"Tita, dumating na po ba si Claire?"
Nandito ako sa bahay nina Claire. I've been visiting her since the day she left. Pero sadyang iniiwas niya ang sarili niya sakin kasi hindi ko siya ma-tiyempuhan.
"She's here, iho. Pasok ka" tumaas ang pag-asa ko lalo na't magkakausap na kami.
Nabungaran ko siyang pababa ng hagdan ng makapasok ako.
Napahinto siya sa paglalakad at napatingin saakin."Iha, nandito si Nick. He wants to talk to you"
"Ma, sabi ko naman po sainyo na ayaw ko siyang makita"
"Shine, kahit ngayon lang please? Spare me some time."
"Ayoko! If I were you, I will take this time to settle things with Brianne total siya naman dapat ang pakakasalan mo at hindi ako.
Dba, kaya mo lang naman ako pinakisamahan para makuha mo ang pharmaceuticals?"Nagulantang ako sa sinabi niya.
Paanong----"Oo alam ko. Narinig ko kayong nag-uusap noon ni Brianne sa Baler"
"Claire.....oo inaamin kong iyon naman talaga ang sadya ko sa simula dahil ang buong akala ko nakalimutan na kita, na hindi na kita mamahalin pa. I wanted to marry Brianne before kasi may security ako na mahal niya ako. Saiyo, naduwag ako kasi hindi ko alam kung mamahalin mo ba ako kapag nalaman mong mahal kita. Wala akong kasiguraduhan sayo Claire."
Sinampal niya ako. Masakit iyon oo. Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya. Kahit pa saksakin niya ako ay tatanggapin ko yun.
"Gago ka! Bakit hindi ka manlang nag-take ng risk saakin? Sa nararamdaman mo? Sana hindi na nangyari ang lahat ng ito. Dahil diyan nadagdagan lang ang galit ko sayo. Umalis kana. Mommy, paalisin mo siya."
"Sandali lang. Claire....Shine, may rason ako kung bakit ko nagawa iyon. Please! Pakinggan mo muna ako"
"Mommy" nangunot ang noo ko ng tingnan ni Claire ng makahulugan si tita.
"Ahh- ah oo Nick. Umuwi kana muna iho. Sadyang ayaw kalang ni Claire makita ngayon. Naglili--ay hindi ano uhm alam mo naman ang anak ko diba? Sige na. Ingat!"
Pinagtulakan niya ako papalabas ng bahay nila.
Nagtataka akong pumasok sa sasakyan. Pero nabalot ng kalungkutan ang puso ko ng maalalang hindi parin kami nagkakaayos ni Claire.Bagsak ang balikat na nagtungo ako sa isang taong alam kong mapakikinggan ako ngayon.
"What's with your face Nick?""Kuya Cash"
"Is it Claire?"
Tumango nalang ako at umupo sa visitor's lounge. Umupo si kuya Cash sa tapat ko.
"Hindi pa rin ba kayo nagkakabati? Nagsisimula ng magalit sayo si ate Cass mo."
"I know. Gumagawa naman ako ng paraan kuya eh. I am placating her. Halos araw-araw akong nagsusumamo na makausap siya. Hindi na nga ako halos pumapasok sa trabaho makita ko lang siya. Nagkausap nga kami kanina pero hindi naman niya ako hinayaang makapag-paliwanag."
Iiling-iling na napatawa si kuya Cash. "Just like her sister"
"Ano ang ibig mong sabihin kuya?"
"When Cass and I have a serious fight, she will be the number one person who is so hard to woo. Claire's behavior is a lot like Cass'. Lalo na nung pinagbubuntis niya si Vallery."
"But kuya, Claire is a different case"
"Paanong naiba?"
"Because she's not pregnant"
BINABASA MO ANG
"Twisted Connubiality"(Finished)
RomanceThey say: to have a successful marriage, couples must treat themselves as best of friends. But what if, you marry your best friend? Does this mean that their marriage is bound to be successful? Find out as the story goes on.. Unrequited love t...