CONNUBIALITY ISSUE no.3

898 15 1
                                    

"Hindi pa rin ba umuuwi Claire?" tanong sakin ni Anya ng mag-lunch kami dito sa canteen ng building. Naikuwento ko na kasi sa kaniya ang mga ganap sa buhay ko ngayon.

Iling lang ang tinugon ko.

"Aba! Claire, isang linggo na ah! Hindi ba ito alam ng mga parents ninyo?"

"Hindi" nag-alala ako sa kalagayan niya baka kung ano na ang nangyari sa kanya, pero kasi alam ko namang kasama niya ngayon si Brianne kaya hindi na din dapat siyang hanapin.

Kasi gaya nga ng sabi ng marami, 'huwag hanapin ang taong ayaw magpakita'.

"Sabihin mo na kasi ang totoo sa mga magulang mo."

"Hindi ko pwedeng gawin yun Anya! Alam mo yan. Kapag ginawa ko yun, edi parang wala lang ding napuntahan ang pagpapakasal namin"

"Ayy oo nga pala.. eh kailan ba matatapos ang kasal niyo?"

"Ewan ko! Ang sabi ay kapag nagpakita na ang lawyer ulit. Siya lang kasi ang nakakaalam."

"Ahh. So, anong plano mo diyan sa set-up niyo?"

"Wala. Hahayaan ko lang siya. Para namang may karapatan ako na bawalan siya."

"Uhm, hello?! Nakakalimutan mo atang asawa ka."

"An, alam naman nating hindi dba? I mean oo, kasal kami, pero hindi yun dahil sa pagmamahal namin para sa isa't isa. Nagsisisi nga ako na pumayag akong sa simbahan ikasal eh. Sacred yun. Dapat pure love ang meron sa dalawang taong ikakasal doon pero sa sitwasyon namin, hindi."

"Grabe din kasi itong mga parents niyo kung makapag-trap sainyo ay halos pang-habang buhay na."

"Kaya nga eh. Pero sumusunid lang naman sila sa gusto ni Lolo Anton."

"Pero may divorce naman ah. Or annulment nalang. May annulment naman ata ang Pilipinas eh"

"Kahit magka-divorce pa ang Pilipinas, sasama parin ang loob ko. Simbahan yun eh. Hindi man ako regular na nagsisimba, pero mataas pa rin ang respeto ko sa simbahan maging sa Kanya. Hindi matitibag ng divorce at annulment ang power at sacredness ng mga taong pinagbuklod ng simbahan Anya" mahabang litanya ko.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sumasama ang pakiramdam ko.

"Time is up. Tara na?" aya sakin ni Anya pabalik ng opisina.

"Sige!"






..........................................................

"Manang, nandito na po ako." Matamlay kong sabi. Masama ang pakiramdam ko ngayon. Hays! Bakit ba kasi 3:00 na ako nakatulog kaninang umaga?

Aysh! Oo. Gumawa pala ako ng report ko na akala ko ngayon ipi-present. Hindi pala.

"Naku naman" pabagsak akong nahiga sa pastel green naming settee at basta nalang ibinagsak ang bag ko sa katabing one-setter na couch. Malambot naman yun eh kaya hindi masisira ang laptop ko plus nasa case yun.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng living room. Puno ang bahay ng green na dekorasyon. Of course, in different shades. Alam ko namang hindi magagalit si Nick sa ginawa kong pagbabago sa bahay kung sakaling umuwi siya dito. Pareho naming paborito ang kulay berde.

Baliw na kung baliw but I just found myself laughing at that thought. Dati kasi ay talagang nag-away kami niyan nung 15 years old kami dahil siya daw ang naunang nagustuhan ang green na kulay.

"Hey. You're here"

Napaayos ako ng upo ng marinig ang boses na yun. Tumingin ako sa kinaroroonan niya.
And there he is. With his green cargo shorts and green apron.

"Twisted Connubiality"(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon