"Kheziah, wake up, nandito na tayo." nagising ako sa tapik ni Spencer sa braso ko. Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa gitna ng byahe.
Nakaramdam din ako ng pagkaginaw at pagkahilo. Ngayon ko lang napansin na basa din pala iyong suot kong damit at naalala kong nagpaulan nga pala ako kanina.
"Spencer bakit hindi mo ako hinatid sa bahay?" takang tanong ko sa kaniya. Napansin ko kaseng nasa garahe kami ng bahay nila.
"Check your phone." sagot niya at agad ko namang dinukot iyong phone sa bag ko.
Pagka-unlock ko sa phone ko ay bumungad agad iyong text ni Mama.
[Kheziah anak, sinamahan ko muna ang tita Femy mo sa hospital, itinakbo kase ang pinsan mo dahil inatake ulit siya ng asthma niya at baka bukas pa ako makakauwi sa bahay dahil walang kasamang magbabantay ang Tita Femy mo dito sa hospital. Diyan ka nalang muna kina Spencer 'nak, para may kasama ka.]
Pagkabasa ko niyon ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay nila Spencer. Naligo na din ako agad dahil gustong-gusto ko ng magpahinga. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa sofa at doon ako humiga.
"You okay?" tanong ni Spencer nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa sofa.
"Y-yeah, I-I'm fine." halos nanginginig ang panga kong sumagot sa kaniya.
"Haysss." tugon nito at dali-dali siyang tumayo mula sa upuan at nakita ko siyang pumasok sa kuwarto niya.
Wala pang isang minuto ay kaagad na din siyang bumalik sa harapan ko. May dala siyang jacket at medyas.
"Oh, suotin mo muna 'to." aniya sabay abot sa jacket.
Nagulat din ako nang biglang umupo si Spencer sa harap ko at bahagyang isinuot iyong medyas sa paa ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at hindi ko rin mapigilan iyong mga paru-parong tila ba nagsisiliparan sa tiyan ko.
Napatitig ako sa medyas na isinuot niya sa akin and I just find it cute. Kulay pink kase ito at may disenyo pang mga butterfly sa bandang taas niyon. Nagmukha tuloy akong bata dahil sa medyas.
Matapos niyon ay umupo siya sa tabi ko at pinukol niya ako ng tingin kaya naman kaagad kong ibinaling ang aking paningin sa jacket na bigay niya. Hanggang ngayon kasi, e, hindi ko pa nasusuot iyon dahil pinagmasdan ko siya kanina habang isinusuot niya iyong medyas sa paa ko.
Napansin kong may kalakihan iyong jacket niya pero hindi ko nalang ito pinansin. May nakalagay din na Del Viño sa likod nun kaya mediyo nailang akong suotin iyon. Hindi naman ito ang unang beses na pinahiraman niya ako ng jacket pero bakit parang ang awkward? It just really feel uncomfortable knowing that his surname was written on his jacket.
"Bagay pala sa iyo." komento ni Spencer nang maisuot ko iyong jacket niya.
"Alin 'tong jacket?" sagot ko naman sabay turo pa sa jacket na suot ko.
"Nope." anito saka umiling.
"Ito?" sagot ko ulit sabay taas sa paa ko pero umiling ulit siya. Pinagtritripan ata ako ng isang to, e.
"Ewan ko sayo!" naiiritang sabi ko. Alam na nga niyang masama ang pakiramdam ko, dinadagdagan pa niya.
"Iyong apilyedo ko, bagay pala sa 'yo."
Halos uminit ang buong katawan ko nang sabihin niya iyon sa akin. Jusme! Pinagsasabi ng lalaking 'to? Umaandar na naman 'yang kabaliwan niya. 'Wag nga niya akong utuhin.
"Baliw," sabi ko lang saka ko siya inirapan.
Kheziah Francesca Del Viño.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sinubukan ko ding idugtong iyong apilyedo niya sa pangalan ko. Punyemas! Ano ba itong ginagawa ko?
BINABASA MO ANG
She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)
Teen FictionSabi nga nila... Meeting someone by accident was fate. Being friend with someone was a choice. But falling in love with someone was beyond our control. If you truly love someone, then tell them because you might lost the chance and end up hurting y...