"Oh anak, nandito ka na pala." ani Mama habang inihahanda niya iyong pagkain. Humalik ako sa pisngi niya saka ako umupo sa harap ng lamesa.
"Sabi ni Spencer nagkasakit ka daw? Okay na ba ang pakiramdam mo?" sunod na tanong ni Mama.
"Okay na po ako Ma, naulanan lang kase ako nun kaya mediyo sumama ang pakiramdan ko, ahm.. kamusta na pala si Dane? Nasa hospital padin ba siya?"
"Kakauwi lang nila kaninang umaga, mabuti nga't nakalabas na din sila, nakakaawa iyong pinsan mo." ani Mama matapos niyang maihanda iyong pagkain sa harap ko.
"Ah." maiksing sagot ko at nagsimula na akong kumuha ng pagkain sa
lamesa."E, si Spencer bakit hindi mo siya kasama?" biglang tanong ni Mama. Nasanay kasi siyang kasama ko si Spencer sa tuwing uwian.
"H'wag na natin siyang problemahin Ma, he's enjoying his life." tugon ko kay Mama saka ako sumubo ng pagkain.
"Tumawag ang mommy niya sa akin kanina, sabi niya baka raw sa susunod na sabado sila uuwi ng Pilipinas."
"Ay opo Ma. Sinabihan na din nila ako kanina." sagot ko naman kay Mama.
"Oh siya kumain ka lang diyan." ani
Mama saka niya ako inabutan ng tubig.Umupo si Mama sa tabi ko at pinukol niya ako ng tingin.
"Siguro 'pag nabubuhay pa ang Papa mo ngayon, sobrang saya niya na makita ka niyang nagdadalaga." biglang sabi ni Mama out of the blue. Nakita ko din iyong lungkot sa mata niya. Kumirot tuloy iyong puso ko. Namimiss ko na din si Papa. Hindi ko manlang nasulit iyong mga panahon na magkasama kami. Masiyado pa akong bata nung nawala siya.
"Do you miss him?" tanong ko kay Mama at nakita ko iyong mga luhang bumagsak sa mata niya. Alam kong miss na miss na niya si Papa. Ang hirap lang talaga na makita si Mama na nalulungkot.
"Sobrang miss ko na ang Papa mo. Napakabait niyang asawa at ama. Kahit kailan hindi iyon nagbigay ng sakit sa ulo sa 'kin." ani Mama saka siya ngumiti ng pilit.
Pinahid ko iyong mga luhang tumagilid sa mata ni Mama saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Alam kong miss na miss ka na din ni Papa ngayon Ma, pero kailangan nating lumaban dahil iyon ang gusto niya. Gusto niyang maging malakas tayo palagi kaya laban lang tayo Ma. Alam kong ginagabayan tayo ni Papa ngayon kaya 'wag ka ng malungkot okay? May rason kung bakit nangyari iyon sa kaniya. All we need to do is to trust God because his plans are better than ours." niyakap ko ulit si Mama at sinubukan ko siyang pakalmahin.
"Basta, mag-aral ka ng mabuti, kahit na wala na ang Papa mo, alam kong proud na proud iyon sa 'yo kapag natupad mo iyong mga pangarap mo."
"Oo naman Ma, 'wag kang mag-alala, makakapagtapos ako." sagot ko at hinalikan naman ako ni Mama sa noo. "Ma, kamusta na po pala iyong restaurant ni Tita Femy? kumikita pa po ba?" pag-iiba ko sa usapan.
Mayroon kasing mini restaurant si Tita Femy at tinutulungan siya ni Mama sa pagpapatakbo nun.
"Sa awa ng Diyos, maayos parin naman iyong kita ng negosyo ni Tita Femy mo." nakangiting sabi ni Mama.
"Ah. Bukas po Ma, wala akong pasok, sasama nalang po ako bukas sa inyo para kahit papaano ay makatulong naman ako sa restaurant ni Tita Femy." suwestiyon ko naman kay Mama.
"Hindi ka ba pupunta sa bahay nila Spencer?" tanong naman niya. Ewan ko ba dito kay Mama. Puro si Spencer nalang lagi ang inaalala niya.
Umiling lang ako kay Mama. Ba't naman ako pupunta 'don? magsama sila ng Khendrang 'yun.
BINABASA MO ANG
She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)
Novela JuvenilSabi nga nila... Meeting someone by accident was fate. Being friend with someone was a choice. But falling in love with someone was beyond our control. If you truly love someone, then tell them because you might lost the chance and end up hurting y...