Chapter Twelve

30 5 0
                                    

Monday morning

Hindi parin kami okay ni Spencer. Hindi niya din ako sinundo kaninang umaga sa bahay kaya nagcommute nalang ako. Ang bigat-bigat tuloy ng pakiramdam ko ngayon.

"Before anything else. I just wanna congratulate Spencer again. Thank you for doing your best, I'm so proud of you." tugon nung professor namin. 

Lahat naman ng mga kaklase ko ay nagsipalakpakan, habang ako, 'diko alam kung papalakpak ba ako o hindi? Pakiramdam ko kasi parang wala akong karapatan.

Ngumiti lang din si Spencer saka siya nag-thank you kay Sir.

Kahit na nasa tabi ko siya hindi parin niya ako pinapansin. He also avoid to glance me. He's acting as if he didn't know me. Gosh! There's nothing more hurt than being ignored.

"Are you still mad at me?" malumanay na tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Ni lingon nga wala. "Your mom called me yesterday, she said that they have to stay in-" he cutt me off.

"I know." simpleng sagot niya na para bang hindi siya intresado sa mga sasabihin ko. Hindi ko na rin siya muling kinausap pa dahil alam kong wala lang din namang mangyayari.

Si Raven ang kasama kong kumain sa cafeteria dahil agad na lumabas ng room si Spencer kanina. Ni hindi ko nga alam kung saan ba siya kumain?

"Hindi parin ba kayo okay ni Spencer hanggang ngayon?" panimulang tanong ni Raven sa 'kin habang nakaupo kami dito sa cafeteria.

Umiling lang ako dito at lumungkot iyong mukha ko.

"He just keep on ignoring me." walang gana kong sagot sa kaniya.

"Tinawagan namin si Tita nun, sabi niya nakipagkita ka daw kay Jervy?" anito saka niya ako pinukol ng tingin. "Kayo na ba?" halos masamid ako sa iniinom kong softdrinks nang sabibin niya ito sa 'kin.

"Agad-agad? Sira kaba?!" bulyaw ko kay Raven.

"Nililigawan kaba niya ulit?" sunod pa niyang tanong. Minsan ang sarap din talaga nitong pektusan, e. Walang preno iyong bunganga niya.

"Hindi a, nangamusta lang siya sa akin, wala naman siyang sinabi na manliligaw siya." eksplenasyon ko pero inasar niya parin ako.

"Pero aminin mo inaantay mo siyang manligaw no?" aniya sabay kindat pa ang kumag.

Ayun binatukan ko nalang siya.

"Baliw!" sigaw ko sa kaniya.

Mayat-maya pa ay naging tahimik kami bigla. Hanggang sa nagsalita ulit siya.

"May tanong ako?" anito.

"Ano?" agad ko namang tanong.

"Kapag ba niligawan kita, sasagutin mo ba ako?" nasamid ako sa pangalawang pagkakataon. Kung ano-anu na naman kasi ang pumapasok sa utak niya. Jusko!

"Baliw kana talaga!" sigaw ko sa kaniya.

"Kadiri ka!" komento naman niya nang makita niyang kumalat iyong iniinom kong softdrinks.  "Yuck," pahabol pa niyang komento saka niya iniabot sa'kin iyong tissue.

Natigilan na lamang kami nang biglang dumating sa harap namin si Spencer.

"Raven, kailangan nating pumunta sa States." biglang sabi ni Spencer kaya naman nagulat kami pareho ni Raven. Ano naman kayang gagawin nila sa States?

"Ha? Why?" takang tanong ni Raven.

"Tumawag sa'kin si mommy. Dinala daw sa hospital si grandma dahil inatake na naman siya sa puso." paliwanag ni Spencer at bakas na bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon