💐Chapter Eighteen💐

1.6K 65 0
                                    

Ito ang unang araw ko sa probinsya ni Mommy. Nag-resign na ako sa call center dahil hindi ko na rin naman maaasikaso ang career ko dahil kailangan ko munang maging ina.

Maliit pa ang baby sa sinapupunan ko pero sa araw-araw na magkasama kami, mas nararamdaman ko siya.


I left all the comfort and extravangant life that I had in Manila so I can get this peaceful provincial life.

Wala akong dapat gawin kundi ang maging ina sa anak ko. 'Yung mga naipon ko, ginamit ko para makapagsimula si Emie ng negosyo at nagkasundo kaming siya muna ang mag-aasikaso noon habang inaasikaso ko ang sarili ko at ang anak ko.

Hindi madaling maging buntis mag-isa. Unang araw ko pa lang dito sa San Miguel, parang gusto na naman akong lamunin ng depression. Mabuti na lang at malapit sa lake ang bahay ni Mommy. Minana niya ito sa Lolo at Lola ko. Masasabi kong mayaman sila dahil hanggang ngayon may mga katiwala na nagme-maintain ng bahay. It is a two-storey ancestral house na may lake sa likod bahay. Parang 'yung bahay sa movie na "The Notebook".

I've been here a couple of times before and I thought that this place is simply boring and lifeless. Pero ngayong ako lang ang nakatira dito kasama ng tatlong katiwala, pakiramdam ko, wala ng ibang lugar na mas tatahimik pa duon. Minsan, kailangan mo lang talaga ng tahimik na lugar para makapag-isip.

Hindi ko na inaasahang bumalik si Thor. Tanggap ko nang si Josh talaga ang gusto niya.

Alam ko naman na bakla talaga siya sa simula pa lang kaya hindi dapat ako magalit. Ako lang din


naman itong unang nahulog sa kanya.

Saka nagmamahal lang siya. Wala akong makitang masama duon.


Mas maigi na 'tong malayo na lang ako sa mga lugar na posible naming pagkitaan. I need to isolate myself to find solace. Deserve ko naman 'yun. Isa pa, hindi ko kailangan ng stress sa kundisyon ko dahil pati ang anak ko maapektuhan.

"Yvonne." Napalingon ako nang marinig ang pinakamatagal ng katiwala duon. Si Nanay Mirasol. Sa kanya ako ibinilin ni Mommy dahil alam ko namang hindi pipirmi 'yon dito sa bahay ng parents niya. "Kumain ka na, anak."

"Sige po. Susunod na lang po ako."


Inayos niya ang salamin niya sa mata saka ngumiti. "Kapag kailangan mo ng kausap, nasa baba lang kami nila Bea ha."

"Opo."

Hindi naman kasi talaga ako sanay na may kasama sa bahay pero kailangan ko daw sila sabi ni Mommy dahil hindi lang ako ang kailangang alagaan kundi pati na ang bata sa tyan ko. Mababait naman sila. Hindi lang talaga ako 'yung pala-kwentong tao.

Meal time. Means, talk time. Duon lang kami nakakapag-usap usap. Well, ang totoo niyan nakikinig lang ako sa mga kwento nila. Kaya lang, naging curious sila sa buhay ko nang araw na 'yon.

"Nasaan po pala ang Daddy ng baby ninyo?" Tanong nang pinakabata sa amin duon na si Jana. Apo siya ni Nanay Mirasol at dahil iniwan na siya ng mga magulang niya, isinama na siya duon ni Nanay para magtrabaho.

"Uhm." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sumama sa ibang lalaki?

Siguradong magtatanong


lang sila ng magtatanong kapag ganoon ang isinagot ko.

"Oo nga. Nag-away ba kayo?" follow-up question ni Bea.

"H-Hindi naman."

"Ano 'yun? Natakot sa responsibilidad? Ah, bakla siguro 'yun Ma'am. Ang duwag eh!" kumento pa ni Bea. Paano nila nalaman?

"Tumigil na nga kayong dalawa. Tutuktukan ko kayo ng sandok eh! Hindi nandito si Yvonne para sagutin ang mga tanong ninyo." Sa totoo lang naiintindihan ko sila kung bakit sila curious. Sa loob kasi ng ilang taon, ngayon lang may titira ulit sa bahay na 'yon bukod sa kanila. Siguradong


gusto lang nilang maging close sa akin. Wala rin namang masama duon.

"Masyado lang talagang kumplikado ang mga bagay-bagay para sa amin kaya ganoon ang nangyari. Wala na akong magagawa duon." Sagot ko para hindi na sila pagalitan ni Nanay Mirasol.

"Ayaw ba sa'yo ng mga magulang niya?"

"O nalaman mong may asawa na siya?"

