"If you really sincere then let's have a friendly date."
I lost myself for a moment and still processing my mind if Spencer is really serious on what he have said.
"Hey, I'm talking to you." biglang nagsalita si Spencer kaya naman natigilan ako.
"Anong friendly date ang pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko sa kaniya saka ko siya inirapan pero nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hatakin sa loob ng restaurant.
Nang makaupo na kami, kaagad ng omorder ng pagkain si Spencer at sobrang dami niya talagang inorder. Jusme! as if naman mauubos namin lahat ng ito.
"Ang dami mo namang inorder?" saad ko sa kaniya.
"Instead of complaining, why shouldn't you just appreciate it." he commented as he handed me the plate.
"E, 'di okay, sorry na." tugon ko lang saka na ako nagsimulang kumuha ng pagkain.
"Eat all of this up." aniya saka niya inilapit iyong iba pang mga pagkain. Jusme! anong akala niya sa'kin patay gutom?
"Hindi ko 'yan mauubos lahat," reklamo ko naman pero inirapan lang niya ako.
"You should, look at yourself? parang 'di ka pinakain ng ilang buwan, you're so thin." aniya. Pakialam niya ba sa katawan ko?
"Atleast, I'm sexy." biro ko naman pero ang kumag umubo-ubo lang.
"Magkaiba 'yung sexy sa payat, gets?" aniya sabay tawa pa, sarap niya talaga batuhin ng tinidor.
"E, di wow!" komento ko nalang saka ko binilisan iyong pag-nguya ko ng pagkain. Nakakabatrip talaga 'tong si Spencer.
Pagkatapos naming kumain ni Spencer ay dumiretso kami dito sa mall. Ewan ko ba sa kaniya kung anong trip niya. Hindi naman kasi kami talaga madalas magmall ni Spencer. Saka bihira lang talaga kaming lumalabas na dalawa.
At ngayon nasa fitting room ako. Bibilhan niya daw ako ng damit, kahit sinabi kong 'wag na, ayaw niya talagang paawat kaya napilitan nalang ako.
"Maganda?" tanong ko sa kaniya paglabas ko ng fitting room.
"Pangit mo naman." Aba't talagang napakasama talaga ng bunganga niya.
"Buwisit ka talaga!" bulyaw ko sa kaniya saka ako padabog na bumalik sa fitting room. Nakakailang palit na ako ng dress pero wala parin siyang nagustuhan. Nakakainis talaga siya, ang arte-arte niya. Bakit 'di nalang kaya siya ang magsuot ng mga 'to.
"How about this?" nakangiting sabi ko pagkalabas ko ng fitting room suot-suot iyong bagong dress na napili ko. Siguro naman papasa na ito kay Spencer.
Pero talagang may pagkademonyo talaga itong si Spencer at umiling ulit siya.
"Tao ka ba talaga?" pang iinsulto pa niya sa'kin. Pati tuloy iyong sales lady natawa. Sarap talaga pektusan nitong lalaking 'to, e. Akala niya nakakatawa siya.
"Heh! buwisit ka!" asik ko sa kaniya saka na ulit ako bumalik sa fitting room. Isinuot ko iyong panlimang dress na napili ko. 'Pag ito hindi pa niya nagustuhan, sasapakin ko na talaga siya, promise.
"Hoy, Del Viño." tawag ko sa apilyedo niya nang makalabas na ako sa fitting room.
"That's too short." he said and I almost explode. Wanna beat him up. Kanina pa ako pabalik-balik sa fitting room.
"Napakaarte naman po ng boyfriend niyo Ma'am." komento nung sales lady na nag aassist sa'kin.
"He's not my boyfriend po ate, he's actually my boy best friend." I corrected her.
BINABASA MO ANG
She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)
Teen FictionSabi nga nila... Meeting someone by accident was fate. Being friend with someone was a choice. But falling in love with someone was beyond our control. If you truly love someone, then tell them because you might lost the chance and end up hurting y...