This story is a work of fiction, names, characters, places, and events are fictitious unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living, or dead, or actual events is purely coincidental.
All Right Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any forms or by any means without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.
NAGKAKAGULO ang buong ospital habang inaasikaso ang ginang na nagdadalang tao na may tama ng bala sa puso. Ang buong katawan nito ay puno na ng dugo at bakas sa mga mukha ng mga doctor ang awa sa sitwasyon nito.
"A-Ang anak ko.. Ang a-anak k-ko paki usap, iligtas nyo sya". Nanghihina at puno ng pagmamakaawang sabi ng ginang habang lumuluha at nakahiga sa delivery bed.
"Misis, lumaban po kayo kung gusto nyo po mabuhay kayo at pati ang isisilang ninyo" payo ng isa sa mga doctor na babae.
Cesarean at Heart Operation ang isinagawa sa ginang. Pinag sabay ito ng mga ekspertong mga doctor upang maisalba ang dalawang taong nag aagaw buhay.
Natuwa ang mga nasa operating room nang lumaban ang ginang habang isinasagawa ang operasyon. Matagumpay na naisilang ang bata ngunit hindi na kinaya pa ng ginang na lumaban para sa sariling buhay.
Ilang beses na lumaban ang ginang para sa anak bago itong tuluyan sumuko nang ang sariling buhay nalang ang nasa alanganin.
Hindi alam ng mga nasa ospital ang dapat gawin matapos ang matagal na operasyon dahil walang pagkakakilanlan ang ginang.
Ang ginang ay dinala na sa morgue at ang sanggol naman ay dinala sa nursery room.
Sa kabilang banda, hindi naman naging maswerte ang isang ginang na kasabay nitong nagsilang ng sanggol dahil ang sanggol na isinilang nito ay mahina ang puso na naglalagay sa alanganin ng buhay nito.
Nasa incubator ang sanggol at may iba't ibang aparato ang nakakabit dito para madugtungan pa ang buhay nito.
Halata sa itsura ng asawang lalaki nito ang kawalan ng pag asa habang pinagmamasdan ang sanggol. Pumapatak ang luha nito kasabay ng mahinang pag hikbi.
NAALARMA ang lahat ng may nawawalang dalawang sanggol sa nursery room. Hindi alam kung paano at kung kelan ito isinagawa. Napakalinis kasi ng pagkakuha sa dalawang sanggol, walang nakapansin at hindi manlang nakuhaan ng cctv cameras sa loob ng ospital tila napaka eksperto ng nagsagawa ng pagkuha sa dalawang sanggol dahil maging ang madaming camera sa loob ay eksperto nitong naiwasan.
Batid ng may ari ng ospital na hindi maari ang mga ganitong iskandalo dahil makakasira ito sa reputasyon ng kanyang ospital na tiyak ikababagsak nito.
-
MALALIM NA ANG GABI pero hindi alintana ng matandang lalaki ang mga oras na iyon. Nasa harap ito ng puntod ng kanyang asawa at labis na nagdadalamhati. Ang kanyang puso ay puno ng galit at pagkasuklam. Nasa isip nito ang labis na kagustuhang makaganti sa mga taong may dahilan kung bakit namatay ang kanyang asawa at nawala ang kanyang nag iisang taga pag mana.
"Mag hintay ka lang mahal ko, pagbabayadin ko ang gumawa sayo nito" bakas tono nito ang pagbabanta."Hahanapin ko ang anak natin at sabay namin panonoodin ang pag hihirap ng mga taong gumawa sayo nito". dagdag pa nito bago tuluyan lumayo.
Mukhang nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ng matandang lalaki dahil biglang bumagsak ang malakas na ulan kasabay ng pagpatak ng luha nito. Ang kulog at kidlat na nag papakita ng labis na galit at pagkasuklam. Ang masamang panahon na hindi nagpapakita ng pag asa na hihinto kagaya ng walang balak na pag atras sa pag gawa ng delubyo na gusto nito ipadanas sa mga taong lumapastangan sa kanyang pamilya.
-
MASAYA ang buong organisayon
nang makatanggap ng magandang balita. Ang igites o leader ng dauntless ay nagsilang ng isang malusog na batang babae na papalit sa posisyon nito sa takdang panahon.Hindi maaring may hindi magandang mangyari sa taga pag mana kahit pa sa pag silang nito dahil ituturing itong pinaslang o ginawan ng masama kahit na ang mga magulang nito ang nangangalaga dito. Ang taga pagmana ay laging nasa proteksyon ng council hanggang sa malulok ito sa posisyon. Ang buong council ay handang paslangin ang sinuman na lalapastangan sa taga pagmana.
-
MATAAS ANG SIKAT NG ARAW ang pumapasok sa loob ng kwarto ng isang matandang babae gamit ang nakabukas na bintana.
Nagising ito ng maramdaman ang karayom na tumusok na naman sa braso nito. Agad itong nag wala at nagpupumiglas kaya naman buong pwersa itong pinigilan ng mga taong naka white lab gown at mga naka mask ang mukha.
"Patawad.. patawadin nyo akong lahat" paulit ulit itong binabanggit ng matandang babae habang umiiyak. Walang oras o minuto nitong hindi sinabi ang mga katagang iyan. "Kasalanan ko, kasalanan ko lahat" puno nang pag susumamo ang tono nito.
Bigla naman itong kumalma ng tumalab na ang gamot na itinurok dito. Ang kaninang matandang maiiyak at nag mamakaawa ay hindi naman magkamayaw sa pag tawa na parang isang demonyo.
"Sige, magpatayan kayo! Mga walang alam!" nakangiting demonyo ito habang binibitawan ang bawat salita na nag mumula sa bibig nito. "Mamatay ang inosente at mabubuhay ang may sala! Mga walang alam!"
Sanay na ang mga doctor sa mental hospital sa kanya kaya iniwan nalang ito ng mga doctor sa kanyang kwarto ng hindi pinapansin ang mga pinagsasasabi nito.
A/N: HOW'S THE PROLOGUE? COMMENT!!!! SORRY FOR MY LATE PROLOGUE. I made this for those who are confuse right now, mianhaeyo.
YOU ARE READING
Dauntless (Fearless Queen)
Teen FictionThere is a group named dauntless. The people of Dauntless are daring and strive to overcome their fears. They do some bold deeds. They don't just use bold words, they take action. When necessary, the Dauntless are not afraid to break peace in order...