"Ang aga mo yata" tukoy ko kay Nick na nasa parking lot na ng building namin. Routine na namin ito araw-araw. Idadaan niya muna ako sa opisina bago siya pupunta sa pharmaceutical, then sa hapon, dadaanan niya ako at sabay kaming uuwi.
"I am bored. Dinner tayo sa labas?"
"Hmmm. Libre mo ulit?"
Nakangisi kong tanong sa kanya.
"Tss. Ako naman palagi nanlilibre sayo eh. Ikaw naman"
Natawa ako. "sige na. Ako na"
"Mabuti yan Shine. Saan tayo?"
Tanong niya ng makapasok kami sa Lexus niya.Naging maayos naman na ang pakikitungo namin sa isa't isa simula nung gabing iyon. Hindi pa ako halos makapaniwala eh. Pero masaya ako. Masaya ang puso ko.
Kaya lang, kalakip ng saya na nararamdaman ko ang pangamba. Ramdam ko kasi na mas lalong nahuhulog ang loob ko kay Nick.Yung pagmamahal na unti-unti kong nilulunod nung nakaraang limang taon ay unti-unti na namang lumulutang sa tulong ni Nick. Sa tulong ng gestures niya, ng ka-sweetan niya, ng pagiging gentleman niya. Parang bumalik lang kami sa dati. Pero yung problema lang, bumalik din ako sa dati. Yung lihim na nagmamahal sa kanya. Lihim na umaasa na baka makita niya ako.
"Shine? Natahimik ka diyan? Saan tayo kakain?"
"Ahm, gusto ko sana sa Edible Anamnesis kaso gabi na din. Malayo-layo ang Tagaytay. Kahit saan nalang"
"May branch malapit dito ang Esculentus Beanery. Gusto mo doon tayo?"
"Drive Thru nalang tayo Nick?"
"Ayan na naman. Hindi mo na ako tinatawag sa palayaw mo sakin. Nakakatampo Shine"
Natawa ako. Palagi niya kasi akong pinipilit na tawagin siya sa palayaw niya. Mapagbigyan na nga.
"Kersy, drive thru nalang tayo ha?" Sabi ko with matching ngisi.
Tumawa siya."There. Much better."
Dumaan kami sa drive thru ng isang fast food. Nung highschool kami, madalas dito kami tumatambay. Gagawa ng assignments bago umuwi.
"We're here. What do you want to eat?"
"The usual"
Tumango siya at hinarap ang lalake na mag-ti-take ng order namin.
"5 Rice, 3 pork steaks, 1 bucket of your chicken barbecue."
"Would that be all sir?"
"Yes""3,000 pesos po lahat"
"Here" inabot ni Nick ang 4,000 peso bills. Huh? Sobra.
"Sir, sobra po"
"Tip ko"Lumiwanag naman ang mukha ng lalake.
"Naku! Maraming salamat po sir. Pandagdag bayad po ito sa tuition ko"
"Here" inabot ni Nick ang isang card. "Pumunta ka diyan tomorrow at 9 am. Kakausapin kita for your studies."
"Talaga po?" Agad nitong tinanggap ang binigay ni Nick sakanya.
"Maraming maraming salamat po sir. Malaking tulong po ito."
"You got it"And we are on the road again.
"That was sweet Kersy" sabi ko sakanya. Nanlambot talaga ang puso para sa ginawa niya doon sa bata."Kawawa kasi eh. Hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng pera tulad natin Shine. Tayo, nakapag-aral tayo sa isang private school, I even finished my master's degree outside the country. We are so blessed. Kaya ngayon na may nakukuha na tayo, na nakapagtapos na tayo, at kung may maitutulong man tayo, gawin nalang natin"
BINABASA MO ANG
"Twisted Connubiality"(Finished)
RomantikThey say: to have a successful marriage, couples must treat themselves as best of friends. But what if, you marry your best friend? Does this mean that their marriage is bound to be successful? Find out as the story goes on.. Unrequited love t...