CHAPTER 32: THE IMPOSTOR (PART 4)

421 15 5
                                    

GERALD'S POV

Nang makarating kami sa tapat mismo nitong clinic. Agad kong pinihit ang pinto at binuksan ito ng dahan dahan.

"Ano bayan! Pa slow motion epek ka pang nalalaman jan!" Asik ni Alysa atsaka marahas na binuksan ang pinto. Ito talagang babaeng nato kahit kailan sadista!

Bumungad sa amin ang mga kaibigan naming gulat ang mukha sa pagpasok namin.

"Nurse? Nandito ba si Althea?" Tanong ni Alysa.

"Naku wala nga sya dito ee. Pero ang sabi naman kasama nya si Pogi!" Kinikilig na sabi nung Nurse. The Fuck!?

"Huwag kang kiligin sa kanila Nurse joy! Kami dapat nun ee. Kaya lang kasama nya si Althea." Linya nya. Napabaling naman ako kay Jeremy na biglang tumayo.

"Honey..." Saad nya at akmang lalapit ng pigilan sya ni Alysa.

"Wag mokong matawag tawag na Honey! At huwag ka na ring lalapit sakin. Hindi ko kailangan ng Boyfriend na sadista. Ako lang dapat" pagtataray nya bago bumaling kay Nurse Joy.

Eto namang si Jeremy ayaw paawat.

"Please Honey? Hindi ko naman talaga sinasadya yun ee" Parang batang sabi nya.

"Ano ba!? Wala akong pakielam kung sinasadya mo ba yun o hinde! Mas matatanggap ko pa kung ako yung sinaktan nyo eh! Yung ako yung sapakin at sampalin?! Okay pa sakin, pero sana hindi nyo na ginawa kay Althea!" Asik ni Alysa. Kaya hinawakan ko ito sa balikat para pakalmahin.

"Alysa." Sabi ko dahil ayaw pa rin nyang paawat.

"Nakakabadtrip eh! Alam nyo bang buntis si Althea!? Ha!" Gigil na sabi nya. Gulat silang lahat sa narinig mula kay Alysa. Fuck! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Masyadong madaldal ang babaeng ito! Damn!

"A-no!?" Utal pa nilang sabi lahat.

"H-honey..." Si Jeremy. At hindi makapaniwala sa narinig.

"She's pregnant. And im the father" Sabi ko nalang. Ngayon sa akin na nabaling ang atensyon nila.

Makikita mo sakanila ang pagsisi.

"Oh? Nagulat kayo no? Buti nalang talaga hindi malala ang ginawa nyo sakanya. Dahil baka hindi ko na alam ang magawa ko sainyo!" Singhal ni Alysa.

Bigla namang tumayo si Kleth na iiyak na. At akmang lalapot samin ng bigla syang pigilan ni Alysa.

"Jan ka lang." Utos nito. Wala naman syang nagawa kundi ang huminto.

"G-gerald? Im s-sorry. Im so sorry. Hindi k-o naman sinasadya yung nangyari. Nawala lang talaga ako nun sa katinuan ko. Kung malatawad mo man ako o hinde, okay lang. Tatanggapin ko ang desisyon mo." Sabi nya habang deretsong tumutulo ang kanyang luha.

"Gerald? Alysa? Sorry din sa ginawa kong pag sampal kay Althea. Ako naman yung nauna kaya sila nag gayahan ee. Sorry talaga, hindi ko naman alam na buntis pala sya." Usal naman ni Joewana at inalo ang umiiyak na si Kleth.

"B-bro, alam kong ako yung may mas pinakamasakit na ginawa kay Althea. Nadala lang naman talaga ako ng emosyon ko kaya ko yun nagawa. Nawa ay mapatawad mo ako sa aking ginawa. Alam kong mahihirapan kayong magpatawad dahil sa mga ginawa namin sa nobya mo. Malugod ko ring tinatangga----" Naputol ang sinasabi nya dahil mabilis syang niyakap ni Alysa.

Ako naman lumapit kila Kleth at Joewana. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit yung yakap na nagpalatawad.

Lalong humagulgol ang dalawa dahil sa yakap kong iyon. Yung yakap na pangkuya para sakanila.

"Sino ba naman ang kagaya kong hindi marunong magpatawad sa mga kaibigan kong matagal ko nang nakasama diba? Pinapatawad ko na kayo. Pero hindi ibigsabihin nito na pwede nyo pang ulitin ang ginawa nyo sa taong mahal ko. Never. Okay?" sabi ko. At niyakap din nila ako pabalik.

White Land Academy: The Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon