"Claire.!!! Pinapatawag ka ni sir Matthew sa loob. He wants the presentation to be reviewed daw bago ipakita sa board mamaya."
"Ahh. Andito Anya. Pero pwede paki-bigay mo kay sir? May pinapagawa pa kasi siyang xerox copy ng mga sales na gagamitin din mamaya."
"Huh?? Eh ba't ako? Ikaw nalang.. ikaw itong kailangan dun ehhh."
"Huh?? Ehh ano ba ang masama sa pagbigay lang nito kay sir? Ehh mabait naman yun.. maiiintindihan niya kung hindi ako ang magbigay. Kita mong may tinatapos pa ako ehh."
"Ehh ayoko."
"Ibibigay mo ito o ibibigay mo ito? Isusumbong kita kay sir."
"Tss oo na. Palibhasa wala kang crush kay sir kaya easy lang sayo. Isipin mo naman yung nararamdaman ko Claire"
"Alam mo?? Oa ka bes. Chance mo na nga to ehh. Aysh. Para ibibigay mo lang yan. Hindi mo naman ikakamatay yan bes"
"Hindi ko ikakamatay pero ikamamatay ng puso ko. Bala ka na nga jan"
At umalis na siya. Hays yung babaeng yun. Napaka.
Tinapos ko na yung xerox copy na pinapagawa ni sir sakin.
Matapos ito ay ibinigay ko ito sa kanya at umupo sa cubicle ko.Ilang oras nalang lunch na.
Bumaba ako at kumain sa canteen nitong firm namin.
Matapos kong kumain ay bumalik na din ako agad dahil may bago na naman akong gagawin na report sa percentage ng production ng aming product.Pagkarating ko sa office, lumapit sakin si Anya.
"Claire, pinapapunta ka ni sir sa office. May naghahanap sayo kanina pa. Fairness ang gwapo bes ah"
"Huh? Sino naman yung maghahanap sakin?"
"Basta pumasok ka nalang dun."
Pumasok na ako sa loob gaya ng sabi sakin ni Anya.
Pagkapasok ko, nakita ko si sir Matthew may kausap. Teka, si.......... Nick?? Anong ginagawa nito dito?
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako??"
"Ahh. Claire nandito kana pala. Kanina kapa kasi hinahanap nitong si Nick eh. Kaso nasa canteen ka daw sabi ni Anya"
"Ah. Uhmm, Nick? Ano ba yun?"
"Uuwi na tayo"
"Bakit?"
"May mahalagang sasabihin satin sina dad. At kailangan ang presensya mo dun."
"Eh bakit ba ang sungit mo? Inaano kaba?"
"Dahil diyan sa pa-importanteng announcement na 'yan, naudlot yung date namin ni Brianne. Magpo-propose pa naman na sana ako."
"Ma-magpo-propose kna?"
"Oo. Kaya halika na. Baka makahabol pa ako sa date namin ni Brianne"
At hinila niya na ako papuntang elevator.
Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi. Ukopado ang isip ko sa sinabi niyang magpo-propose na siya.
Masakit.
Mahal ko kasi siya.
Magkababata kami nitong si Nick. Ok naman ang aming pagsasama bilang magkaibigan. Nag-iba lamang ang kanyang pakikitungo sakin simula noong naging sila ni Brianne nung 2nd year college na kami. High school palang kasi ay nililigawan na ni Nick si Brianne.
BINABASA MO ANG
"Twisted Connubiality"(Finished)
RomanceThey say: to have a successful marriage, couples must treat themselves as best of friends. But what if, you marry your best friend? Does this mean that their marriage is bound to be successful? Find out as the story goes on.. Unrequited love t...