CHAPTER 20

3.3K 77 3
                                    

His mad...

Humiga ako sa kama pero nanatili akong nakatingin kay Kayline, habang sya ay nakaupo sa tabi ko. Nasasaktan ako sa mga nalalaman ko ngayon, pero kailangan kong ipakita na hindi ako na aapektohan. Nandito naman si Sam , siguradong magkakamabutihan naman kami ni Sam.

" naging sila ni Rose nang halos dalawang taon, at naghiwalay lang sila noong nag pasya si Rose na pumunta nang US para mag aral ulit. Masakit sa akin nang malaman kong sila na, at mas lalo akong nasaktan noong naghiwalay silang dalawa kasi, nasaktan si Leo ng sobra. Lagi nalang syang nakakulong sa sariling kwarto, laging umiinom. At simula non, nagbago sya. Naging malapit na sya sa ibang babae, kahit sino pinapatulan nya sa kama."

Sa bawat salita na binibigkas ni Kayline sa akin parang dinudurog rin ang puso ko. Ramdam ko rin na nasaktan talaga sya. Kaya pala iba sya sa akin, sinusungitan nya ako. Dahil nagseselos sya sa amin ni Leo.

Gusto ko pa sanang makinig sa kanya pero , naduwag ang puso ko at pinili kong ipikit ang mga mata ko at matulog.

Rinig ko pa  ang tawag ni Kayline sa pangalan ko pero hindi na ako nagpatinag at nakatulogan ko na ang pag kwento nya.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at sakit.

KINABUKASAN...

Namulat ako sa hanging dumadampi sa pisngi ko, napatingin ako sa paligid. At nakita kong nakabukas ang malaking bintana at lumilipad ang puting kortina na nakatabil doon dahil sa hangin.

Bumangon ako at naramdaman ko ang sakit nang ulo ko , napahawak ako sa sariling noon at napangiwi, sinandal ko ang sarili sa headboard nang kama.

Napapikit ako at ang init nang katawan ko, gusto kong maligo nang isang oras . Bumaba ako sa kama at nagtungo sa bathroom, kailangan kong magpalamig.

Pagkatapos kong mag shower, halus kalahating oras nga akong nasa bathroom. Agad naman akong nagbihis at nagsuot ako nang dress , baby yellow ang kulay nito at hanggang hita ko ito mabuka rin ito sa baba, at spaghetti style sa taas. Pinalugay ko nalang ang buhok ko at naglagay nang konting lipstick.

Agad akong bumaba at nagtungo sa kosina nang bahay.

Nasa may pinto ako nang kosina nang nakita ko si rose na nagtitimpla nang kape. Maganda talaga sya hindi mo maididinay iyon, kaya siguro baliw na baliw sa kanya si Leo.

Napakapit ako sa sariling braso dahil sa  may kung anong kumorot sa dibdib ko.

Napalingon ito sa gawi ko.

" Hi, goodmorning."

Nakangiti nitong bati sa akin. Humakbang ako sa gawi nya .

" goodmorning Rose. "

Bati ko rin, humarap ito sa akin at nilahad ang kape na tinimpla nya.

" coffee?"

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

" no thanks , nasaan ba sila ?"

Pagkasabi ko ay binuksan ko ang ref na naroon at uminom nang tubig.

" nasa labas lang sila. Nagkakape rin"

Sagot nito sa akin . At tapos ay nag sip nang coffee.

" saan ba kayo nagkakilala ni Leo?"

Tanong nya, tarantar na nilagay ko ang baso sa lamesa .

" I'm his secretary."

Nakita ko ang pagka mangha sa mukha nya.

" a girlfriend slash secretary.. how cute"

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon