💐Chapter Two💐

2.3K 97 0
                                    

Pagkatapos ng maghapong trabaho, sa wakas pauwi na rin ako. Iniisip kong kumuha ng isang grande ng Java Chip sa paborito kong coffee shop kaya imbes na magmaneho papunta sa kalsadang dapat kong daanan pauwi, nagpunta ako sa katabing building ng opisina namin. Pagka-park ko sa pink kong picanto, dumiretso na ako sa loob. Nakatayo na ako sa tapat ng counter nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki sa tapat ng isang huncho na mukhang artista.


Pareho silang gwapo pero dahil kakilala ko 'yung isa, siya agad ang napansin ko. "Ma'am Yvonne, Java Chip po?" napalingon agad ako sa lalaki sa counter. "Ah, yes." Nang makuha ko ang order ko, naupo ako sa table na malapit sa kanila pero hindi agad ako napansin ni Thor.


"I don't know. I guess, we just need to tell them what we are getting into. Maiintindihan naman siguro nila tayo." Sabi ng lalaking gwapo na mukhang artista. "Alam mo naman 'yung kalagayan ni Papa. Hindi pwede, Josh." Nag-push back si Thor. "Mahal mo ba ako?"


Bigla akong natigilan sa kinauupuan ko. Pagkatapos kong sumipsip ng Frappuccino, biglang parang nag-freeze ang buong katawan ko sa narinig. Paksyet. Gay si Thor? Hindi ko alam. Nakilala ko siya bilang isang chickboy at makulit na pinsan ni Brad. Ang huli ko ngang nalaman sa kanya e may nabuntis siyang babae, pero mukhang chismis lang 'yun. Paano mangyayaring bakla siya? Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang gusto kong maglaslas sa stage na 'to. Mas lalo pa akong nanghina nang marinig ko ang sagot niya. "Oo, mahal kita..." shet talaga. Legit ba 'to o guni-guni ko lang?


Sinubukan kong tumingin sa gawi nila at homaygosh! Nagho-holding hands pa sila! Hindi ko naman talaga ugaling makialam so, gets? Umalis ako after taking another sip. Akala ko, tahimik na akong makakaalis duon hanggang sa may tumawag sa akin. Dead skin ako nung una pero may biglang pumigil sa maala pata kong braso. Paglingon ko, nakita ko si Thor.


NANG mahuli ako sa akto, umalis ang lalaking kausap niya. Ang ending, kami na ang nag-uusap sa coffee shop. Magkapatong sa dibdib niya ang magkabila niyang braso habang nakatitig sa akin. Parang ako pa 'yung mali?

"Ano'ng narinig mo?"


"W-Wala!"


"I'm asking you nicely." Mukha siyang seryoso at parang hindi siya matutuwa kung sasagutin ko siya ng hindi aayon sa pandinig niya.


"I think I've heard everything."


Hindi agad ito umimik.

I grab the chance to voice out this lingering question in my head. "Are you really gay?" Ayoko talagang maniwala kasi sa hitsura niya, parang nag-gi-girlfriend siya ng tatlo ng sabay-sabay! Siya 'yung lalaking kapag nakita mo, magkaka-crush ka agad dahil hindi lang gwapo kung hindi mabango pa! Bonus na lang ang talino nito. At sa pagkakakilala ko kay Thor na halos tatlong buwan lang na mas bata sa akin, siya 'yung lalaking kaya kang alagaan ng maayos. 'Yung gagalangin ka at hindi paiiyakin. 'Yun pala, in real life, ito 'yung lalaking gusto kang kulutin araw-araw.


"Are you going to tell them?"


Sobrang seryoso ng mukha niya na para bang hindi ako pwedeng magkamali. "I will not. Saka bakit ko naman sasabihin? Wala akong dahilan. Iisipin lang ng pinsan mong desperada na akong balikan siya kapag ginawa kong excuse 'yang preference mo para magkaroon kami ulit ng communication."


He began to loosen up. "Thanks."


I smiled. "Saka bakit ka ba nagtatago in the first place? Tanggap na ng lahat ngayon na hindi lang babae at lalaki ang kasarian sa mundo. Be proud. Be loud."

"You don't understand. My father has a serious cardiac illness. Kapag umamin ako sa kundisyon niyang iyon, siguradong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya. Retiradong sundalo si Papa. Ayaw kong hiyain ang pamilya namin." Hindi ko maiwasang makisimpatya sa kanya. Ganoon din kasi ang nararamdaman ko pagkatapos kong tumaba. Bilang anak ng dating Local Beauty Queen, pakiramdam ko, isa na akong kahihiyan sa pamilya namin. Habang ang dalahira kong kapatid na si Emie ay nanatiling suki ng mga pageant. "I understand. 'Wag kang mag-alala. Your secret is safe with me." Ngumiti na siya nang sabihin ko 'yon. "Promise?"


"Promise."


Dito nagsimula ang lahat e. We became best of friends. Oo, tinanggap kong best friend ang pinsan ng lalaking nanakit sa akin.

GayXGirl Series 2: Falling for It [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon