mag-give way? Anong gagawin ko?
"Heres your order maam, sir!" Sabi ng waiter. Hmm~ Ambango! Nagkakagulo na tuloy ang mga anaconda sa tiyan ko.
Nagsimula na kaming kumain.
"So, Lorraine. May balak ka bang sumali sa Ultimate Queen?" Napalingon ako kay Alodia ng tanungin niya ako ng ganun. Ang Ultimate King and Queen ay pageant na gaganapin sa Intramurals.
"Wala bakit?" Sa wakas nag-usap kami ng hindi nagtataasan ng kilay at nagiirapan. Anong himala ba ang nangyari ngayon?
"Sabi kasi nila kung walang willing then YOU must be the one who they will force to join to!" Doon na ito nghmisi sakin. No! Wala akong kahilig hilig sa pageant na yan.
"No way!" Sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng kalapit ng upuan namin. Ayoko na pala siyang kilalanin! Ang sama parin ng ugali niya! Nakakaasar! -_-
"Shh. Lorraine, lower your voice!" Suway sakin ni Louie. Mas lalo tuloy ngumisi itong Haliparot na 'to. Inirapan ko nga. Asar eh!
Pinagpatuloy ko nalang muna ang pagkain ng pakbet. Ang sarap talaga! Shet.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay tahimik lang kami.
Naglakad lakad muna kami sa loob ng mall. Maya-maya'y naisipan namin magpunta sa may QUANTUM!
Katapat nito ang ZAGU kaya dumeretso muna ako doon at bumili. Samantalang yung dalawa naman ay deretso agad para maglaro!
Hindi ako pumunta sa Quantum. Pinanood ko lang silang dalawa kung gaano sila kasayang tignan.
Ang saya tignan ni Louie. Sobrang SAYA! Katulad din ba niyan ang kasiyahang nararamdaman niya kapag ako ang kasama niya? Ano bang meron sa babaeng iyan na wala ako? Kailan ba magiging ako Louie?
Nakita ko kung paano kumuha si Louie ng teddy bear para kay ALodia. May tinuturo ito na hindi makuha ni Louie. Tumagal silang naglaro doon pero wala talagang nakukuha si Louie. Natatawa nalang ako sa tuwing napapakamot ng batok si Louie. CUTE! Haha
Lumipat sila sa may basketball. Nagsu-shoot si Louie samantalang kinukuhan naman siya ng video ni Alodia. Para silang masayang couple kung titignan mo sila. COUPLE! Couple na kahit kailan ay hindi namin magiging STATUS ni LOUIE. Ang IN-A-RELATIONSHIP
"Martyr ka pa rin pala hanggang ngayon!"
Nilingon ko ang pamilyar na boses na 'yon. Boses ng nagiisang taong nakakaalam ng nararamdaman ko. Boses ng taong nagpapakamartyr din sa martyr na katulad ko. Boses ng lalaking gusto ko mang mahalin ay tinatanggi naman ng PUSO ko. Ganun naman talaga diba? May nagmamahal sayo na hindi mo naman mahal at may mahal ka na hindi ka rin mahal! SAKLAP ng buhay!
Kailan ba darating ang araw na mahalin din ako ng taong mahal ko?
KAILAN? Darating pa kaya ang araw na 'yon?
-------------
A/n
Haha ;D Ang ganda kasi ng MAHAL KO O MAHAL AKO ehh. Napasok tuloy sa kwento. Hihih :**
Keep reading guys! Madami pang mangyayari. <3 <3

BINABASA MO ANG
Forever You
Teen FictionSi Lorraine ay may lihin na pagtingin kay Louie. Sa paglipas ba ng panahon ay matutunan din ba ni Louie na mahalin si Lorraine? Ngunit paano kung may hindi magandang nangyari? Mararamdaman ba ng puso and hindi maalala ng isip kahit itoy panlilinlan...