Natawa ako sa salitan nila ng pagsasabi ng mga hula nila. Masyado silang nanunuod ng mga teleserye.

Hello? Totoong buhay na 'to. At sa totoong buhay, minsan iniiwan talaga ang babae dahil sa ibang lalaki.

Sigurado akong hindi lang naman ako ang unang babaeng na-in love sa badaf.

Marami pa akong katulad.

"Sabihin na nating committed na nga siya sa ibang tao. Kayo huh, tigilan niyo na ang panunuod ng madaming teleserye. Kung anu-ano na pumapasok sa isip niyo."

Natawa sila. "Curious lang kasi kami, Ma'am. Maganda ka. Sexy. Matalino saka mayaman ka naman. Pero iniwan ka pa rin."

Gusto kong malungkot sa sinabi niya. Kaya lang sanay naman na akong laging iniiwan. Ano lang ba 'yung ginawa ni Thor? Ni hindi naman kami naging official. Yes, we are dating and we made love a few times but that's just it. Mabuti na nga lang at nagkaroon ako ng anak. At least, kung magsasawa na akong makipag-relasyon, may anak akong sasamahan ako sa pagtanda. "Alam niyo, hindi naman ibig sabihin na nasa'yo na halos lahat e wala ng karapatan 'yung ibang tao na iwan ka. Minsan, kahit ibigay mo pa lahat, iiwan ka pa rin kapag gusto nila. Walang sigurado sa mundo. Pwedeng mahal ka ngayon ng isang tao tapos bukas, hindi na. Kaya kayong dalawa, mag-iisip kayo kung mayroon man kayong mga boyfriend ngayon. Hindi laging masaya ang love. Minsan talaga susubukin niyan ang katinuan niyo."

Mukha naman silang nakikinig. Pakiramdam ko tuloy, ateng-ate ako.

Hindi ko 'to magawa kay Emie dahil matigas ang ulo ng isang 'yun. Iniisip niya ring mas magaling siya kaysa sakin kaya hindi niya ako pinakikinggan bilang Ate. At least, may Bea at Jana na pwede kong ituring na nakababatang kapatid. "Sabagay Ma'am. May mga kaibigan din akong halos maloka sa love love na 'yan." sabi ni Jana.

"Ate na lang nga ang itawag ninyo sa akin? Hindi naman ako ang nagpapasahod sa inyo."

Napangiti sila nang sabay. Madami pa silang itinanong na sinagot ko in a general manner.

Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanila ang totoo dahil ayaw kong isipin nilang looser ako. Ayaw ko lang na siraan sa ibang tao ang Tatay ng anak ko. Mas mabuti nang ako lang ang nakakaalam.

Hindi din naman nila dapat pang malaman ang buhay ni Thor. Ayokong maging masama siya sa paningin ng lahat. Kasalanan ko din naman 'to in the first place.

Inakala kong tapos na ang pang-uusisa nang dalawa. Hapunan na at inuurirat na naman nila


ang lahat tungkol sa akin. "Ate, bakit mo pala hindi chinacharge 'yung cellphone mo? Baka may mga


message na 'yung Tatay ng baby mo?"

Natawa ako sa sinabi ni Bea. Si Thor nga mismo ang rason kung bakit ayaw kong buksan ang cellphone ko. Ayaw ko kasing makatanggap nang kahit na anong balita tungkol sa kanya. Lahat


kasi ng mga taong nakakakilala sa amin, palagi na lang akong in-a-update sa mga bagay tungkol sa


kanya kahit ayaw ko namang malaman. Kaya nang umuwi ako sa ancestral house nila Lolo, sinabi


kong hindi na ako hahawak ng cellphone kahit kailan. Kung tatawag sila Mommy at Emie, pwede nila akong maka-usap sa telepono.

"Bakit naman siya mag-me-message pa? Iniwan na nga niya si Ate, diba?"

"Malay mo lang Jana. Baka naman naisip na niyang mali siya. Baka pinagsisihan na niya ang pang-iiwan niya kay Ate Yvonne. Sayang naman."

Napangiti na lang ako. Baka hindi lang nanunuod ng mga teleserye ang dalawang ito. Mukhang pati pocketbooks, pinapatos nila. Ano bang akala nila sa real life? Ganoon lang kadaling ayusin? Ewan ko ba. Bata pa nga silang dalawa.

"Kayong dalawa, naririndi na ako sa mga pang-uusisa ninyo. Ako na talaga ang magpapalayas sa inyong dalawa kung hindi pa kayo titigil!" Sa pagkakataong iyon, hinayaan ko si


Nanay Mirasol na sawayin ang dalawa. Deserve ko ang space at peacefulness.

GayXGirl Series 2: Falling for It [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon