Chapter 2: Welcome To White Land Academy

1K 33 2
                                    

Nagising ako hindi dahil sa alarm clock ko. Dahil feeling ko niyuyogyog ang katawan ko, kaya pag dilat ko mukha agad ni mama ang nakita ko at hawak nya ang dalawa kong braso.

"Bata ka! Ang hirap mo talagang gisingin!" sermon agad sakin ni mama, umagang umaga ee! "Bumangon kana jan, ipag hahain na kita ng pagkain bago ka umalis" Dagdag pa nya bago lumabas ng kwarto.

Kaya bumangon na ako at tumingin sa orasan 3:00 am!? Kaya dali dali na akong pumunta sa banyo para maligo.

Habang nasa loob ako ng banyo. Ang dami kong tanong sa isip ko na ano bang klaseng eskwelahan yun? Bakit kailangan ko pang mag impake? Saan lugar ba yun? At bakit hindi pedeng sabihin na kahit sino? pati bestfriend ko hindi din nya pwedeng malaman? bakit?! Ano bang meron dun? Hays. Mamaya ko na ngalang iisipin yan. Kaya pinag patuloy ko na ang pagligo.

After kong maligo. Pumunta ako sa closet ko para tumingin ng sosootin ko. Ahmm ano kaya? Ah eto! Isang Floral Dress ang napili ko at doll shoes, saka ko inipitan ng pa braid ang buhok ko. Then after kong mag bihis. Bumaba nako para kumain kasabay ng pag baba ko sa maleta ko para hindi na ako aakyat ulit (tamad lang ang peg hihihi)

After kong kumain tumingin ako sa orasan 3:50 am na! May 10 minutes pa ako para makarating dun. Kaya nag paalam nako kay mama.

" Mama aalis na po ako" paalam ko sa kanya sabay hug at kiss sa cheeks nya. Agad din naman nya ako niyakap ng mahigpit at sabay kiss sa noo ko.

Hayss mamimiss ko ang mama ko at hindi ko na mapigilang hindi mapaiyak huhuhu.

"Sige na anak umalis kana" sabay pahid niya ng luha sa pisngi ko. At tumingin ulit ako sa orasan 3:52 am. Jusq!! May 8 minutes pako!.kaya dali dali na akong lumabas ng bahay habang pinupunasan ang natirang luha sa mata ko, at nag antay ng masasakyan.

Hanggang sa makakita ako ng taxi at winagayway ko ang kamay ko. At sa awa ng Diyos napansin yun ng taxi driver kaya sumakay na agad ako. At sinulyapan ang aming bahay

"Hanggang sa huli nating pag kikita", bulong ko sa sarili ko, bago umandar ang sinasakyan kong taxi.

-----

Nang makarating na kami ni manong driver sa school. Tumingin muna ako sa orasan ko 4:00 am, sakto lang ang dating ko. Lalabas na sana ako ng taxi nang biglang magsalita si manong driver

"Oy miss! Yung bayad mo?!" napakamot nalang ako sa ulo ko. Pano ba naman kase sa lahat ng pedeng kalimutan bakit yung pag babayad pa kay manong driver ang nakalimutan ko! Hays.

"Sorry po. Ohh eto napo." sabay bigay ng bayad kay manong driver. 

Binigyan ko na din sya ng tip nakakahiya kase ee.

Pag baba ko ng taxi sinalubong agad ako ni Ms Rona.

"Sakto ang dating mo hija" nakangiting sabi nya."Ready kana ba?" dagdag pa nya.

Tumango nalang ako bilang sagot ko, kase naman naalala ko nanaman yung mga katanungan sa isip ko

"Okay, tara na?" sabi nya sabay hila sakin papasok sa kotse na kulay puti.

Aangal pa sana ako kase yung maleta ko naiwan ko. Pero nakita ko nalang pinasok sa likod ng kotse kaya naupo na ako ng maayos sa loob. Nang biglang mag salita si Ms Rona

"So, Althea? Excited kana ba sa new school na papasukan mo?" Nakangiting usal nya.

Seriously?! Nag papatawa ba sya?! Sa tingin ba nya excited ako sa lagay na to?! Naka singhot ata to eh!!

Tinitigan ko lang sya sabay ngiti ng pilit. Ngitian nya din ako sabay tingin sa bintana na puro puno ang nadadaanan. Wait? Puno?! Bakit puro puno ang nakikita ko? Ano bang klaseng school yan bakit puro puno ang nadadaanan namin?!

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon