Chapter 4: First Class

812 29 0
                                    

Sabay sabay na kaming lumabas nila Recilia at Alyana sa dorm namin papunta sa classroom. Dahil malalate na kami kung mag tatagal pa ang usapan namin.

Lakad doon.

Lakad dito.

Hanggang sa marating nanamin ang classroom. Kinakabahan ako pumasok dahil nga bago pa lang ako at natatakot ako kase baka ibully nila ako dito. Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari samin ni jane. Kamusta na kaya sya?!

"Tara na pasok na tayo!" sabi ni alyana kaya pumasok na kami ng room.

Pag pasok naming tatlo naabutan namin ang gugulo ng mga estudyante dito batuhan ng papel, may nag aaway kantahan. Para bang may sari sarili silang mundo! Pero nung pag ka tingin nila saakin bigla naman silang natigilan.

"Alyana? Recilia? Sino yang kasama nyo?!" galit na tanong naman sakanila nung mukhang clown. Pano ba naman kase kulang nalang pati ilong nya lagyan nya ng make up very talandi lang ang peg ha!

"Tara na. Dun tayo sa likuran maupo" sabi naman sakin ni alyana at hindi nya pinansin ang tanong nung mukhang clown.

Lalakad na sana kami nang biglang humarang itong si asungot na babae nato!

"At sinong may sabing talikuran nyo ako?!" galit na sigaw nya saamin. Kaya napatakip ako ng tenga.

"At sino ring nag sabi na HARANGAN mo ang dadaanan namin?!!" aba palaban din pala tong si alyana, ayaw din mag patalo.

"Ginagalit nyo talaga ako ha!!" galit na galit na pag kasabi nya. At itinaas pa ang kanang kamay nya at may nabuo duon na bola na kulay itim.

Akmang ihahagis na nya kay alyana ang bola ng humarang ako dito. Upang hindi sya matamaan. pero sa kasamaang palad ako na ngayon ang nasa posisyon nya at akmang malapit na saakin ang bola kaya napapikit nalang ako. Ilang segundo ako nakapikit ng walang kahit anong bagay ang tumama saakin. Kaya pag dilat ko, nagulat ako sa expression nilang lahat pati sila alyana at recilia ganun din ang reaksyon. Bakit?? Akala mo naman nakakita ng multo eh!

"A-althea? Yung kamay mo bat nailaw?" lumingon naman ako kay alyana na nakakunot ang noo. Sabay nguso nya sa kamay ko.

Pag kita ko sa kamay ko! Shit! bat ganto na yung kamay ko?? Bat umiilaw?!

"S-ino k-a ba talaga" sabi naman sakin nung haliparot na babae nayun.

Teka? Bat parang takot na takot sya?!

Napatingin ulit ako sa kamay ko dahil unti unti nang nawawala ang ilaw hanggang sa bumalik na ito sa normal

"bakit hindi ka tinablan ng kapangyarihan ko?!" takang tanong nya. Hindi ko nalang sya pinansin dahil sa kakaisip ko sa kamay ko kanina at sa bolang itim na hindi tumama saakin.

Napabalik naman kaming lahat sa sarili ng may nag salita sa unahan

" okay class, anong nangyayari dito?" tanong saamin nung nasa unahan na babae siguro nasa 40s na sya. Kaya nag si upuan na silang lahat at ganun na din kaming tatlo sa may likuran.

Pag kaupo namin, nakita ko naman yung prof namin na nakatingin saakin

"Oh, mukhang meron kayong bagong classmate. Hija pede ka bang pumunta dito sa unahan at mag pakilala ka saamin?" tumayo naman ako at pumunta sa unahan. Wala naman akong magagawa dahil unang araw ko palang dito. At hindi pa nila ako kilala kaya no choice.

"Im Althea Salvador, 18 years old" pag papakilala ko sa kanila.

"okey. So what is your powers ms salvador?" huh? Powers? Ano nga ba? Kase umilaw lang naman yung kamay ko kanina atsaka hindi din ako tinablan ng bolang itim ni asungot. So ano nga??

"ahm hindi ko pa po kase alam ang powers ko e" nag tawanan naman silang lahat dahil sa sinabi kong yun.

"Shh quiet class! Okay ms salvador bumalik kana sa upuan mo" at dali dali akong nag lakad pabalik sa upuan ko.

" wag mo nalang sila pansinin althea" sabi naman saakin ni alyana nang makaupo ako. Kaya tumango nalang ako sa kanya at nakinig sa prof

"okay class Im Diana segunda your subject teacher in History. Ang--" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil bigla nalang tumunog ang speaker

*TO ALL TEACHERS PLEASE PROCEED TO THE PRINCIPAL'S OFFICE*

"Hayss meeting nanaman! Okay class Dismissed!" at tila nag kagulo nanaman ang mga estudyante at isa isa na silang nag silabasan. Naiwan naman kaming tatlo dito sa room.

"tara sa cafeteria althea!" sabi naman sakin ni recilia kaya lumabas nadin kami ng classroom.

-----------------------------------------------------
Nang maka rating na kami sa cafeteria, grabe ang laki at puno ng mga estudyante na may ibat ibang kulay ang buhok. Ang cute lang tignan. Pero ano bang mga trip nila sa buhay?

"ayun. Duon!" turo naman ni alyana sa bakanteng lamesa sa pinaka sulok. Kaya nag lakad na kami papunta dun

Nang makaupo na kami, nag presinta naman si alyana at recilia na sila ang mag oorder ng kakainin namin.

"althea anong gusto mo?" tanong naman nya sakin.

"isang slice lang ng pizza at isang chocolate shake" nag katinginan naman silang dalawa. Bakit?? Ano nanaman bang nasabi ko?!

" yun lang ba oorderin mo??" tumango naman ako sakanya at binigyan sya ng pag katamis tamis na ngiti

"okay sige. Tara na alyana. Jan ka lang althea ha?!" tumango ulit ako. Sabay alis nilang dalawa.

Habang inaantay ko sila recilia. Hindi ako mapakali para kaseng may mga matang naka tingin saakin. Kaya nilibot ko ang aking paningin at sa di kalayuan tama nga ako! Isang grupo ng lalaki at babae ang nakatingin saakin. Kaya nung magtama ang paningin namin bigla silang nag iwas ng tingin. Para bang hindi nila inaashan na mapapatingin ako sa gawi nila at wait? Parang si alysa yun ah?! Pero bakit naman sya nandito??

"huy! Anong tinitignan mo jan?" napabalik naman ako sa realidad ng mag salita si alyana.

" Ah wala naman. Tara kumain na tayo" aya ko sa kanila. Nag kabit balikat nalang silang dalawa sabay bigay saakin ng pag kain ko. At sabay sabay na kaming kumain.

-----

Nandto kami ngayon sa dorm. Dahil after namin kumain sa cafeteria napag pasyahan nanaming umuwi dahil pagod din kami.

Andto ako ngayon sa kwarto at kakatapos ko lang maligo. Kakabihis ko lang ng panjama at tshirt dahil matutulog nako.

Habang nakahiga ako sa kama. Hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kanina. Yung pag ilaw ng mga kamay ko, yung pag tingin sakin nung grupo ng lalaki at babae nayun. Tas parang nakita ko pa si alysa kasama yung grupong yun. Pero baka naman hindi sya yun. Baka siguro dala lang ng pag aalala sa kanya. Pano kase hindi ako nakapag paalam bago ako mapunta dito.

Hindi ko na namalayan na nakapikit na pala ako hanggang sa kainin nako ng antok. *zzzz*

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon