CHAPTER 27: CRAVING FOR SOMETHING!

504 20 5
                                    

GERALD'S POV

Nandito nako kwarto habang sinasarado ang binuksan kong portal. Mahirap na baka may pumasok at bumulaga sa amin.

Nang matapos ako sa ginagawa. Atsaka ko palang nilapitan si Althea na mahimbing na natutulog.

"Baby? Im here" Pang gigising ko at inuuga pa ang braso nya.

"Hmm?" Ungot nya atsaka dahan dahang magmulat.

"Here's your puto bungbong baby" Usal ko at pinakita sakanya ang plastic na may lamang pagkain.

Kumuha ako ng plato para duon isalin ang puto bungbong na mainit init pa. Bago ko ito ibigay sakanya.

"Ohh baby. Eat this." Nakangiti kong sabi at inaabot sakanya ang puto bungbong.

"Ayoko nyan!" Asik nya at hindi tinanggap ang pagkaing inaabot ko.

"What the fuck baby?! Sabi mo gusto mo tong puto bungbong nato?!" Singhal ko.

"Eh sa ayoko nga nyan eh! Ang kulit mo. May iba akong gustong kainin" Aniya. Nilagay ko sa table ang plato bago humarap sakanya.

"Fuck! Ano naman yon baby?" kunot noong tanong ko.

"Gusto ko ng leche flan baby please?" Sabi nya.

"Leche flan? Ano yun!?" Ani ko.

"Dessert yun baby! Masarap yun pramis! Yun ang gusto ko. Ayaw ko nyang puto bungbong. Hindi yan masarap. Sige na please?" tumayo sya para yakapin ako. Ugh! Fuck! Alam nya talaga ang magpapapayag saakin. Isang yakap nya lang talaga.

"Okay. Okay. Basta kakainin muna ah? Huwag kang mag sasayang ng pagkain" Aniya ko at hinalikan sya sa noo.

"Yehey! Thank you baby! ILoveyouuu" Aniya at hinalikan ako sa labi.

"ILoveyoutoo baby!" Nakangiti kong usal.

"Sige na baby nagugutom nako!"Nakanguso nyang saad.

*TSUP!*

"Okay baby!" Sabi ko bago gumawa ng portal bago pumasok.

"Ingat ka baby ah" yun lang sinabi nya bago ako mapunta sa mundo ng mga tao.

*MORTAL WORLD*

Dito nanaman ako dinala ng portal sa palengke kung saan  ako bumili ng pagkain ni Althea na hindi naman kinain.

Pero teka? Ano bang klase yung Leche Flan yan? Damn it!

Lumingon lingon lang ako sa paligid, hanggang sa makita ko yung babaeng pinagbilhan ko ng puto bungbong.

"Miss? May Leche Flan ba kayo?" Tanong ko dito na ikinagulat nya.

"Oh hijo? Ikaw nanaman. Sabi ko na nga ba't babalik ka eh." Sabi nya at malaki ang ngiti sa labi.

"Kung may Leche Flan ho kayo?" Ulit na tanong ko.

"Ay nako hijo. Masyado pang maaga para sa Leche Flan. Alas otso palang ng umaga oh." Wika nya at pinakita pa talaga ang kulay pink nya relo.

"Ah ganun ho ba? Mga anong oras ho ba kayo magtitinda nun?" Kunot noong tanong ko at namaywang pa. Shit! Pano yan baby? Huhu. Pinahihirapan mo naman ako eh!

"Nako pogi madalas sa hapon itinitinda yun. Eh sino ba kase ang kakain at ang aga aga?" Tanong nya. May pagka usisera rin pala itong si manang!

"Para ho sa asawa kong naglilihi" Sabi ko na may pagmamalaki.

"Ahh sayang naman. Ang bata mo pa para mag asawa. Irereto ko sana sayo ang anak kong babae." tila malungkot na sabi nya na ikinagitla ko. The fuck?!

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon