Hindi nga ako nagkamali, umabsent si Thor kinabukasan. I was trying to call him but he did not answer any of my calls. Luckily, I tried again and I was able to speak with a woman. "Hello, po. Pwede pong maka-usap si Thor?" Nahulaan ko lang na Mama niya ang kausap ko kaya sobrang galang ko.
"Hija, kasama niya ang Papa niya."
"Pwede ho ba akong pumunta d'yan?"
"Sure." Tinandaan ko agad ang address na sinabi niya. I was just purely worried about him. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang Papa niya. Sa mga kabutihan niya sa akin, kulang pa itong pag-aalala ko.
Saglit lang ang oras ng ibinyahe ko. Narating ko agad ang bahay nilang may malungkot na awra. Hindi naman nawawala ang bakas na minsan silang ma-alwan sa buhay, pero dahil sa pagkakasakit ng Papa niya, mukhang matatagalan bago ulit sila makabangon. Nakangiting sinalubong ako ng Mommy ni Thor. Isang beses ko na siyang nakita sa reunion ng mga Franco at nagulat talaga siya nang makita ako. "Ikaw na ba ang bagong nobya ni Arturo?"
"Uhm, h-"
"Babe kasi ang nakalagay sa cellphone niya nung tumawag ka."
Hayop na 'yon. Kaya Babe ang name ko sa phonebook niya ay dahil biik daw ako. He named me after that pig in the movie. I forced a laughter. "We are really close Tita."
"Hay nako. Ayaw pang umamin? Okay lang naman na napunta ka sa anak namin kaysa duon sa babaerong pamangkin ni Tony. Dios mio, akala mo naman ay mauubusan ng babae kung magpalit. Sinayang ka lang."
Gusto kong ma-fluttered sa mga narinig ko mula sa Mommy ni Thor. In all fairness, I think she really likes me. "Wala na po 'yun Tita."
"Good. Halika, hintayin mo na lang si Thor sa kusina lalabas na din 'yon, kausap lang ng Papa niya."
Tumango ako. Ipinaghanda niya ako ng meriyenda na sa totoo lang nahihiya akong kainin kasi baka mawalan ako ng poise. Mabuti na lang at lumabas agad si Thor sa kwarto ng Papa niya. Narinig ko kasing sinabihan siya ng Mommy niya nang... "'Yung Babe mo, nasa kusina." He was surprised to see me. At laking gulat ko rin nang sugurin niya ako ng yakap. Para siyang nanghihina. 'Yung parang umiiyak siya deep inside. Alam ko 'yung feeling na 'yun, kaya gets? "Okay lang 'yan. Magiging okay din ang lahat."
"Sana. He's getting worse. Hindi ko na alam ang gagawin."
Hinaplos ko ang likod niya. Chance ko na 'to. De joke lang. Siyempre, kailangan niya ng taong aalo sa kanya. I'll be that friend that he needs right now. Nakaupo na kami sa may patio nila nang magsimula siyang magkwento. "Nagsimula 'yan noong makita ni Papa na may kausap ako sa phone. Si Josh. I think you have met him before."
"Yeah. Naalala ko."
"Josh and I met a year ago. Magka-opisina kami dati. Sobrang nabilib ako sa kanya. He's a great person. 'Yung tipong dumating sa puntong pakiramdam ko mahal ko na siya. I was about to ignore it, pero nalaman kong parehas kami ng nararamdaman. Kahit alam kong hindi matatanggap ng pamilya ko, sinubukan ko kasi ayaw kong magsisi sa huli kapag hindi ko sinunod ang puso ko. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?"
Tumango ako. "Siyempre naman. Hindi naman ikaw ang unang nagmahal. 'Yung pagmamahal ko sa pinsan mo parang ganyan din." Natigilan siya sa sinabi ko. "I used to hate men because of my Dad. Alam ni Brad na iniwan kami ni Daddy dahil bigla na lang siyang nawalan ng pagmamahal para sa Mommy ko. Tapos nalaman naming may iba na siyang pamilya ng ganoon kabilis. I promise to never love again but Brad taught me how to trust again, to love again. Kaya kahit ayaw ng Mommy ko sa kanya dahil nararamdaman ni Mommy na babaero 'yang pinsan mo, pinilit ko pa rin. I defy everyone because I love him. At ayaw ko ding magsisi sa huli na hindi ko sinubukan."
Ngumiti siya at inakbayan ako. "Gwapo lang talaga ang angkan namin. Umamin ka na." Sinimangutan ko siya. "Gwapo? Parang hindi naman." Parang gusto kong batukan ang sarili dahil pagkasabi noon, bigla akong napatitig sa mga labi niya. Paano ko ba iiwasan? They are cherry red! Hindi naman siya nagko-cross dress kaya for sure hindi siya nagme-make up pero bakit ang perfect ng mukha niya? Ngayon ko lang din napansing wala siyang pores! Mas makinis pa ang mukha niya kesa sa mukha ko! Umiwas ako ng tingin nang bigla akong masinok. Isa, dalawa, tatlong beses na sinok. My gosh. Am I falling again?
I shrugged the idea off. Hindi ako pwedeng mabiktima ng dalawang Franco. Lalo na ng isang 'to. Mahirap makipagkumpetensya sa lalaki!
"Ikukuha kita ng tubig," tumayo na siya pagkasabi noon dahil hindi talaga ako humihinto sa pagsinok. Sa ginagawa niya, paano ko pa pipigilin ang sarili ko na mahulog?
BINABASA MO ANG
GayXGirl Series 2: Falling for It [COMPLETED]
ChickLitActual Start Date: June 23, 2019 Teaser Halos mabaliw ako nang iwan ako ni Brad. Mabuti na lang, natulungan ako ng pagkain na maka-move on. Ang kaso, naging isa ako sa mga babaeng hindi na pinapansin ng mga guys dahil sa weight ko. I feel okay at...