"You can call me babe, darling, bebe, honey, or anything that you want." bigla akong kinilabutan nang marinig ko iyong boses ni Spencer.
"We don't need to be that sweet, infact we are not lovers." sagot ko naman sa kaniya saka ko siya inirapan. Sinisira na naman niya ang araw ko.
"How can we enjoy being together if you are not that sweet enough?" he seductively said. Shemay! Sarap talaga nito ihampas sa pader minsan, e.
"Baliw!" bulyaw ko sa kaniya saka ako humiga sa kama. Hindi dapat ako nag papaapekto sa mga sinasabi niya.
He just chuckled and begin to removed his coat, at sa harap ko pa talaga siya naghubad. This crazy pervert!
Binato ko siya ng unan at nakita kong tumama iyon sa mukha niya.
"Wala ka talagang dignidad, e no? earn some respect." sabi ko lang saka ko siya sinamaan ng tingin.
"Sus! painosente ka masiyado." saad niya pa saka siya tumawa ng malakas. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking 'to. Totoo namang inosente ako at wala akong kaalam-alam sa mga ganoong bagay. I'm innocent duh!
"Hoy! ikaw lang ang malandi dito, huwag mo akong idamay!" angal ko sa kaniya.
"Tara ligo tayo." pahabol pa niya kaya naman bago ko pa siya batuhin ng flower vase ay agad na siyang pumasok sa banyo.
We're always like this. Wala naman nang bago pa. Lagi kaming nag-aasaran at nagbabangayan.
Bumangon ako mula sa kinahihigaan ko at sinimulang tignan iyong mga litratong nasa kuwarto ni Spencer.
"Wow, infairness he is so adorable." komento ko habang pinagmamasdan iyong mga litrato niya.
Ibinaling ko din ang aking paningin sa isa pa niyang litrato kung saan nakabusiness attire siya. His image is no joke, siguro noong nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan nasalo niya lahat.
Sunod ko namang tinignan iyong picture niya noong bata pa lamang siya. He's really cute. Naaalala ko tuloy noong una kaming nagkakilala.
Nung minsang isinama ako ni Papa dito sa bahay nila dahil personal driver nila noon si Papa. We're just six years old back then.
Naglalaro noon si Spencer sa kitchen nila. Tapos nilapitan ko siya. Sabi ko
"Hi." ngumiti pa nga ako nun nang malapad tapos sinungitan niya lang ako. As in dedma and take note a, six years old lang kami noon.Pero dahil makulit ako, tinabihan ko siya. Sabi ko "Puwede makipagkaibigan?" alam niyo kung ano ang sagot niya nun sa 'kin? "Ayaw kong makipagkaibigan sa pangit!" Oh diba? Ang bastos ng bunganga niya! Ayun hinampas ko siya nun sa mukha.
Tinawag ba naman niya akong pangit. Iyak siya ng iyak nun tapos sinabihan ko pa siyang bakla. Ayun sinumbong niya ako sa daddy niya. Pero imbes na ako ang pagalitan, siya pa itong pinalo ng daddy niya. Kaya naman tawang-tawa ako nun. Pero pagkauwi ko naman nun, pinalo din ako ni Papa. Sabi niya hindi daw kami puwedeng maging magkaibigan ni Spencer dahil nga mayaman sila, tapos kami mahirap lang, and the reality slapped me so hard. Kahit na bata pa ako noon. Naintindihan ko na agad.
Spencer was the sole heir of Del Viño fortune. His parents was known as one of the most successful businessman and businesswoman in the country. Owner sila ng mga malalaking company sa bansa. They are investing from local and international.
Until an accident happened to my father. He was accidentally hit by a car and that's the reason why he passed away. I was just seven years old during that time and it was very tough for me to lost the person I loved.
BINABASA MO ANG
She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)
Teen FictionSabi nga nila... Meeting someone by accident was fate. Being friend with someone was a choice. But falling in love with someone was beyond our control. If you truly love someone, then tell them because you might lost the chance and end up hurting y...