Habang naglalakad kami ni Spencer dito sa hallway. Nakatanggap siya ng message galing sa mommy niya. Babalik na daw sila nextweek dito sa Pilipinas kaya naman hindi maiwasan ni Spencer ang matuwa. Alam kong miss na miss na niya ang kaniyang mga magulang. Matagal-tagal na din kasi magmula noong umalis sila ng bansa.
"Hoy, sino si Khendra?"
Nagulat na lamang kami ni Spencer nang may biglang umakbay sa likod namin.
It was Raven Castro. Kahit kailan talaga napaka-tsismoso ng isang 'to.
"Paki mo ba?" masungit naman na sagot ni Spencer at siniko niya sa tiyan si Raven.
Inalis ko din iyong kamay ni Raven na nakaakbay sa akin. Ang bigat kasi ng kamay niya, anong akala niya sa balikat ko, bakal?
"Sino ba kasi si Khen-" bago paman matapos ni Raven iyong sasabihin niya ay biglang nagmadali si Spencer sa paglalakad at iniwan niya kaming dalawa ni Raven dito sa hallway.
"Problema nun?" kunot-noong sabi ni Raven sa 'kin.
"Malay ko 'dun." sagot ko lang sa kaniya.
"Do you know Khendra?" biglang tanong niya sa akin at napaisip naman ako bigla. If I am not mistaken Khendra was the girl who called Spencer few days ago.
"Hmm...Spencer's new girlfriend I guess." sagot ko naman sa kaniya.
"Wow! really? Agad-agad? Ang bangis naman talaga ng pinsan ko." tugon niya at parang proud na proud pa talaga siya.
"Mabangis manloko, mang iwan, at magpalit kamo." sagot ko naman sa kaniya kaya napatawa nalang siya.
Everyone was busy inside the room, a very loud yet annoying voices all around the class room.
"She's very pretty, I just can't move on." rinig kong bulungan ng mga kaklase namin.
"Bagay talaga sila ni Spencer." kinikilig na sabi naman nung isa.
Raven and I was confused. Wala kaming ideya kung sino o ano ba iyong pinag-uusapan nila. Napansin din naming wala si Spencer sa upuan niya. Ang buong akala ko'y nauna na siya dito kanina. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon?
"Everyone, what's wrong?" biglang tawag ni Raven sa atensyon nila.
"Do you know Khendra Parker? Nandito kasi siya kanina, sinundo niya si Spencer." one of my classmates said.
Napakunot-noo lamang ako habang prinoproseso ko sa utak ko iyong sinabi nung isa naming classmate. Sinundo daw ni Khendra si Spencer?
Parang kanina lang pinag-uusapan namin si Khendra and now she's the subject of everyone.
"K-Khendra Parker? Sinundo niya si Spencer?" hindi makapaniwalang tanong ni Raven.
"Yup. She was so hot bro." sagot naman nung isa pa naming kaklase na lalaki.
Huminga nalang ako ng malalim at hindi ko na pinakinggan pa iyong mga komento nila at ang mga magagandang compliment na sinabi nila tungkol 'dun sa Khendra Parker na 'yun o kung sino man siya.
Ilang minuto pa ang lumipas at buti nalang dumating na iyong professor namin.
"Everyone, please keep quiet." our professor said.
Lahat naman kami ay biglang tumahimik.
"We have a music fest on friday, and I wanted to inform all of you that there must be atleast two representatives in our section. " our professor exclaimed.
Narinig ko namang umingay ang buong klase. Kaniya-kaniya sila ng suggestion kung sino ang isasali.
"I highly recommend Spencer Del Viño as one of the representative Sir, I am sure he can win the battle." Raven suggested and everyone agreed.
BINABASA MO ANG
She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)
Teen FictionSabi nga nila... Meeting someone by accident was fate. Being friend with someone was a choice. But falling in love with someone was beyond our control. If you truly love someone, then tell them because you might lost the chance and end up hurting y...