Chapter 9: Date??

728 28 0
                                    

After kong maligo. Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng damit na susuotin ko. Ahm ano kaya?! Ah eto!. Isang pink na floral dress ang susuotin ko ngayon at doll shoes, sabay punta sa salamin.
Pero laking gulat ko nang makita ko ang kulay ng aking mata O_O
Kulay pink ito at napakaganda! At ngayon ko lang napansin na may kulay din ang aking buhok kulay pink din ito at kumikintab pa.

Habang tinitirintas ko ang aking buhok, hindi pa rin maalis saakin ang pag ka mangha. Dahil bumagay saakin ang ganitong kulay at nakaterno pa talaga sa suot kong dress.

Nang may kumatok naman sa pinto ko. Kaya dali dali ko nang inayos ang sarili ko bago buksan ang pinto.

Pag ka bukas ko ng pinto. Mukha agad ng dalawa kong kaibigan ang sumalubong saakin. At tila hindi yata nila inaasahan ang pag iibang kulay ng buhok ko. Kahit nga ako hindi ko din inaasahan yun! Sila pa kaya?!

"Althea, yung buhok mo! Kulay pink!" lintanya sakin ni recilia.

"Oo nga althea! At bumagay sayo ang kulay!" sabi pa sakin ni alyana. Kaya napangiti naman ako sa sinabi nya hahaha. Well sadyang maganda na talaga ako. Pero mas lalong gumada nang mag karoon ng kulay ang buhok ko.

"Teka? Bat ba kayo kumakatok? Anong meron?!" tanong ko naman sakanila. Nag katinginan naman silabg dalawa bago ako sagutin.

"ahmm ano kase althea, si prince gerald nasa labas ng dorm inaantay ka" so itutuloy nya talaga ang pakikipag date nya saakin?! Dapat ba akong pumayag?? Or hindi?!

"Alam nyo naman ang pinunta nya dto dba" tanong ko sakanila. Na agad naman silang nag sitanguan.

"So, dapat ko bang tanggapin yung alok nyang yun?" tanong ko pa sakanila

"Bakit hindi mo subukan althea? Wala naman sigurong masama na makipag date kay prince gerald!" sabi naman sakin ni recilia.

Ano ba? Papayag na ba ako mga mamshy?! Bahala na nga si batman.

"Sige susubukan ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama pag kasama ko sya dba?" tanong ko sakanila.

Agad naman silang tumango ng nakangiti. Etong dalawang to! Gusto talaga na makipag date sakin si gerald eh!

"Sige na. Pupuntahan kona sya sa labas!" sabi ko sakanila. Sabay labas sa dorm.

Nang makalabas nako sa dorm nakita ko syang nakasandal sa pader sa tapat ng dorm namin. Kaya kinausap ko sya

"Kanina ka pa ba nag iintay?" tanong ko sakanya. Tila nakatingin lang sya saakin at hindi ako sinagot. Lah?! Problema netong lalaki nato?

"Ahh eh Oo." lah? Sya pa talaga ang nahiya  ha!

"Anong nangyayari sayo? Bat nahihiya ka ata?" tanong ko sakanya

"you look so beautiful" pag eenglish nya. Wow ah kala mo nmn talaga ee. Pero parang namula naman yung mukha ko sa pag kakasabi nya nun.

"S-alamat" sabi ko. At pilit na ngumiti.

"Oh bat ang pula ng mukha mo?" hala!? Shiit naman. Napansin nya pa yun.

"Ah eh mainit kase kaya namumula ako hehe" pagpapalusot ko naman sakanya.

"teka san ba tayo pupunta?" pag iiba ko ng topic. Baka kase mamaya sa iba na kami mapunta ng usapan ee.

"Halika na!" sabi nya. Sabay hila sa kamay ko.

Naloka nmn ako kase mag ka holding hands kami habang nag lalakad. Kaya hindi ko maiwasang hindi mailang, lalo na't ang daming mga matang nakatingin saamin at mga nag bubulungan pa.

*ANG GWAPO TALAGA NI BABY PRINCE GERALD* G1

*PERO SINO YUNG KASAMA NYANG GIRL?!* G2

*ANG KAPAL NG MUKHA NANG BABAE NAYAN! KUNG MAKA HAWAK SA KAMAY NI PRINCE GERALD KO!!*G3

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon