Wala na kaming pasok ng last subject dahil may urgent meeting daw iyong
professor namin.Binigyan lang kami ni Sir Vin kanina ng homework at pagkatapos nun ay pinalabas na niya kami ng room.
"Pahawak muna ng bag ko, CR lang ako." ani Spencer saka niya ibinigay iyong bag niya sa akin. Agad ko naman iyong kinuha saka ako umupo sa isang bench malapit lang sa room namin.
"Hoy, galaw lalaki ha?" komento ko sa kaniya. May pagkaarte kasi siya pag gumagamit ng CR. Minsan inaabot siya ng fifteen minutes bago makalabas.
"Anong galaw lalaki? Straight ako no!" inirapan pa niya ako. Mukhang hindi niya nagets ang ibig kong sabihin.
"I mean, bilisan mo, ang slow neto." sagot ko at inirapan niya lang ako.
Minutes passed at hindi parin bumabalik si Spencer. Sabi na nga ba, e, ang tagal na naman niya. Akala mo babae kung gumalaw. Ang arte!
Akmang ilalabas ko sana iyong cellphone sa bag ko pero narinig kong tumunog iyong cellphone ni Spencer sa bag niya.
Dali-dali ko iyong dinukot sa bag niya at tumambad sa akin kung sino iyong tumatawag.
Khendra is calling
"Khendra?" takang tanong ko sa sarili. Sino na naman ba si Khendra sa buhay ni Spencer? Siya ba iyong binanggit ni Spencer kanina kay Gale na mahal niya? I never heard it clearly earlier but I am sure that the name he mentioned was Khendra. Umasa pa ako na ako iyong binanggit niya kanina pero malinaw na ang lahat ngayon. Hindi ako iyon kundi si Khendra.
Bakit ba kasi ang assuming ko? Puwede ba Kheziah, tigil-tigilan mo na 'yang kapraningan mo!
Hinayaan ko lang iyong cellphone ni Spencer na huminto. Pero naulit pa iyon ng ilang beses.
Until his phone beep.
A message from Khendra
[Babe, tapos na ang klase ko. Meet me at exactly 6:00.]
Wala na ba talagang balak magbago ni Spencer? I just really feel bad to those girls he dated before and just left them as if they have no feelings.
Bakit ganoon lang kadali sa kaniya ang magpalit? Ang manloko? at ang mang-iwan?
"Hoy, give me some privacy." nagulat na lamang ako nang biglang dinukot ni Spencer iyong cellphone niya sa kamay ko.
Pinukol ko siya ng tingin habang seryoso akong humarap sa kaniya.
"So ibang babae na naman Spencer?" tugon ko sa kaniya.
"Tara na." pag-iwas niya sa tanong ko.
Hinawakan niya iyong pulsuhan ko pero agad kong tinanggal iyong kamay niya.
"Spencer, girls are not toys na lalaruin mo lang kung kailan mo gusto at biglang iwanan kapag nagsawa kana."
I said furiously, dala ng matinding disappointment. Hanggang kailan ba siya magiging ganito? Hanggang kailan ba siya titigil sa pagiging playboy niya?He cleared his throat and tried to calm himself.
"I know, tara na, I'll drive you home." aniya habang pilit paring iniiwasan iyong mga katagang binibitawan ko.
"H'wag na, baka malate ka pa sa lakad mo, nakakahiya naman sa bago mong girlfriend, she might upset kapag nalaman niyang may hinatid kang ibang babae." may diin sa bawat salitang binitawan ko. Alam kong wala akong karapatang pagsabihan siya ng ganun pero ayaw ko lang talagang itolerate iyong mga maling ginagawa niya. I'm his best friend and I need to do something.
BINABASA MO ANG
She's The Playboy's Best Friend (Ongoing)
Ficção AdolescenteSabi nga nila... Meeting someone by accident was fate. Being friend with someone was a choice. But falling in love with someone was beyond our control. If you truly love someone, then tell them because you might lost the chance and end up hurting y...