That's it. Wala na akong pasensya sa kanya. Bakit ba iniisip niyang ako ang may problema?
"Love me." Sabi ko habang diretso ang tingin sa kanya. Hindi siya nakasagot kaya inulit ko.
"I said love me. Kaya mo? Huh?"
He kept his silence.
"Hindi mo naman kaya diba?" I wanted to stop myself from crying but I can't. Hindi ko nakayang pigilan 'yon. Tinatanong niya kung saan siya lulugar sa buhay ko diba? Wala na akongitatago ngayon, pakialam ko kung i-reject na naman niya ako. This would be the last anyway. "I fell in love with you and that's my fault. Wala kang dapat gawin. Hayaan mo lang akong makalimutan 'tong nararamdaman ko." Then I immediately walked out of that room. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang mukha niya.
Ayokong makitang nahihirapan siya. Hindi ko naman iniisip na balewala ako sa buhay niyapero alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin. At alam kong nasasaktan din siya na nakikita akong ganoon. Kaya nga mas gusto kong hayaan niya akong mag-heal sa sarili kong paraan. Iyon lang siguro ang magagawa niya para sa akin.
Naupo ako sa nag-iisang nipa cottage sa may beachside. Iyak lang ako nang iyak, wala nakasing pag-asa ang problema ko sa pag-ibig. Iniwan ako ni Brad at halos mabaliw ako dahil walaakong dahilan na maisip para gawin niya 'yon sa akin at kung kailan sinusubukan kong mag-move on, saka ako nahulog sa pinsan niyang si Thor na isang bading. Thor can never love me back, he never will. Siguro kaya niya akong maging sister, pero hindi pwedeng maging lover.Bakit ba napakamalas ko? Am I paying for my father's debts? Ito na ba ang kapalit sa lahatng pagkakamali ni Daddy kay Mommy? Siguro nga.
"Hey." Napalingon ako nang marinig si Brad. Nauna siya sa isla taliwas sa plano noon namagkasama kaming lilipad papuntang El Nido. "Why are you crying?" masuyo niyang tanong.
"Why do you care?"
"I know galit ka pa rin sa akin pero sana sapat na 'yung binigay ko sa'yong oras parapatawarin ako. Can you hear me out now, Yvonne?"
"I demanded that the night you told me we can't continue our relationship anymore. Whatgives you an idea that I need it now?"
"I am still hoping that you will come back to me."
Wala akong kahit anong maramdaman sa sinabi niya. Dapat masaya ako dahil iyon angplano namin ni Thor. Mission accomplished. Pero hindi pa rin ako masaya.
"Alam kong hindi ganoon kadaling patawarin ang ginawa ko sa'yo. I will wait until you areready. Kung sinasaktan ka lang ni Thor, hiwalayan mo na lang siya. Alam ko namang mahal mo pa ako."
Ang kapal ng mukha niya. Gusto kong magalit sa kanya pero, 'wag na lang. Kahit ano'ngemosiyon, wala na akong maramdaman para kay Brad kaya imposibleng mahalin ko ulit siya. "Ayos lang kami ni Thor. Nagkatampuhan lang kami pero hindi ko na siya ipagpapalit para sa'yo."
Yumuko siya. He looked pissed but he forced a smile then he looked at me. "Whatever yousay, Yvonne. Babawiin ko ang sa akin. Hindi ka pwedeng mapunta kay Thor." Iniwan niya akopagkatapos sabihin 'yon, pero hindi ako natatakot sa kanya. Nakapag-desisyon na ako. Ayoko ngbumalik kay Brad. Hindi na ako ulit ilalagay ang sarili ko sa depresyon kung saan niya ako iniwan.
Imbes na sayangin ang oras ko sa pag-iisip sa magpinsan na 'yan, nag-abala na lang akongtulungan ang mga staff ng Resort sa pag-aayos sa dalampasigan para sa party ni Brad. It wasplanned as his birthday party slash 7 th anniversary party for us. A year ago, I was the most excited person for this moment. P-in-lano kong lahat ultimo ang mga ihahandang pagkain at mga activities. I want this to be memorable for all of us, pero sa sitwasyon ko ngayon, parang gusto ko ng matapos ito ngayon para makabalik na ako sa Maynila at sa trabaho ko. I need distractions!
"Ma'am, kami na po dito." Sabi ng team leader ng staff. Ayaw ko sanang umalis kaya lang kinuha na nila ang mga ginagawa kong decoration.
Hindi ako bumalik sa kwarto namin ni Thor. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at lumangoyako sa dagat. I said I need to distract myself. Hindi ako masyadong marunong lumangoy perobahala na. Pakiramdam ko unti-unti na akong nawawalan ng hangin sa baga kaya sinubukan kong abutin ang seafloor para maiangat ang ulo ko sa ibabaw ng tubig, kaya lang malalim na pala ang bahaging iyon ng dagat. I panicked! Nagkakakawag na ako. At dahil hindi ako makasigaw, siguradong walang nakakita sa akin. Goodbye world. Wala na akong iisipin na problema ngayon kung hindi ang pagharap ko na lang kay God. Tanggapin kaya Niya ako sa kabila ng pagiging matakaw ko? Payagan niya kaya akong makapasok sa langit kahit madalas akong galit sa kapwa ko? Bahala na.
God, help me.
BINABASA MO ANG
GayXGirl Series 2: Falling for It [COMPLETED]
أدب نسائيActual Start Date: June 23, 2019 Teaser Halos mabaliw ako nang iwan ako ni Brad. Mabuti na lang, natulungan ako ng pagkain na maka-move on. Ang kaso, naging isa ako sa mga babaeng hindi na pinapansin ng mga guys dahil sa weight ko. I feel okay at...